Adik ako s'ayo (Spoken Word)

80 12 0
                                    

Copyright by © charahda81

Plagiarism is a crime

************
Adik ako sa 'yo
(Spoken word poetry)

Nabalaan na ba kita?
Na hindi ako dapat pagkatiwalaan ng lubusan
Pagkat hindi ako tulad ng 'yong inaasahan
Dahil una pa lang, naadik na ako sa'yo ng tuluyan

Umpisahan natin lahat sa 'yong mga labi,
Labi mo na parang alak at tinutukso ako palagi
Labi mong sinubukan ko lang tikman
Ngunit umabot na sa puntong gusto ko ng laging halikan

Gusto kitang halikan
Na para bang wala ng kinabuksan
Kinabukasan na gusto ka na namang pagnasaan
Pagtikim sa'yong mga labi ay hindi ko na mapigilan

Para kang alak na nakakahilo
Pag wala ka'y parang kulang ang aking mundo
Ikaw ang alak ng buhay ko
At ang tatak mo ay ang panagalan mo

Isunod natin ang iyong ngiti
Ngiti mong parang laging nangingiliti
Ngiti mo na dahilan ng aking pag-ngisi
Nakangisi na wala sa sarili

Nawawala ako sa sarili kapag narinig ko ang iyong tawa
Tawa mong parang may kakaiba
Ah, oo, alam ko na
Tawa nga pala 'yan ng isang Dyosa

Di rin papahuli ang katawan mong maganda
Katawan mo na aking marijuana
Oo, hindi ko na kailangan ng marijuana dahil sa 'yo palang nagugulo na ang aking sistema

Huwag nating kalimutan ang sigarilyo
Na hindi ko na kakailanganin dahil and'yan naman ang pagmamahal mo
Pagmamahal mo na di ko na ipapahihit kahit kanino
At sana sakin mo lang ibuga lahat ng pag-ibig mo

Mapa-alak, marijuana o sigarilyo
Hindi ko na kailangan ng kahit anong bisyo
Dahil noong makilala ko ang katulad mo
Wala na rin akong pinagkaiba sa adik sa kanto

Maaari na rin akong hulihin ng gobyerno
Tanungin ang pangalan ko at ang ginagamit kong bato
Pero paano ba 'yan ? Ikaw lang ang kinaadikan ko
At ikaw ang tangi kong bisyo

cнaraнda'ѕ : Random ThemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon