Chapter 25

44.5K 1.3K 35
                                    

Chapter 25

    Kinabukasan ay nalate ako sa paggising. Maagang pumasok si Iverson dahil may aasikasuhin daw sya sa opisina nya at nagbilin naman ng sticky note si Spade na may pupuntahan daw sya at babalik lang daw.

   Napangiti ako nang isang maganda at mapayapang araw ang bumungad sa akin. What a heaven! 'Yung walang bubungad sayo at napakatahimik pa ng paligid.

"Attention! Attention! Attention!"

    Napakunot ang noo ko nang marinig ang isang boses sa isang maliit at parihaba na parang radyo. Like some communication device. Ngayon ko lang narinig na tumunog ito kaya nakinig ako.

" Good day, everyone! To all Students of West Cannon Academy, today is Friday and everyone is required to go to their respective training areas to warm up. This is Athena Zamora reminding you that the Duel will be three weeks from now.

   I repeat, all students of West Cannon please proceed to your respective training areas to warm up and perform a practice. As usual, you can wear any comfortable clothes you have. This is Athena Zamora, reminding you that the duel will start three weeks from now. This is a legitimate information from the office of the president.

    Goodmorning by the way and be prepared."

    Nang mapatingin ako sa side table clock ay alas siete y media na kaya naman ay agad na nagbihis ako. Isang itim na spaghetti strap top at oversize cotton pants ang suot ko na pinarisan ko naman ng combat boots. Nilagyan ko rin ng bandage ang bandang harap ko para hindi masyadong mabigat at walang makita in case of emergency. Ang buhok ko ay nakaponytail para naman hindi ito istorbo kung mag t-train na kami mamaya.

   Grabeh. Hindi ko man lang namamalayan ang araw ko dito. Sa dami ba naman nang nangyayari ni hindi ko na maisipan na tumingin sa oras. Minsan nga naiisip ko na hindi isang misyon ang pinasukan ko. Hindi naman ako nahirapan sa pagpapirma ni Iverson sa kontrata at namumuhay naman akong maginhawa rito.

   Nang bumaba ako ay marami akong nakasalubong, karamihan sa kanila ay tinatapunan ako ng kuryusong tingin at pinagbubulungan. Hindi ko na lamang sila pinansin at dumeretso na sa room. Nang makarating naman ako ay kaunti na lamang ang tao dahil nasa kani-kanilang training areas. Sandali akong nanatili sa classroom para maghanap ng kaunting impormasyon sa training na ito. Hindi naman kasi ako sinabihan ni Iverson tungkol dito.

    Shit, si Kenshin! Dapat pala ay nagbackground check ako noong isang araw. Nakalimutan ko pa.

    Narinig ko na nakapost daw ang training master at training area ng dalawang patron sa bulletin board kaya tinungo ko naman ito. Doon nga ay nakita ko ang impormasyon tungkol sa training na ito.

"These are the official training areas and training masters for 2017:

Iverson Jade McGregor - archery/ arrow field

Jacen Ivronsen McGregor - firing/ firing station

Isajace Lemur Amelynx - knife throwing/weapon room

Zyrel Shade Montenegro - bomb deactivating/ bombing field

Dwayne Jason Lopez - hacking or tracking/computer room

Kenshin Ishimiyo Fujiwara - fencing/ sword room

Raphael Vincent Phallashton - poisoning/dark kitchen

Chancellor Kane Oliveros - decoding/library

Maximillian Gabriel Aguirre - mixed martial arts/mirror room

Be there at eight am and be prepared."

    Fencing ang pinili ko dahil sa lahat ng self defense na natutunan ko ay ito lang ang labis na nakokontrol ko. Firing is quite crucial for me, you cannot be reckless. Archery? It's an ancient defense at malimit ko lang gamitin. And I would not choose poisoning for sure, iyan ang dahilan kung bakit ako na ban sa mga Montero.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon