Ann's POV
Hay nako,heto ako ngayon nakahiga sa kwarto ko at napapahinga na dahil kakagaling ko lang sa isang birthday party kaya ito dinadalaw na ako ni Mr.Antok.
(Triiiing,triiiing-alarm clock)
"Ahhhh,salamat at ang sarap ng tulog ko" sabi ko
At pagtingin ko sa alarm clock ko.
We-wait,7:30 na!!!!!Bigla ko naalala first day of school pala ngayon,kainis naman oh.
Kaagad akong pumunta sa CR para maligo at pagkatapos ay nagmadali akong nagbihis at nag-almusal.
"Oh anak di mo ba uubusin yang pagkain mo?"sabi ng Mama ko
"Hindi na po male-late na po kasi ako.Sige mama mauna na po ako" sabi ko sa kanya.
"I love you baby ko,ingat ka"
"I love you rin po Mah"
Agad akong sumakay sa kotse at pumunta na sa School.
Pagdating palang sa gate ng school ay kumaripas agad ako ng takbo papunta sa classroom na papasukan ko.
Sa sobrang bilis ng takbo ko,di ko namalayan na may nakabunggo na pala ako.
"Aray!!" sabay kami
"Are you okay Miss?" sabi niya
"Yes okay lang ak--"biglang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko
Pamilyar ang mukha niya,sino nga ba kasi to??
"Tabs!"parehong sigaw namin.
" Tabs,anong ginagawa mo dito?!"I asked
"Syempre mag-aaral dito.Papasok ba ako dito kung hindi ako dito mag-aaral?" Sagot niya
"Ikaw talaga hanggang ngayon palabiro ka parin" habang kinukurot ang pisngi niya
" Tabs,bakit hindi mo sinabi sa akin na dito ka na pala mag aaral" siya parin
"Uhm...surprise??" Sabi ko sa kanya.
"Ohh ano pang ginagawa natin dito?Tara na isang minuto nalang mag-uumpisa na ang klase" siya na naman
Tumakbo kami ng mabilis hanggang makarating kami sa room namin.
By the way,yung tinatawag kong Tabs ay si Gio.Siya ang aking childhood friend at tatay tatayan ko nung bata pa kami dahil sa kanya ako nagsusumbong pag may nang away sa akin.
Bakit Tabs ang tawagan namin?kasi pareho kaming mataba nung bata pa kami pero tignan mo ngayon ang sexy namin hahaha.Tsa nga pala hindi niyo pala kami makita😂.
Balik na tayo sa school namin.
Pagdating sa room ay nakita namin ang teacher namin na nasa loob na.
"Bakit kayo late?" Tanong niya agad sa amin
"Ah ma'am,traffic po kasi eh" pagpapalusot ni Gio
"Ah sige magpakilala na kayo dito sa harap.Alam kong traffic dahil first day of school ngayon" wow ang bait pala ni ma'am.Ang swerte naman.
"Hi ako si Gio Salvador,Nice to meet you all"
"Hi ako naman si Ann Jane Navarro" sabay kaway sa mga bagong classmate
"You may now take your seats" sabi ni ma'am
"Tara tabi tayo" sabi in Gio
"Sige tara" I talked back
Sigurado ako magiging masaya to!!!
____________
Author's Note:
Oh hanggang dito na muna.Sorry kung maikli lang ang Chapter na ito.
Don't forget to comment and to vote.
Labyah...
YOU ARE READING
My Hidden Feelings
RomanceSabi ng iba ay mas maganda ang takbo ng lovelife mo kung sa pagiging bestfriends muna nagsimula dahil kilala at alam mo na ang pagkatao niya. Eh paano kung bestfriend ko nga at kilalang kilala ko na siya pero hindi ko maamin ang nararamdaman ko para...