Her POV
Umaga nanaman! Ready na ako sa First day of School, bagong uniform, bagong course, bagong department, bagong prof, at bagong mga kaibigan!!! Excited na ako!! Hindi pa pala ako nakakapagpakilala.. Ako nga pala si RM Guo, feeling 13yrs/o, height pang grade school, weight pang tatlong tao 😂😂! Pang anim na taon ko na sa College, bakit? Kasi di ako mapakali sa mga courses ko! Haha.
🎵riiiiiinnngggg🎵
may natawag? Ay,si mother earth pala!
RM:hello nay?
Nanay: late ka nanaman! Bumaba ka na! Now na! (Sabay baba ng tawag)ok???? Pag tingin ko sa relos... OMG!!! Malalate na akooooooo!!!!! Nagmamadali akong bumaba, naabutan ko si Nanay na nakain.
RM:Nay pasok na po ako baon ko?
N:Nasa ilalim ng telepono, dalian mo na late ka nanaman! Sa school ka na kumain!〰〰〰〰〰〰〰♥♥〰〰〰〰〰〰
P. Rizal UniversityAndito na ako sa PRU ngayon tamang lakad takbo papunta sa klase ko, ang galing galing ko naman kasi at lagi nalang ako late! Eto na rm. 134! Haaaaay buti nalang dalawa palang ung tao or dalawa nalang ung tao? Haha... makaupo na nga at sa dulo ako pwepwesto! Para makatulog pa ako, hehe.. mga 10 mins pa di ako mapakali sa upuan ko, kaya naman lumipat ako ng upuan para may kakilala na ako na classmate..
RM:(upo sa tabi ni ateng chubby din like me) Hi te! Ano pangalan mo? RM nga pala(sabay ngiti) ASMID ka din ba?
Ate:Kassie, oo same tayo.. kilala mo ba prof natin? Kanina pa kami dito wala pa ee..
RM:hhmm wala pa sigurong prof.. ayos lang 1st day palang naman! (Lingon sa gilid sabay tawag sa dawala) mga ate! Dito kayo sa tabi namin! Ano mga pangalan niyo? Ako si RM siya si Kassie!😊😊
Ate1:Myles, hello sainyo 😊
Ate2:Steph naman pangalan ko 😊😊
〰〰〰〰〰〰♥♥〰〰〰〰〰〰〰
Buong araw lang naman kami nagkwentuhan dahil walang mga prof! At 8pm na ako nakauwi ng bahay, grabe kakapagod! Matapos kong kumain at maligo,hinanap ko na ang diary ko at nagkwento ng buong unang araw ko sa PRU.