#PossessedLover
Coincidence
"Time of death: exactly 9 pm." sabi ng doktor habang tinatanggal ang stethoscope na nakasabit sa leeg nya.
Kahit sobrang daming tumatakbo sa isip ko ngayon, naisipan ko pang tingnan ang relo ko na nakahinto sa eksaktong 9 pm kagaya ng sabi ng doktor.
"The family and relatives of carcass will arrive anytime soon. Idiretso na po ba natin sa morgue, doc?" sabi ng nurse.
Tumango naman ang doctor at tinakpan na nila ng puting kumot ang katawan kong wala ng buhay.
Kung ano ano ng mura ang nasa isip ko ngayon na gusto kong isigaw ngayon lahat dito! Hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan at kailanman hindi ko ata maiintindihan 'tong mga nangyayari sa'kin!
Lumabas ako sa kwartong 'yun at naglakad na parang zombie. Parang? Natawa ako sa naisip ko.
Hindi pa nga ba ako zombie ngayon? I'm already a dead person but still walking. Ako nga ata ang tamang definition sa title na "Walking Dead" Ang pinagkaiba ko nga lang sa mga zombies, I can still think clearly and I can still able to feel the pain, though not physically but emotionally. Mas pipiliin kong maging zombie nalang na walang direksyon kaysa sa sitwasyon ko ngayon. Wasak na wasak na ako.
Hinayaan ko lang ang lahat ng tao na banggain ako. Tumatagos lang naman ako sakanila kasabay ng lamig na nararamdaman ko kapag nangyayari 'yun.
Patay na ba talaga ako? Pero bakit pa ako nandito? As far as I can remember, sa dalawang lugar lang napupunta ang kaluluwa ng taong namamatay. It's either sa langit or impyerno.
Hindi ba matantya ni God kung gaano ako kabait at kasama kaya hinayaan nya muna akong magstay atsaka nya ako huhusgahan kung san ba talaga ko nararapat? Bakit kasi ang aga nya akong gustong kuhanin? Napakarami ko pang gustong gawin sa buhay ko.
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narealize ko. Hindi kaya baka hindi pa ako tapos sa mission ko mundo kaya nandito pa ako?
But I still didn't get it! Kung hindi pa pala ako tapos, what's the point of letting me to die this early?
Mabuhay, gawin ang lahat ng dapat na gawin atsaka mamatay. Pero ang mabuhay, mamatay and then tsaka mo palang gagawin ang mga dapat ginawa mo ay sobrang kumplikado.
Pwede namang simple nalang. Bakit kailangan pang gawin na ganito kakumplikado? Mas masaya ba talaga pag ganito ang plot twist? Yung sa sobrang hindi mo ineexpect na mangyayari, hindi mo na kayang tanggapin.
"Everythings happen when you least expect it." napalingon ako sa gilid ko at doon ay may mga nurse, pasyente, dalaw at sino sino pa ang nagkukumpulan. "He's too young yet successful. Nakakapanghinayang mabalitaan na maaga syang nawala."
Lumapit ako doon at pumunta sa harap kung nasaan ang TV.
Hindi ko na inalala ang mga mababangga ko dahil sino ba ang lolokohin ko kapag ginawa ko pa 'yun? Para lang lalong sinampal sa'kin ang katotohanan na patay na nga ako kapag patuloy ko pang gawin ang mga bagay na imposible na sa lagay ko ngayon.
"The popular vocalist of NorthEast band, David Zulueta has passed away. His corpse was recovered at the Patre Road's cliff. He was quickly rushed in to the nearest hospital but he didn't make it to survive-"
Hindi ko na nasundan pa ang sinasabi ng reporter sa TV dahil nanghina nanaman ang mga tuhod ko at hindi ko na talaga napigilan na wag umiyak.
Iniyak ko lahat ng hinanakit ko hanggang sa unti unti ng magsi-alisan ang mga tao.
BINABASA MO ANG
Possessed Lover | JJK & PJM
ParanormalDavid Zulueta. Dalawang salita ngunit napakaraming kahulugan. Gwapo, matalino, mayaman, mapagmahal, talented, responsableng anak, perfect boyfriend at marami pang iba. Ngunit dahil sa isang aksidente, nahiwalay ang kanyang kaluluwa at kinakailangang...