// For Andrea who always has my back when I need her. //
"Andrea Alvarez!" Tawag saakin ni Luhan. Hinarap ko naman siya at nakitang tumatakbo siya papunta saakin.
"Uuwi ka na?" Tanong niya saakin nang maabutan niya na ako.
Tumango ako. "May darating daw kaming relatives from the states. Kaya pinapauwi ako ng maaga. I-ttext nalang sana kita para sabihin na uuwi na ako kaso, ayan. Andyan ka na. Alam mo na."
"Hatid kita, gusto mo?" Offer niya.
Umiling ako saka ngumiti. "May meeting ka pa diba? Hindi naman kita papayagang hindi umattend ng meeting para saakin."
"Si baby girl naman." Reklamo niya habang nakanguso. "Mas gusto ko nang hindi mag-attend sa meeting na yun kaysa mag-take risk. Paano kung may mangyaring masama sayo? Hindi ko kakayanin 'yon."
Kinurot ko yung pisngi niya. "Wala namang mangyayari sakin. Sige na. Pumasok ka meeting mo ah? Kapag nalaman ko lang na hindi umattend ng meeting, magtatampo ako sayo." Banta ko sakanya.
Hinimas niya yung pisngi niya na kinurot ko. "Opo. Ingat ka ha? Tawagan mo ako kapag may mangyari. I love you, baby girl." Aniya sabay hila saakin papunta sakanya at halik sa noo ko.
Tumango naman ako habang nakangiti. Nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, ano ba yan. Four months na simula nung naging kami, six months simula nung nanligaw siya. At hindi ko parin matanggal sa sarili ko ang pag-pula ng pisngi ko tuwing may gagawin siya katulad ng ganito.
"I love you, too." Sabi ko bago kami naghiwalay. Umuwi na ako saka tumulong sa mga gawaing bahay. Ganyan talaga, masipag daw ako.
Throughout the night, hindi nawawala ang ngiti ko dahil buong gabi ko din ka-text si Luhan. Kahit na ang katawan ko, kasama ang mga magulang ko at ang iba pa naming kamag-anak, ang kaluluwa ko naman masayang kausap si Luhan sa sarili naming mundo.
Kinaumagahan, nag-kita kami sa tree house na lagi naming pinupuntahan. Dito ang una naming naging date kaya naman ang lugar na ito ay napaka-importante saamin.
"Baby girl, kailan ka pupunta sa bahay para makilala ang parents ko?" Biglaang tanong saakin ni Luhan.
"Hindi ko alam." Sagot ko saka nag-kibit balikat.
Pinag laruan niya ang buhok ko sa kamay niya. "Eh kung pumunta ka kaya sa Friday? We're having a family dinner. Punta ka ah? Aasahan ko na 'yan. Baby girl, I'm sure my parents will love you. Ikaw pa? Eh pala ngiti ka at mabait eh."
"Sige na nga. So sabay na tayong pupunta sa bahay niyo nun?" Paninigurado ko.
"Yes. I can't wait to tell Louise. Gustong gusto ka na kasi makilala ni Louise eh. Sasabihin ko na kina mama at papa. Kailangan espesyal ang araw na 'yun. First time mong makikilala ang mga magulang ko at first time din makikilala ng magulang ko ang babaeng mahal ko." Sabi niya pa habang nakangiti sa kawalan.
Mabilis namang lumipas ang mga araw. Hindi nagtagal, dumating na din ang takdang araw na makikilala ko ang mga magulang ni Luhan.
Pagkatapos ng trabaho namin, sabay kaming pumunta sa bahay nila.
"Luhan, kinakabahan ako." Sabi ko sakanya habang papasok kami ng bahay nila.
"Wag kang mag-aalala. Magugustuhan ka nila at magugustuhan mo din sila." Aniya habang nakahawak sa kamay ko.

BINABASA MO ANG
Irrepressible Love
Lãng mạn[ one shot ] ; Sometimes, you have to hurt the ones you love for the one you truly love.