Nasasabik Parin Sa'yo

205 3 2
                                    

Napakasaya ko na napakalungkot,
Tumawa ko at labis na sumimangot.
Nagtiwala ako at labis na may pinagdudahan.
Nagmahal ako at labis na nasaktan,

Nakita kita sa pamamagitan ng aking puso,
Nakita kita kahit nasa kabila kang dako.
Nariyan ka at narito ako,
Sa isa't-isa sadya tayong magkalayo.

Paano ba nangyaring minahal kita?
Paano bang ako naman ay 'yong sininta?
Paano ba nangyari na tayong dalawa,
Pinag-isa, kahit narito ako at nariyan ka.

Sa telepono lang kita nakakausap,
Sa telepono kita pinapangarap.
Sa telepono lang kita nahahagkan,
Sa telepono lang kita pwedeng halikan.

May dalawang nagmamahalan sa gitna ng gabi,
Ngunit tayo ay hindi magkatabi.
May mga musikang pinagsasaluhan,
Ako at ikaw ay nagkakantahan.

Masaya tayong dalawa,
Ngunit biglang nawala ka.
Hindi na kita laging matawagan,
At ang mga mensahe ko wala ng mga kasagutan.

Ngayon nga ay wala na tayo,
Wala na akong ikaw, ika'y wala nang ako.
Wala na bang pag-asang makita kang malapitan?
Wala na ba akong hihintayin at aabangan?

Wala na bang darating at hahagkan sa akin,
Wala na bang halik na sa labi ko'y papadampiin?
Wala na ba lahat ng pinlano natin?
Malabo na bang muli pa 'kong mahalin?

Umaasa akong pagdating na panahon,
Na tayong dalawa ay mabibigyan ng pagkakataon.
Na makita pa ang isa't-isa,
Sana manumbalik ang pag-ibig mo sinta.

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon