capítulo uno

5 0 0
                                    


Nakaupo ngayon ang dalaga sa may sanga ng puno ng manga, masyado malalim ang iniisip nito kaya hindi nito namalayan na natunton na pala ito ng pinsan nya na si Aries. Kumuha ng maliit na bato si Aries at binato ito sa dalaga. Napahawak ito sa parting tinamaan at galit na hinanap ang taong bumato sa kanya at nakita nito si Aries na malawak na nakangiti. "Bakit?" nakakunot-noong tanong nito sa pinsan nya. Bagkus isang ngiti lang ang isinagot nito sa akin. Dahan-dahan bumaba ang dalaga mula sa sanga patungo sa pinsan nito. Pagkababa nito ay pinitik naman ni Aries ang noo nito at sinabing "kanina ka pa hinahanap nila, Tita. Hindi ka raw mahagilap sa bahay". Nakangusong hinihimas ng dalaga ang kanyang noo habang nakatingin sa pinsan nito. "Eto na, babalik na" sabi nito tapos ay nagsimula na itong maglakad. Nakakailang hakbang na sya ng magsalita ulit ang pinsan nito. "Babalik na ulit sya sa susunod na semester". Agad na napatalikod ang dalaga upang tumingin sa pinsan nito, mahahalata mo sa mukha nito ang saya dahil sa kinang ng mga mata nito. Tumakbo ito at yumakap sa pinsan nya at nagpasalamat. Pagkatapos ay tumakbo na ito patungo sa tahanan nila.

Nagmamadali akong naglakad patungong school. Hindi naman akong late sadyang kailangan kong magmadali kasi ngayon yung dating nya. Kung hindi man kasi nasira yung kotse edi sana nasa school na ako ngayon. Ngayon na ulit sya babalik sa school sa loob ng apat na taon ay makikita ko a ulit sya. Oo sya. Pagdating ko sa school ay pumunta agad ako sa building nya. Una kong nakita ay ang mga nagkukumpulang mga tao. Napabusangot ako, sila agad ang unang nakakita sa kanya, ako dapat e. Napatingin sya sa direksyon ko napangiti naman ako tapos sya biglang sumimangot tapos nag-iwas ng tingin. Nakakunot noo akong nagtungo sa kanya. "Give way!" utos ko sa mga taong nakapalibot sa kanya. Sinunod naman nila ako, banatan ko sila pag di nila ako sinusod, joke lang, mabait ako noh ngayon nandyan na ang bebe Andre ko. Ayyiiieee. Kinikilig na ako makita ko lang sya paano pa kaya kung maging kami na. Tama yung narinig nyo. Hindi pa kami ni Andre pero soon, magiging kami rin. Tiwala lang.

Lumapit ako sa kanya at binigyan ng isang halik, smack lang ang ginawa ko. "I miss you so much" sabay yakap sa kanya. Inalis nya yung kamay ko sa pagkakayap sa kanya. "Umayos ka nga" seryosong sabi nito. Pakipot pa love-y bunch ko. Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Bumalik yung huwisyo ng bigla itong tumalikod at biglang naglakad palayo sa akin. "Uy, teka lang honey pie. Wait up" habol ko dito. Bigla itong humarap sa akin "Pwede bang tigil-tigilan mo ang pagtawag sa akin ng kung anu-ano. May pangalan ako and it's fucking JOHN ANDRE for pete's sake" may diin doon sa pagbanggit nya ng pangalan nya. Ngumiti lang. Kahit ganyan ka, mahal na mahal parin kita.

Matangkad ito, may kalakihan ang katawan, medyo mahaba at messy ang buhok nito. Maputi yung balat at ang kulay ng mata nito ay itim. shet. dinis-describe ko palang sya, lumalambot na ang tuhod ko. hays. John Andre Llamosa, maghintay ka lang at magiging akin ka rin.

Bumalik na ako sa building kung nasaan yung kurso ko. Magkaiba kasi kami ng kurso,halata naman di ba? Patalon-talon akong pumunta sa classroom na may ngiti sa aking mukha, masaya kasi ako, sobrang saya dahil bumalik na si Andre, my bebe Andre. Matagal na kaming magkakilala ni Andre dahil sa arrange marriage na napagkasunduan ng tatay ko at ng tatay nya nung nasa sinapupunan palang kami ng aming mga ina. Pero simula nun hindi ako tutol doon kasi the first moment I saw him, I fell for him already. I love him. Pero ayaw niya sa akin, ewan ko ba kung may nagawa ako sa kanya o sadyang pakipot lang talaga sya. Haist, hirap nyang i-solve.

Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong agad ako ni Miranda. "Oy babae, ningingiti-ngiti mo dyan?" nakakunot noong tanong nito? Etong babaeng 'to kahit kailan laging outdated. "Duh! Andyan na kaya si bebe Andre ko" sabay pabebe kong nilagay yung buhok ko sa likod ng tenga ko. Binatukan ako nito. "pucha, di bagay sayo". Nakasimangot akong tumingin dito. "Aray ha!" maktol ko rito. " Umupo na nga tayo" saad ko habang patungo sa silya kung saan kami naka-assign. Nagpalumbaba ako at tumingin sa kawalan.

Masaya kong nilakbay ang daan patungong cafeteria upang hanapin si Andre ngunit pagdating ko roon ay wala ito maski sila Aries ay wala. Sunod naman na pinuntahan ko ay ang tambayan ng mga unggoy na yon, bakit? Sa mukha silang mga unggoy, pati yung pinsan ko, buti nalang at di ko naging kamukha yun. Pero si Bebe Andre ko hindi, ang gwapo gwapo kaya nya. Nang marating ko yung tambayan nila, di nga ko nagkakamali at nandoon sila. Nakita ko silang nagtatawanan habang ang taong hinahanap ko ay nakaupo lang sa tabi ng puno, nakapikit habang may earphone na nakasaksak sa tainga nito. Walang pag-aalintana ay umupo agad ako sa tabi ni Andre at kinuha ang isang earphone at nilagay iyon sa tainga ko at pumikit. Naramdaman kong gumalaw sya. Bigla nalang natanggal yung earphone sa tainga ko, masakit ah. Hatakin ba basta basta? Tsk. Kunot noo akong tumingin dito. Naglalakad ito palayo sa akin. Once again, he's running away from me.

Kakatapos lang ng school hours at wala sa pag-iisip akong naglalakad papunta sa school gate. Paano ka magiging akin? Ba't ang hirap mo namang sungkutin? Pwede ba paggising ko bukas akin ka na lang?. Kakaisip ko kung ano ang gagawin ko para mapasaakin si Andre ay hindi ko napansin na mayroon palang nilalang sa harapan ko. Hindi naman malakas yung pagkakabunggo ko sa kanya para matumba kami pero masakit parin. Humingi agad ako ng tawad sa taong nabunggo ko. Agad ko naman namukhaan ito, sya yung babaeng biglang humarang sa pagitan ni Aries at nung lalaking binu-bully nito. Maganda ito, maliit ang mukha, matangkad, straigh na straight ang buhok at matingkad ang pagiging itim nito. Natigil ako sa pag-oobserba sa kanya ng magsalita ito. "Pasensya na hindi kita napansin". Ngumiti lang ako tapos umalis na ito. Tinitigan ko lang ito habang naglalakad paalis, di pa ito nakakalayo ay bigla ko itong tinawag. "Akisha"

Nagtataka itong lumingon sa akin. "B-bakit?" nag-i-stammer nitong saad. Nakangiti akong lumapit dito. "Kilala mo ako?" muling tanong nito. Napatawa ako ng mahina sa inasal nya. Sino ba naman ang taong hindi makakakilala sa kanya, sya ang kauna-unahang tumalo sa isang Aries De Guzman. Nakalokong ngiti lang sinagot ko rito. "Paano?" may pangangamba sa tono nito. "Sino ba naman ang hindi makakakilala sayo, Ikaw lang naman ang babaeng pinag-uusapan ng buong campus dahil sa katapangang pinakita mo sa harapan ng isang ARIES DE GUZMAN"

"R-right" saad nito "Is that bad? I mean, It is bad!" bigla itong napasabunot sa buhok nito.

"Nope. It's not bad. In fact, I admiring you for being brave in front of him" masiglang kong saad "By the way, I'm Iona Danielle Angeles" At inilahad ang aking kamay. Inabot naman nito ang kamay ko "Akisa Isabelle Guevarra" then she smile "My ghad, Ang ganda mo" medyo pasigaw kong saad. Inaya ko itong sabay na kaming lumabas ng campus kaso sabi nito may ihahatid pa ito sa library kaya di sya makakasabay pero inalok ko syang samahan sya nung una ayaw nya pa pero dahil makulit ako ay napapayag ko sya.

Malapit na kami sa gate ng bigla tumunog ang phone ni Akisha. "Oh? Andito ka na? Sige sige, malapit na ako sa gate. Wait ka lang" the she hung it up tapos kumaway ito. Tumingin ako at nakita kong may kinakawayan itong isang lalaki. Matangkad din ito, maputi at singkit, medyo mahaba at itim din ang buhok. Pagkalapit namin dito ay agad dumukwang yung lalaki para halikan sa pisngi si Akisha. "Si Hiro nga pala, Iona. Hiro si Iona" pagpapakilala ni Akisha. "Kapatid ko" dugtong nito.

Akala ko pa naman boyfriend niya. Gumaan naman ang loob ko. Hindi matutuloy yung plano kung magkakaroon ka ng boyfriend, sorry Akisha but I'm a little manipulator.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ladies First!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon