Chapter 1: Forever

6.2K 121 8
                                    

“Let’s stay this way forever, I love you.”

•••••

“Iinumin mo ‘yung gamot na ni-reseta sa’yo ni Doctor I, ah?”

Napangiti na lamang ako nang marinig ko ang sinabi ng nanay ng bata na nagpa-check up sa akin kani-kanina lang. I am happy that they encourage their children to follow the instructions of doctors, like me.

Dahil wala pang pasyente, nagbasa-basa muna ako sa libro na hindi ko pa rin natatapos dahil sa dami ng batang nagpapacheck-up sa hospital araw-araw. Tumunog ang cellphone ko habang binabasa ang librong iyon.

I smiled when I read the text.

Shawn:

Hi! I’ll fetch you later, I love you.

Ako:

Okay. Please take care. I love you too.

Ibinaba ko ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagbabasa nang pumasok si Zarah sa clinic ko.

“Doc, lunch na po. Pwede na kayong magpahinga muna at kumain.”

Tumango ako at nginitian siya. “Sige, salamat Z.”

Si Zarah ay nurse rito sa pinagt-trabahuhan kong hospital. Mas bata siya sa akin ng dalawang taon at matagal na rin siya rito ngunit mas matagal lang ako ng ilangbuwan. Mabait siya kaya naman naging close kami agad.

Tumayo ako at tinanggal muna ang lab coat ko para makalabas na ng clinic. Iniisip ko kung saan ba ako kakain, sa cafeteria o sa labas na lang ng hospital?

Palabas na ako ng building nang tawagin ako ng guard. Pinili kong kumain na lang sana sa labas.

“Doc I!”

Nilingon ko iyon. Lumapit ako sa guard habang tinitignan ang paper bag na hawak niya na may nakasulat  na pangalan mula sa isang sikat na restaurant.

“Magandang tanghali po, Kuya.” bati ko sa kanya.

“Magandang tanghali rin po, doc.” iniabot niya sa akin ang paper bag. “Pinabibigay po pala ni Sir Mendrez.”

Napangiti ako. Mukhang hindi ko na kailangang lumabas ng building.Bumalik ako sa clinic. Nakasakay na ako sa elevator nang makareceived ako ng tawag mula kay Shawn.

“Hello?”

“Hello, love.” his voice is husky, parang kagigising lang. “Natanggap mo ba 'yung lunch mo? Sorry, I slept kaya pinadala ko na lang.”

I smiled. Sabi ko na nga ba, nakatulog ito.

“Yeah. Thank you. Ikaw, you ate lunch?” I asked.

“Yes love. By the way, I have to go, class starts in ten minutes. Take care, I love you!”

“I love you too, bye!”

I ended the call. Dumeretso agad sa aking clinic para makakain na.

Ilang pasyente pa ang nagpa-check up. Nang vacant time ko ulit ay dumating naman ang mga kaibigan ko.

The Professor's Wife (Book 2 Of MPMF) ✓Where stories live. Discover now