TTOW 8
Sam POV
UNTI-UNTI KONG binuksan ang pintuan at ganon na lang ang gulat ko sa aking nasaksihan.
May kahalikang babae si Justin habang nakakandong ito sa kaniya at ang mga kamay nito ay tila hindi mapakali at naglilikot sa buong katawan ng babae.
Doon nagsiunahan tumulo ang mga luha ko. Hindi nila napansin ang presensya ko at ilang minuto bago ako bumigay ng husto ay nakita nila akong nakatayo doon at humihikbi.
Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko at tila kakapusin ako ng hininga kaya tumalikod na ako at tumakbo paalis.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta tumakbo lang ako ng tumakbo dahil gusto ko na makalayo sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam... Hayst!
Bakit ganon kapag ba may dumating na saya ay kailangan may kapalit din itong kalungkutan at sakit? Bakit napaka-unfair naman? Hindi ko maintindihan?
Napahinto ako ng makakita ako ng isang park, napagdesisyunan kong umupo sa swing at doon ako umiyak ng umiyak.
Inilabas ko lahat sa pag-iyak. Kasi ayun na lang ang tangi kong magagawa. Ang umiyak!
Kaya ba late na siya lagi umuwi? Dahil may ibang babae siya at sa office niya pa talagang napiling makipaglampungan. Grrrr!
Ang sakit... ang sakit sakit!
Hinawakan ko ang tiyan ko. 'Baby, don't worry nandito si Mommy hinding-hindi kita pababayaan.'
***
Makalipas ang isang Buwan.
Nandito ako ngayon sa bahay at nag bake ako ng cookies. Nag-crave kasi ako kanina kaya gumawa nako. Yum!
Matapos ang mga nangyari noong nakaraan ay humingi siya sakin ng sorry. Nakainom daw kasi siya nung mga oras na iyon.
Syempre! Pinatawad ko siya, bakit? Kasi mahal ko eh.
Diba nga kapag mahal mo ang isang tao lahat ng pagkakamali niya at kapintasan niya ay tatanggapin mo? Papatawarin mo? because everyone deserve a second chance.
And I give him a chance to change para sa pamilya namin. Dahil magiging isang buong pamilya na kami.
I also told him about my pregnancy at nakikita ko talaga sa mga mata niya na ang saya siya.
Naging malambing ulit siya sakin hindi nga lang maiiwasan na minsan late pa rin siyang umuwi. Hayst! Pero sinabi niya naman sakin na marami lang ginagawang paper works at isa pa may problema daw sa company at inaayos niya agad ito.
Gabi na at nakasuot na ako ng pj's para matulog. Kailangan daw ay maaga na akong matulog simula nang malaman kong nagdadalang tao ako.
Pero bago pa ako tuluyang hilain ng antok ay naramdaman kong may humalik sa aking leeg.
Hinayaan ko lang dahil baka naglalambing na naman ang asawa ko pero ilang minuto na ang lumipas at hindi pa din niya ito tinitigilan hanggang sa umakyat na ang mga halik niya mula sa leeg at ngayon nga'y paakyat na sa aking mukha. Doon na ako napadilat ng tuluyan.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang mapupungay niyang mga mata at alam ko na ang ibig sabihin ng mga tingin na iyan.
Kahit hindi siya magsalita ay alam na alam ko ang ibig niyang gawin namin nang gabing ito.
Tinitigan niya ang aking labi ng matagal at naramdaman ko na lang ang paglapat nito sa aking labi.
Pinipilit niyang ipasok ang kaniyang dila sa aking bibig dahil nakatikom iyon ngunit pinaunlakan ko din naman ang kanyang hiling.
Hindi ko alam kung anong oras kami natapos, ang alam ko lang ay tinigilan na lang ako ng makitang pasikat na ang liwanag sa kalangitan.
At bago ako lamunin ng antok ay narinig ko pa siyang nagsabi ng 'I love you'
Ang pag-ngiti sa aking labi ang sumilay saking mukha bago ako tuluyang magpadala sa dreamland.
Dedicated to Aesthetic_pieces thank you so much sa flood votes. Sana tuloy-tuloy lang haha! Peace ✌
Edited.
BINABASA MO ANG
The Temptation of Wife [COMPLETED]
Dragoste"Kill them with SUCCESS, and bury them with a SMILE.", sabi nga ng isang sikat na Kpop Star na si GD or G-Dragon na kung tawagin nila. Isang paghihiganti ng isang asawa.. Madadala nga ba sa isang tukso ang dating minahal? Magtagumpay kaya ang mga pl...