I

4 0 0
                                    

"We didn't  work out in our real world but I hope at the end of this story, it will be a happy ending. "






M

ax's

"Time flies so fast, isn't it? " my mom said.

Siya si Margareta Daniels ang aking napakabait na Ina.

"Yeah" I said smiling. Kasalukayan kaming nakaupo ni mama sa sala habang tinitingna ang aking graduation pictures. Hindi ako makapaniwala dahil sa kabila ng paghihirap ko sa pag-aaral lalo na ang aking mga magulang ay nakapagtapos ako. Hindi naman kami masyadong mayaman, katamtaman lang. Sakto lang naman ang kinikita ng aking papa sa pagiging manager niya sa isang restaurant. Nag-iisa lang akong anak kaya naman pursigidong pursigido ang aking mga magulang na ipagtapos ako ng pag-aaral.

"Anong plano mo ngayon anak? " mag-iisang buwan na akong graduate sa kursong BS in Business Administration pangarap ko kasing magkaroon ng sariling negosyo pero bago ang lahat ng iyon ay dapat muna akong magsimula sa umpisa.

"Mag-aapply muna ako ng trabaho ma"

"That's good! Ang sabi sa akin ng papa mo ay naghahanap daw ang kanilang restaurant ng bag-"

"Ma ayokong magtrabaho kila papa" I cut her off.

"But why? I'm sure your father will be happy to work with you" I just look at her and smiled.

"Thank you ma kahit nakapagtapos na po ako ng pag-aaral ay nandiyan parin kayo ni papa para suportahan ako" hinawakan niya naman ang aking kamay.

"Of course anak, proud na proud kami sayo ng papa mo at kahit ano man ang mangyari ay nasa likuran mo lang kami handang tumulong at gumabay sayo"

"I know ma that's why I'm so lucky to have you and papa but I think it's time to make my own decision. Gusto ko po kasi na huwag nang umasa sainyo, gusto ko na ako naman po ang maghihirap para makatulong sainyo nila papa para narin makabawi sa lahat ng sakripisyo at paghihirap ninyo sa akin. " ngumiti lang siya at bigla akong niyakap.

"That's so sweet anak kung iyon ang gusto mo ay susuportahan ka namin ng papa mo"

"Thank you so much ma!" I hugged her very tight.

"A-nak t-oo t-ight" oops.

"Sorry ma, naexcite lang" then she giggled which made me smiled.

"So saan mo balak mag-apply? " tanong niya sakin at bigla ko namang kinuha ang dyaryong kanina ko pa binabasa.

"Naalala mo yung sinabi ko dati ma? Yung pinapangarap kong kompanyang pasukan? "

"Yung sikat na Lewis Company na nagmamay-ari ng iba't ibang sikat na restaurant dito sa bansa? Yes naalala ko, what about it? " ibinigay ko kay mama ang dyaro.

"Ayon sa nabasa kong dyaryo ma naghahanap sila ng sekretarya sa isang restaurant nila dito sa Manila at doon ako mag-aapply bukas na bukas din"

"Well good luck for you sana matanggap ka agad "

"Naman ma! Sa ganda kong to? " humagalpak naman siya ng tawa.

"You really know how to make me laugh " sabi niya habang pinupunas ang munting luhang nabuo sa kanyang mata sa kakatawa.

"I'm just telling the truth and besides sayo naman ako nagmana hindi ba? " tumawa lang siya ng mahina.

"but seriously anak, good luck at kahit ano pa man ang mangyari proud na proud kamk sayo ng papa mo. " awe. Nagyakapan muli kami ni mama ang sweet niya talaga kahit kailan.

"Ehem. May nagaganap palang kadramahan dito at hindi manlang ako kasama? " nagtatampong boses ni papa sa likod namin.

Siya ang papa ko. Si Harley Daniels at kung tinatanong niyo kung may lahi ba ako? Yes, half Canadian si papa at half Russian naman si mama. Bakas sa kanyang mukha ang isang matikas at matipunong lalaki. Kahit singkwenta na ang kanyang edad ay hindi ito mahahalata sakanyang katawan at mukha, 2 years lang ang agwat ni mama kay papa at gaya ng kay papa ay hindi mo rin mababakas kay mama na may katandaan narin ito.

"Pa! " niyakap ko siya at hinalikan niya naman ako sa noo.

"Hi princess " nang kumawala siya sa yakapan namin ay agad naman siyang sinalubong ni mama ng halik.

"Hi dear" sabi ni mama sakanya.

"Anong pinag-uusapan niyo ng ating pinsesa dear? " sabi ni papa at umupo sa tabi ni mama bale nasa harapan ko si mama at papa.
Ikinuwento ko kay papa ang lahat ng napag-usapan namin ni mama at sang-ayon naman daw siya sa desisyon ko. Pinayuhan niya lang ako ng aking mga dapat gawin at syempre hindi daw madali ang makapasok sa kompanyang aapplayan ko. Alam ko naman iyon at gagawin ko ang lahat para matanggap dahil ito na ang aking matagal na pangarap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Default Title - Write Your OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon