-END-

16 0 0
                                    


"Mommy I want ice cream please? " napangiti ako dahil sa hitsura niya. Halatang gustong-gusto niya na talagang bumili ng itinitindang ice cream ni manong.

"Tara bili tayo, " nagulat ako nang bigla na lamang ay sumulpot kung saan si Carlos. Base sa kanyang suot na damit halatang kagagaling niya pa lamang sa trabaho.

"Teka tumakas ka ulit? " Nalilitong tanong ko.

Tumango lang ang loko at agad na inaya si Kursey para bumili ng gusto nito.

Ang isang 'yon talaga! Ang laki laki na e, pagtakas pa rin ang alam na gawin.

"Mommy! Look strawberry po 'yong binili ko! " masiglang sabi ni Kursey habang hawak ang ice cream niya.

Lumapit lamang ako sa kanya at agad siyang binuhat. Apat na taong gulang na si Kursey pero 'di gaya ng ibang bata maliit lamang siya. Hindi rin siya tabain kaya nga kung minsa'y madali siyang mapagod o kaya'y hindi niya kinakaya ultimo pagbuhat ng dalawang libro.

"Patikim nga, " sabi ko pa. Agad naman niyang inilapit ang ice cream niya sa akin at pinatikim ito. Masarap nga. Mas masarap kaysa mamahaling ice cream.

"Akin chocolate! Ito 'yong paborito mo 'di ba? " Pagmamayabang naman ni Carlos sa akin.

"E ano ngayon kung chocolate flavor ang binili mo? " pagtataray ko naman na tinawanan niya lang pati na ni Kursey.

"Nagsusungit ka na naman! Kursey tingnan mo o! Inaaway ako ni Mommy Sheena mo, " pagpapaawa niya pa sa anak ko, like as if maaawa sa kanya si Kursey e sa akin galing 'to, malamang sa akin siya kakampi!

"Mommy 'wag mo na po siyang awayin. "

At talagang kinampihan niya pa 'yong ugok na 'yon?!

"Aish! Ewan ko sa inyo! Matawagan nga si Mica, lagot ka do'n panigurado! " Pananakot ko kay Carlos, agad namang sumeryoso ang pagmumukha niya.

"Tsk! 'Yong isang 'yon! Napag-iinitan na naman ako, mukhang napaglihian pa yata ako. " naiinis na sabi niya. Pero gaano man siya mainis sa isa halata naman ang excitement sa mga mata niya. Second baby na kaya nila 'yon ni Mica!

And yes sila ni Mica ang nagkatuluyan. Sa dami ng drama nilang dalawa sa huli sila din pala ang magkakatuluyan. Nadamay pa ko sa kadramahan nila!

At ako naman? Kinasal na ko kay Francis, nakilala ko lang siya no'ng minsang nagbakasyon kami ni Nanay sa Batangas. Sobrang saya nga no'ng bakasyon namin na 'yon, pinasaya pa nang makilala ko si Francis.

Naalala ko tuloy kung bakit biglaan kaming nagbakasyon ni Nanay.

"Ano bang problema? " Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko pero parang kinakabahan siya nang itanong niya iyon sa akin.

"Carlos, ang hirap na kasi. Parang pinipilit na lang natin ang lahat. Parang pinipilit mo na lang 'yong sarili mo na mahalin ako. " Panimula ko at tuwid ang mga matang nakatingin sa kanya.

"Shishi ano ba 'yang sinasabi mo? Maha--" Hinarang ko ang aking kamay sa kanyang bibig, pinapatigil ang pagsasalita niya. Ayokong marinig pa ang mga sasabihin niya.

Friend of Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon