Mahal na kita, Kaibigan ko

160 2 0
                                    

Mahal na kita, Kaibigan ko

--------StarryKnight----------

Hindi ko alam kung bakit ganito

Sa aking nararadama'y nalilito

Di ko alam kung tama pa ito

Ang panatilihin ka sa isip ko

Nung sa una'y parang wala lang

Turing sayo'y kaibigan lamang

Dumaan ang oras at di ko namalayan

Sayo na pala ako'y  tinamaan

Pagmamahal mo sa bayan aking hinahangaan

Pati na rin ang iyong angking katalinuhan

Ang iyong tingin na di ko maiwasan

Aking iniisip anong kahulugan?

Iyong boses kay sarap pakinggan

Musika mo'y nagbibigay kapayapaan

At sa di ko maipaliwanag na dahilan

Pag ika'y lumapit ako'y kinakabahan

Araw- araw mas lalo mo kong pinapahangga

Di ko maitanggi kung gaano ko kasaya

Araw-araw gusto kitang makita

Sayo talaga'y napamahal na sinta 

Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo

Sana ay mapatawad mo ko

Di ko mapigilan ang nararamdaman sayo

Dahil iyong iyo ang puso ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal na kita, Kaibigan koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon