Bago ko simulan yung story na to . gusto ko munang sabihin na pahalagahan niyo yung mga lola niyo . lalo na yung mga lola's girl out there . habang nahahawakan niyo pa yung mga kamay at mukha ng mga lola niyo samantalahin niyo na . dahil napaka iksi ng buhay sobrang ikasi ng buhay ng tao hindi mo namamalayan na isang araw yung pinakamamahal mong lola iniwan ka na . hindi lang panandalian kundi pangmatagalan na pala . hindi ko naman sinasabi na lola niyo lang ang pahalagahan niyo . pahalagahan niyo din yung mga pinakamamahal niyong tao dahil pag hindi , ito sobra niyo tong pagsisisihan. sa story na to na ishashare ko sana may mapulot kayong aral .
May isang babae na nagngangalang Elizabeth at ang kasama niya habang siya ay nagdadalaga ay ang kanyang lola na si Lita .
Si Elizabeth ay isang babae na may pagkatamad sa bahay inaasa niya lahat sa lola niya na si Lita . pero mabait naman siya . ayaw niya na naaagrabyado yung lola niya dahil sobrang mahal niya ito.
Si Lita ay isang matanda na handang gawin lahat para sa apo niya na itinuturing niya na bunsong anak. napaka bait na tao at kahit na anong tulong ang hingin mo basta kaya niyang ibigay ibibigay niya . hindi naman siya mayaman pero matulungin siya sa lahat ng tao .Bata pa lamang si Elizabeth ng mag hiwalay ang mga magulang niya . kaya iniwan siya ng papa niya sa pangangalaga ng lola niya . masaya si Elizabeth na kasama niya lola niya . sapat na sa kanya na kasama niya yung lola niya sa buhay niya . lumipas ang mga taon at sobrang saya ng buhay nila .2006 noon ng dumating ang isa sa napakalaking pagsubok sa buhay ng mag lola . naospital si Elizabeth at nadiagnose ito ng Cancer sa ovary . kaya kinakailangan na tumigil sa pag aaral si Elizabeth . hindi alam ni Lita ang gagawin niya dahil sobrabg mahal niya ang apo niya .
Lita: apo kailangan mo munang tumigil ng pag-aaral ha . para gumaling ka.
Elizabeth: pero nay ayokong tumigil mag aral
Lita: apo kailangan mong tumigil . kailangan mong gawin to at para sayo rin to .
Tuluyan na ngang tumigil si Elizabeth. anim na buwan ang cycle na yun para magamot at maagapan ang sakit ng kanyang apo . hindi nawalan si lita ng pag asa na gagaling ang apo niya. at hindi nga nagkamali si Lita gumaling ang kanyang pinakamamahal na apo .
nakabalik sa pag aaral si Elizabeth pero iLang taon pa ang lumipas nag kasakit naman ang lola ni Elizabeth. na stroke ito at sobrang hirap nito para kay Elizabeth . kailangan na naman niyang huminto upang alagaan ang kanyang lola.
Lita:apo pasensya ka na kung nahihirapan ka ha . wala naman kasing ibang pwedeng mag alaga sakin kundi ikaw.
Elizabeth: okay lang po yun nay.
Lita: apo mahal na mahal kita
Elizabeth:mahal na mahal din kita nay
Nakarecover naman ng mabilis si lita dahil na din siguro sa pag aalaga at pag mamahal ng apo niya sa kanya . naging masaya ulet ng mag lola . ngunit ilang buwan lamang ang nakakaraan muling na stroke si lita na sobrang ikinahina ng kanyang katawan . hindi makatayo mag isa hindi makalakad mag isa kaya kailangan naman huminto ni Elizabeth sa pag aaral sa ikatlong pagkakataon .
Lita: apo ito na naman ako dahil na nman sakin kaya huminto ka sa pag aaral.
Elizabeth: nay wag niyo ng isipin yun . gagawin ko to dahil mahal na mahal ko kayo.
Lita: salamat apo at di ka nagsasawa na alagaan ako. Wag kang mag alala pagdating ng panahon ay pagpapalain ka din dahil sa mga ginagawa mo para sakin .
Habang tumatagal pahina ng pahina si Lita dahil nung na stroke siya napag alaman din nila na diabetic na din ito nag karoon na ng komplekasyon si lita sa mata dahil sa diabetis niya .. hindi makalakad mag isa ni hindi makakain .
Lita: apo paki abot naman ng tubig at ng pagkain ko pagkatapos ay lumabas tayo para malibang naman ako .
Elizabeth: nay naman hinay hinay naman ang utos iisa lang katawan ko oh .
Lita: pasensya na apo ako na lamang ang kukuha.
Pinilit tumayo ni lita at maglakad para kunin ang pagkain kahit halos di na niya ito maaninag .
Lumipas ang mga araw mas lalong nanghina si lita at isang gabi ng silang maglola ay natutulog biglang tumayo si lita upang gumamit ng cr . Naalimpungatan si elizabeth at nakita niya na basang basa ang damit ng kanyang lola . Ipinagtataka niya kung bakit samantalang naka electricfan naman sila . Kinaumagahan ay nagpasya si elizabeth na dalhin na sa ospital ang kanyang lola. Tinawagan ni elizabeth ang kanyang madrasta at ang papa niya .. dahilan upang umuwi ang kanyang ama galing ibang bansa .
Jaime: anak anong nangyari sa nanay
Elizabeth: pa sobrang taas na daw ng sugar ni nanay kaya kailangan na niya iconfine ..
Jaime: ganun ba anak . Sige umuwi ka na muna ako muna ang magbabantay kay nanay
Samutsaring eksamen ang ginawa kay lita. Ngunit sa 2 linggo nila sa ospital halos hindi makakilala si lita at palaging tulog . Sabado noon nobyembre 23,2013 ng lahat sila ay natuwa dahil kilala na sila ni lita at nagreresponse na ito sa mga sinasabi ng doctor . Nobyembre 24, 2015 ng pakainin pa ito ni elizabeth at niyakap pa siya ng kanyang lola kaya sobrang saya niya. Kinagabihan ay umuwi siya dahil ang kanyang papa at madrasta ang magbabantay sa kanyang lola ..
Nobyembre 25, 2015 ang pinaka malungkot na taon sa buong buhay no elizabeth .. alas 7 ng umaga ng magring ang cellphone niya
Elizabeth: hello pa . O bakit napatawag ka ? Kamusta si nanay ? Nasa tricycle na ko pa .
Jaime: hello nak . Wag ka mabibigla hih .
Elizabeth: bakit pa ? Ano ba nangyari ?
Jaime: dalian mo na pumunta dito nak at si nanay pinapump na ng mga doctor
Walang naisagot si elizabeth sa kanyang ama ng mga oras na yun kundi luha . Halos paliparin niya ang sinasakyan niyang tricycle makarating lang agad sa ospital.
Pagbaba niya sa tricycle agad siyang tumakbo papunta sa kwarto ng kanyang lola . Naabutan niyang dilat ang mga mata nito na parang hinihintay ang kanyang pagdating . Walang magawa si wlizabeth ng mga oras na uun kundi umiyak ng napakalakas wala siuang pakialam kung sino ang makakarinig basta ang gusto lang niya ay umiyak ng umiyak .. niyakap siya ng kanyang ama ..
Jaime: anak kaya ni nanay yan. Tinawagan ko na din sila kuya papunta na sila dito
Hanggang sa dumating na ang mga tito ni elizabeth . Dasal sila ng dasal na sana wag munang kunin ang lola niya .
Ngunit ang mga doctor ay sumuko na dahil hindi na tumatalab ang mga gamot na iniineksyon sa kay lita kaya nagpasya na ang panganay na anak ni lita na itigil na para di na mahirapan si lita .
Dito na halos pagsakluban ng langit at lupa si elizabeth dahil iiwan na siya ng kanyang pinaka mamahal na lola ..
----
Dito na po natatapos ang kwento pasensya na po at di po ito perpekto dahil po first time ko lang po gumawa ng story at biglaan pa . Salamat po sa mga nagbasa at magbabasa pa . Sana magustuhan niyo . At sana tandaan niyo ang sinabi ko bago ko simulan ang story na mahalin at pahalagahan niyo yung mga taong mahal niyo hanggat nandyan pa sila dahil kung hindi , kapag huli na ang lahat dun niyo lang marerealize salitang "nasa huli ang pag sisisi"