Chapter 18

11.8K 193 10
                                    


"SINO SI KEITH, NAY?"

Tanong ko kay nanay habang nakakunot ang noo na nakatingin saakin.

"Seryoso ka, anak?" Hindi makapaniwalang ani niya.

Tumango ako.

"Sino ba kasi iyang si Keith?" Tanong ko ulit.

"Naaalala mo si Christie pero si Keith hindi?" Natutop ni nanay ang bibig. "Hala, paano nangyari iyon?" Dugtong niya.

Nagkibit-balikat ako.

"Maliban nalang kung siya ang nasa isip mo bago ka nabundol."

Naningkit ang mga mata ko. "Seryoso ka rin, nay? Hindi ko nga kilala ang taong iyon, eh."

Napa-apir si nanay sa sarili. "Tama ako, siya ang iniisip mo bago ka nabangga."

"Naaay?" Sinipat ko siya. "Sino ba kasi siya?"

"Sa kanya tayo nangungupahan. Ikaw pa nga nagbabayad sa kanya, eh."

Napaisip ako. "Bakit wala akong maalala?"

"Malay ko..."

"Nay, naman eh. Ipaalala mo,"

Napahawak si nanay sa kanyang dibdib. "Bakit ako? E, kung kayo nalang kaya mag usap?"

"Ano?! Hindi ko nga alam ang itsura niyan, eh."

"Hayaan mo kapag nakalabas kana dito, sisiguraduhin 'kong mag uusap kayo." Seryosong usal niya.










ISANG LINGGO na rin ang lumipas mula ng makalabas ako ng hospital. Sa awa ng diyos ay hindi na rin sumasakit ang ulo ko.

Balik trabaho na rin ako, kay ganda ng gising ko ngayon araw. Kaya ala-sais pa lang ay nandito na ako sa factory ni Mr. Yuchengco, gusto kong bumawi dahil sa pagkakaospital ko.

Plano 'kong pabanguhin ulit ang pangalan ko sa insik para kapag gusto ko na namang bumale ay mapagbibigyan.

Naupo ako sa desk ko, namiss ko rin ito. Mahigit tatlong linggo ba naman akong hindi nakapag trabaho.

Habang ini-encode ang sales namin this month ay parang may bumabagabag sa isipan ko. Parang may nakakalimutan yata ako? Parang hindi kumpleto ang araw ko dahil hindi ko siya nakita.

"Hi." Napabalikwas ako sa pagkakaupo sabay hawak sa aking dibdib.

"Sus, maryosep!" Ani ko, sabay lingon sa kanya.

Nagsalubong ang mga kilay ko, "H-hi..." Ang tagal ko rin siyang hindi nakita.

Mas lumapit pa siya sa akin. Isang dipa nalang ay napahinto siya, sumandal siya sa computer desk. "Bakit ang tagal mong nawala?" Simula niya.

Napatitig ako sa kanyang mukha. Mas lalo siyang gumwapo, pero bakit ganoon? Hindi ang mukha niya ang hinahanap ng sistema ko.

Sino ba kasi ang gusto kong makita?

"Na, hospital kasi ako..." Mahinang sagot ko.

Nanlaki ang kanyang mga singkit na mata. "What?!" Tumaas ang kanyang boses. "Bakit hindi ko alam?"

Aba, malay ko. Gusto ko iyong isagot.

"Hindi ko nga rin alam na nabundol pala ako," sagot ko nalang.

"Ano? Paanong nangyari yun?"

Malay ko ulit.

"Mahigit isang linggo din kasi akong tulog."

Mas lumapit pa siya sabay hawak niya sa balikat ko. "Are you okay, now?"

Mahinahon akong tumango.

The Ruler Has Returned (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon