Entry #4

127 11 1
                                    

SA-YAW

Sa tuwing tinatanaw ko ang bawat galaw mo tinitignan ko kung may magbabago ba sa reaksyon ko, bawat tindig, pagpitik ng mga kamay at paa mo, musika na tanging naririnig ko pati ang pagpatak ng pawis mo kasabay ang pagtibok ng puso ko.

Makita kang umuugoy sa musikang kinaaliwan mo, abot langit ang ligaya na nakikita ko sa mga mata mo, masaya akong masaya ka sa ginagawa mo,  hindi mo man alam, patuloy parin ako susuporta para sayo.

Malayo man ang tingin mo sa isang katulad ko, at matingnan ako ng di sinasadya,  ilang beses mo man itong ipawalang bahala ikaw at ikaw parin ang hinahangaan ko sa buong buhay ko.





-Unknown

Spoken Word Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon