Chapter 9
New Squad?
"Uy ano yon?" Tanong ni Miles. "Sigawan nanaman!" Asar na sabi ni Sunny. Tahimik lang ako, kinutuban kasi ako na sina...
"Hi girls!" Bati ni Nash sa aming tatlo. "Hello!" Sabay sabay naming bati kay Nash. "Anong gagawin niyo sa mall?" Tanong ni Miles. "Ewan ko ba dito kay Donny, bigla na lang nagyaya ng mall." Sisi ni Robi. "Oy, kahit si Nash yung nagyaya!" Sagot agad ni Donny. Nagtawanan kami.
"Sama na lang kayo sa amin, kakain kami tas tom's world." Yaya ni Sunny. "Sure! Tara na!" Naglakad lakad na kami papuntang food court. Magkatabi na kami Donny. "Ikaw pala yung nagyaya mag mall e. Miss mo talaga ako e." Asar ko dito. "Uy! Ang feeler! Hindi nga ako yung nagyaya!" Parang batang nag tantrums.
"Panget mo uy! HAHAHA" Asar ko dito, kasi may papadyak padyak pa. "Eh kasi, di ka naniniwala sa akin ih!" Tuloy niya padin yung papadyak. Di ko mapagilan yung tawa ko. "Hoy! Kayong dalawa dyan, parang wala na kayong kasama ah!" Asar ni Sunny. "Iba e! Sabihan niyo lang kung nakakaistorbo kami ha?" Suhol pa ni Robi.
"Tigilan niyo nga!" Sabi ko sa kanila. "Baliw kayo!" Support sa akin ni Donny. "Iba talaga, supportive ang koya Donny mo, kay ate Shar!" Asar pa ni Nash. "Nye nye nye!" Make face ko pa.
Malapit na kami sa food court. Food here I come! HIHI. "Panget mo, wag mo na ulit gagawin yun ah!" Asar nung panget na nilalang. "Ha?" Takang tanong ko. "Make face pa more!" Asar niya tas ginawa niya pa yung make face na ginawa ko. "HAHAHA! Akala mo naman pogi! Panget!!" Tawang tawa kong sabi. "Hoy awat na hoy!" Kasi tuloy padin siya sa gawa niya.
"Hoy! Andito na tayo, awat na muna sa landian." Asar ni Miles. "Weeh! Corny mo uy. Tara na bili na tayo." Yaya ko sa kanila. "Katakawan talaga!" Parinig ni Donny. Inirapan ko na lang siya.
Napagdesisyonan na namin sa King Sisig na lang kumain. Yehey! I love sisig! "Tara na bilis bilis!" Excited na yaya ko sa kanila. Tuwang tuwa talaga ako pag pagkain pinaguusapan. "Oh tara na! Gutom na yung matakaw na kuripot." Asar ni Donny. "Masaya ka niyan?" Asar ko. "Masaya daw siya kapag ikaw kasama niya." Sabat ni Nash. Nangasar naman yung lahat.
Nakaorder na rin kami. Hinihintay na lang namin. Kwentuhan lang. Nakakatuwa lang kasi sobrang kita mong iba yung tawanan. Nangangamoy bagong tropahan ah.
"Akala mo talaga!" Asar ni Miles nagtatalo sila ni Robi tungkol don sa, actually di ko alam. Di ako nakikinig. "Oh edi wow!" Sagot ni Robi. "Ano bang pinaguusapan nila?" Tanong ko sa katabi kong panget. "Picture ni Robi sa IG."
"Andyan na! Kainan na!" Excited kong sabi. "Tuwang tuwa nanaman po siya." Asar ni Donny. Inirapan ko na lang siya. "Mamaya ka sa akin." Takot ko dito, pero tumawa lang siya.
Kain kain kain kain. Konting kwentuhan dahil sobrang focus halos lahat sa pagkain. Unli rice shempre! Solid yon! "Hoy paawat naman kayo dyan! Nakaka 6 na kayo." Sita sa amin ni Sunny. Kain kasi kami ng kain padin ni Miles. "Walang basagan ng trip." Sagot ni Miles. Nag nod lang ako. "Kaya siguro ang taba mo Miles." Asar ni Robi. Inirapan lang siya ni Miles at derecho kain.
"Paawat ka naman dyan panget, baka pati plato makain mo." Bulong ni Donny. "Last na." Sabi ko, sayang naman kasi kung may matitirang ulam diba? Kaya lezzgo kanin pa. "May dessert pa tayo." Nagulat ako don, akala ko derecho tom's world na. "Talaga? Akala ko tom's world na." Takang sabi ko. "Oo, libre kita. Ano bang gusto mo?" Tanong niya.
YOU ARE READING
Right Timing
Novela JuvenilAng tadhana ay minsan mapaglaro, minsan kakampi minsan kalaban. Ang tanong, dapat mo bang pasalamatan o dapat mo bang kainisan?