#19: His Sweetness

0 0 0
                                    

"That I was.."🎵




Nakatingin parin kami sa isa't - isa. Nakakainlove ang bawat bigkas ng lyrics ng kanta sa bibig niya. Arrrghhh. Mas gumagwapo pa siya lalo.Di parin ako makapaniwala na magaling pala syang kumanta.



I think.. Marami pa pala talaga akong di alam tungkol sa knya.


"Born for you"🎵



Saka niya ako inikot.



________


"So.. anong masasabi mo?" Natatawa nyang tanong habang nakahiga kami ngayon sa bermuda grass at nakatingin sa daan-daang bitwin ngayon sa langit. Not to mention pero nakalong red dress parin ako na may hiwa sa likuran at siya naka black and gray tuxedo parin.


Napakaperfect nming tingnan diba?


"Oo na." Sabi ko saka siniko siya sa braso ng bahagya.


Natawa naman sya sa inakto ko.

"Ang galing mo pala kumanta." Sabi ko habang nakatingin parin sa langit.

.

"Thanks." Sagot naman niya.


"Mas nakakainlove ka." Sabi ko saka tumingin sa kanya ng nakangiti. Uh. Kanina pa pala sya nakatingin sa akin.


"I know". Sabi niya sa akin ng nakangiti.


Bumalik naman ako sa pagmamasid sa langit.

Hayyys. Napakaganda talaga ng view ngayon.

"Ang ganda ng view sa mga stars ngayon no." Sabi ko habang nakatingin parin sa langit.


"Mas maganda ang view na nakikita ko ngayon." Sabi naman niya.

Teka, ano bang view ang sinasa--


Ugh. Nakatingin pala siya sa akin


Kahit kailan talaga, ang hilig magpakilig neto?!

Pumwesto naman ako ng nakatagilid saka tinitigan siya.


"Para  mas maenjoy mo yung view." Sabi ko sabay tawa.


"Ok." Sabi naman niya saka nilapit pa ang mukha niya sa akin.


Ipinikit ko naman ang mga mata ko ng nakangiti.


Hayyys. Kailan ba magiging permanente ang ganitong mga moment?

Nakaramdam naman ako ng paghawi sa buhok ko.


Iminulat ko naman ang mga mata ko at nakita ko naman ang nakangiting mga labi ni Kevin.


Ugh. Why so angelic ba?!

____________



"Uy bes, san ka kanina?". Tanong naman sa akin ni Kath bang nandito kami sa kotse.


Nakatulala parin ako ng nakangiti sa bintana saka tumatawa ng mag-isa. Hanggang ngayon, naaalala ko parin ang boses ni Kevin.

"Uy! Sino bang kapartner mo kanina ah?"tanong nman niya ulit.



Bigla naman akong nagising  sa realidad ska liningon si Kath.

"Uhmm--wala--. Ikaw ba, sino?" Pag-iiba ko ng topic para hindi sya magtanong ng magtanong.



"Kilala mo yung player ng Laviado ng Tennis? Yung hot na gwaping na laging may nakataling panyo sa ulo?" Natitili nyang tanong.


Tumango na lang ako.

Cherish Every Moment(Ongoing)Where stories live. Discover now