Chapter 6

9 1 0
                                    

“HOY ate!” malakas na agaw ng pansin sakin ni Vincent habang nasa hapagkainan kaming lahat.

Napabalikwas ako at naibagsak sa plato ang mga hawak na kubyertos.

“Tulala!” sigaw ni mama.

Napangiti ako sa mga reaksyon ng mukha nila.

“Ano na naman bang problema? Nung huling nagkaganyan ka e nung nakipagbreak ka kay Nigel. Baka bigla ka na namang umiyak ha?” si mama iyon.

“Siguro si kuya Franz naman ang problema nyan,” si Vic ang nagsalita.

“Bakit? Kayo ba ni kuya Franz ate?” tanong ni Vincent.

Umiling ako.

“Hindi raw,” sabad ulit ni Vic. “Gusto mo maiyak ate? Nakita ko si kuya Franz kahapon may ibang kasamang babae.”

Parang may kumurot sa puso ko. Sino yung babaeng yun? Bakit sila magkasama? Yun na ba yung pinagkakaabalahan nya ngayon kasi wala na ko?

“Tigilan nyo nga ang ate nyo,” si papa iyon.

Tiningnan ko sya. Oo minsan walang alam si papa sa mga nangyayari, lagi syang huli sa balita pero alam nya kapag nasasaktan na ko ng sobra. Sa mga oras na to, pakiramdam ko galing ulit ako sa isang break up. Hindi ko alam kung bakit sobrang broken ako.

----------------------------------------------------

Nailabas ko na sa garahe ko ang kotse ko ng makitang nakatayo sa labas ng gate namin si Nigel. Inihinto ko ang kotse. Ibinaba ang saradong bintana at hinintay syang tumingin sakin.

Kumaway sya at lumapit sakin.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

“Sabi kasi ng mga katrabaho mo ilang araw ka na raw hindi pumapasok, bakit?”

“Napagod lang ako,” sa mga drama ng buhay ko.

“Papasok ka na?”

Tumango ako.

“Sige susunod ako sayo, dala ko kotse ko e.”

Tumakbo ito agad papunta sa kotse nya. Hindi man lang ako niyaya na sa kotse na lang nya sumakay. Pinaandar ko ang kotse ko at hinayaan syang sumunod sakin.

 -----------------------------------------------------------------------

Nasa office na kami, nauna akong bumaba sa kanya, hindi ko sya tinitignan. Kinuha ko muna lahat ng mga gamit, maya maya pa’y naramdaman ko na nag presensya nya sa tabi ko.

Tumayo ako ng maayos at saka sya tiningnan.

Nakangiti sya.

“Bakit?” tanong ko.

“Wala lang,” sagot nya. Nakatingin sya sa mga bitbit ko. “Tulungan na kita.”

“OK,” agad kong itinambak sa kanya lahat ng bitbit ko at nagmadaling lumakad.

Sumunod sya. “Kamusta na pala kayo ni Franz?” tanong nya.

“Bakit? Pake mo mo?” mataray na sagot ko.

“Break na ba kayo?”

Huminto ako sa paglalakad, huminto rin sya. Tinitigan ko sya. “Bakit ba ang hilig mo makialam sa buhay ng ibang tao?”

“Sorry,” tumingin sya sa sahig.

“Hindi kami ok? Tsaka may bago na sya ngayon, kaya wala na,” iritang irita na ko.

Stars in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon