Chapter 5 - The Assassin

109 3 0
                                    

Ivan's POV

Katatapos lang ng last subject namin, well wala namang ginawa buong klase yung ibang teacher lecture lang ng lecture at bigay ng homework and yung ibang teacher hayun attendance lang

Since tapos na ang last subject namin, tumayo na ako at kinuha ko ang bag ko.. Yun pa rin cold pa rin ako sa mga kapwa lalaki dito sa bagong section ko. Ayaw ko talagang may lumalapit sa akin except lang sa babaeng makulit na yun, sa sobrang kulit napapayag nya ako na maging mag kaibigan kami at heto pa sinuot nya pa ang isang cheap item na tinatawag nya bestfriend's bracelet.

Ewan ko ba kung ba't ko nasabi na oo at pumayag ako, siguro dahil sa umiyak sya ewan di ko naman gawain yun noon eh..

Habang naglalakad ako sa corridor, panay naman ang tingin sa akin ng mga babae, mga babae talaga grabe di ko maintindihan..

"Tignan mo ang gwapo nya ano at super cute nya.. ano kayang name nya" sabi nung babae bago lang

Dinig ko lahat ng mga sinasabi ng mga babaeng ito kahit naka earphone ako.

"Sa pagkakaalam ko, kaklase nya yung bubbly girl na si Xy, yung tinangyagan na most friendly dito sa campus natin."

"Oh talaga, wow ang swerte naman ng section ni Xy.. sana maging classmate ko din sya.."

"Hmm wag ka nang umasa.."

Ewan ko sa inyo..

Pababa na ako sa 1st floor nang biglang may humawak sa balikat ko.

"Hey!" 

Nilingon ko, sya na naman

"Bakit??"

"Uhmm, well uwian na diba ok lang ba na sumabay ako sa pag-uwi??" sabi nya

Bakit kailangan nya pang sumabay sa akin.. Ignore her baka makita ako ng mga kasama ko at baka patayin sya.

Bakit ko ba inaalala yun, di ko naman sya kilala bahala na kung patayin man sya wala akong pakialam pakialamera kasi.

"Ok lang??" tanong nya

"Bahala ka, wala akong pakialam kung mapano ka dyan sa labas"

"Oh, bakit nandyan ka naman diba para maging tagapagligtas ko.." she grin

Ewan ko ba sa babaeng ito, ba't ganun ang ugali nya sobrang kulit

Di ko na lang sya pinansin, nagpatuloy ako sa pagbaba pero sya hayun sunod pa rin ng sunod, parang aso na bubuntot buntot sa akin. Bahala sya

"Since tahimik at tinalikuran mo ako kanina nung itanong ko yung pagsabay ko sa pag-uwi then it means yes, since silence means yes diba.."

Baliw talaga

"Oie, this saturday birthday ng mama ko punta ka sa bahay namin, para naman mapakilala kita since bestfriend kita.."

"Di ka ba talaga natatakot sa akin, sa attitude kung ito..??"

"Hindi" and then ngumiti sya..

Ibang klaseng babae, saan ba ito nagmana??

"Di ako pupunta, may kailangan akong aasikasuhin"

"Oh, sayang naman then next time na lang.."

"Bahala ka.."

"Ok, uhmm saan ka ba nakatira?? pwedeng malaman??"

"Bakit??"

"Wala lang, pag bored ako sa bahay namin, then pupunta ako sa inyo para makipag bonding sayo ok lang naman yun diba.. Walang bawal??"

My Boyfriend is A Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon