Kabanata 31: Couple Shirt

30.2K 1.1K 190
                                    


|| Dessy Leondale's Point of View ||



Pagkatapos kong maligo at isuot ang basketball uniform ni Duri, hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Kanina pa ako tapos pero nanatili lang akong nakatayo sa may pinto at nagdadalawang isip na lumabas.

Sinasadya kong magpatagal dito sa loob para mainip si Duri sa labas at umalis na lang sya dahil masyado akong matagal nang sa gayon, hindi na nya ako ihatid pa pauwi.

Napakagat ako ng labi at pagkatapos ay napakagat din ako sa kuko ko nang biglang mag-echo na naman sa tenga ko ang sinabi ni Duri bago sya lumabas. Kanina pa talagang hindi tumitigil ang echo'ng 'yon habang naliligo ako kanina. Bwisit.

"...Tutulungan kita, just stay away from Cal and be mine."

Anong klasend kondisyon iyon? Seryoso ba siya sa sinasabi n'ya? Gago ba sya?

Mabilis akong napailing at lumayo sa pinto pagkatapos ay hinilamos ang kamay sa mukha.


 "Hindi ko kailangan ng tulong ni Duri para mapatawad ako ni San. Mabait si San at alam kong mauunawaan nya ko. Hindi sya katulad ng kuya nyang masamang tao makuha lang ang gusto nya." Wala sa sariling nasabi ko sa isip ko.

Sana nga lang madali 'to gaya ng iniisip ko.

Bumuntong hiniga ako at nagpasyang buksan na ang pinto at harapin si Duri. Pero bago ako lumabas, tinignan ko muna ang sarili ko sa human sized mirror ng mga varsity players dito sa loob ng kwarto. 

Masyadong malaki ang damit at short na jersey, buti na lang at t-shirt itong pinagamit nya sakin na damit. Kung sando ito, malamang makikita ang bra'ng suot ko.

Pagkabukas ko pa lang ng pintuan, nakita ko agad ang nakasandal na si Duri sa pader kung saan nakatapat sya sa pintuan ng changing room. 

Kitang kita ko ang pagbabago ng kunot nyang noo pati na rin ang pagguhit ng mga ngisi sa kanyang labi.

Hindi talaga nakakatuwa ang pagngisi-ngisi nya, ang manyak nyang tignan at sobrang bad boy look ang half smirk na ginagawa nya.

Nakangisi pa rin syang naglalakad papunta sa kinatatayuan ko. Nakalagay ang dalawa nyang kamay sa bulsa ng itim nyang pantalon.

Tumingin ako sa magkabilang paligid ng corridor ng changing room, buti na lang wala masyadong dumadaan na estudyante dito.

Nang makalapit sakin si Duri, agad nyang hinuli ang kamay ko at pinagdaop ang mga palad namin. Hila hila nya ako papunta sa hall kung saan maraming estudyante ang tumatambay doon.

Aligaga kong inaalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko pero mas humihigpit ito. Hindi naman kami gaanong sobrang kabilis maglakad pero parang kinakaladkad nya ako sa sobrang haba ng biyas nya.

"Duri, bitawan mo yung kamay ko." Inis kong sabi sa kanya. 

Mas nagiging aligaga ako dahil papalapit na kami ng papalapit sa mga estudyanteng nakatambay sa hall at ang ilang malalapit na estudyante samin ay nagsisitinginan na samin. Peste!

"Kapag binitawan ko ang kamay mo, alam kong hindi ka sasama sakin. So, I won't." Aniya nang hindi tumitingin sakin at diretso lang sa paglalakad.

Kunot noo ko syang tinignan at wala pa ring pinagbabago ang ekspresyon. Muli akong napatingin sa hall, shit! Papalapit na kami ng papalapit!

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon