Chapter 5: Real
Carmela's POV
Well, guess what? Nandito ako sa tapat ng altar, nakasuot ng red blouse na may at pink na skirt while he's wearing at while polo shirt and black pants. Magkahawak-kamay ko si Nash, ayoko na. Bakit ako pa? Marami ring nanonood kaya nakakailang. May ilang masama ng tingin sa'kin. Ginusto ko ba 'to? Kayo kaya hatakin ni Nash nang sobrang higpit! My right wrist is flaming red! Tinawanan nga lang ako ni kuya Nash nung nakita niya 'yon!
"Mr. Nash Villanueva, do you take Carmela Alcantara as yours?" tanong ni Kyle na alam kong kanina pa natatawa, mamatay ka na.
"I do." sabi niya. Wait, anong sabi niya? Lumakas lalo ang bulungan sa paligid namin.
I do.
I do.
I do.
Is this true? I looked at Nash straight to his eyes and into my surprised he is also looking at me. I avoided his gaze. Pero para akong hinihigop pabalik no'n, and the next eye contact? He is smirking at me. I rolled my eyes at him and I felt him squeezed my hand. Magkahawak pala kami ng kamay nito.
"Ms. Carmela Alcantara, do you take Nash Villanueva, as yours?" sabi naman sa akin nitong lalaking 'to? Anong gagawin ko?
"I-I do." Wala sa sariling sabi ko. Huli na ng ma-realize ko kung ano 'yung sinabi ko. Some people, including Nash, were already smiling while the Fab Squad was rolling their eyes at me. Dukutin ko 'yang mata niyo eh!
"You are now officially a couple, yay!" sabi naman ni Kyle, kaso isa sa rules dito na dapat buong araw magkasama kami. Hinawakan ako ni kuya Nash sa may balikat at nilagyan ako ng flower crown sa ulo ko, bakit sila may pabackground na blue? Ano gigil nila ako? Jusko ayoko na.
A click of a camera echoed the whole surroundings. Oh right, may picture palang kasama dito sa Marriage booth. Napangisi ako ng mapait nang maalala ko 'yung nangyari kanina sa Physics Lab. Kami pa nagsabi no'n, ta's nakalimutan ko rin agad. Tch, sa lahat ba naman kasi ng hahatakin niyang babae bakit ako pa?
Pinakita sa amin 'yung picture and nagulat ako ng sininok na naman ako sa harap ni Nash. He playfully smiled as he holds my hand. Hinila na ako ni Nash sa Food Booth or yung Saranghae Café na ginawa ng mga Grade 11, kailan ba 'to matitigil? I really want out to this situation, gusto kong matapos ang first year ng maayos! At kung pwede talaga, walang kaaway!
"Ano gusto mo, Carmela? Libre ko." tanong niya sa akin sabay ngiti na sobrang lapad, totoo pala sinabi nila, nakakamatay nga 'yung ngiti niya. "F-frappe nalang." sabi ko sa kanya, favorite ko 'yon e, sobra. I smiled at him at lumingon na siya doon sa counter.
"Ma'am, ano pong flavor?" tanong sa akin nung gumagawa ng frappe. Ang galing niya gumawa ng frappe, ha, infairness! Pamilyar ang mukha niya sa'kin, and naka-ID din siya. He's a student from the other section of Grade 11.
"Strawberry."
"Strawberry."
We stared at each other. Ako ang unang umiwas ng tingin. Ang weird lang kasi! Bakit alam niya? Is he stalking me? I know that's too much to accuse pero paano niya nalaman? Sinasabi ba sa kanya ni Jaeden? Kung totoo, I will probably kill Jaeden for this! Lalo na si Kyle at Jasper! They all know about this! I don't accuse Lia because ayaw niyang pinagkakalat ang kung anong information sa circle of friends namin maliban nalang if that person agreed to share his or her information.
Binigay sa akin ni Nash yung frappe ko at umupo kami dun sa upuan na may dalawang upuan lang, at magkaharap yung upuan. Typical date, I thought. "Uhm, b-bawal ko pa ba 'to hubarin?" tanong ko sabay turo sa flower crown at sa suot kong damit. Nakakahiya talaga, sobra. Tapos siya pa kasama ko?
YOU ARE READING
Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)
Novela JuvenilHEARTTHROB SERIES #1 Carmela Alcantara, a typical high school student, experienced being linked with the campus heartthrob of Xien Academy. She is a straight honor student from elementary with her mother, brother, Cali, and her friends at her side...