types of love

33 1 0
                                    

sabi ng mga taong nakapaligid saakin noong bata pa ako,mayroon lang daw dalawang uri ng pagibig dito sa mundo.

iyon ay maling pagibig sa tamang panahon at ang tamang pagibig sa maling panahon.

pero bakit nang makilala kita pakiramdam ko ay dumami na ang depinisyon

sinubukan ko pa ngang umalis at takasan pero naligaw lang ako ng direksiyon

hindi ko na tuloy alam kung natagpuan na ba kita noon,o nagtatago ka pa rin hanggang ngayon

ngayon ay nalaman ko na,na ang pagibig ay walang tamang kahulugan

meron lang talagang ibat ibang uri ng sitwasyon at  sa kung papaano mo ito nararamdaman

may mga sitwasyon kasi na kahit gaano mo siya kamahal ay di niyo pwedeng panindigan

may mga sitwasyon din naman na kahit gaano mo siya ka ayaw ay nauwi sa pagmamahalan

meron din na simula noong una palang ay mahal mo na pero patulog ka niyang tinatakasan

pero meron din naman na akala mo siya na yung mahal mo pero sa iba ka na pala may nararamdaman

at meron din naman na akala mo ay di mo pa siya natatagpuan pero siya pala ay nasa iyo ng harapan

hindi mo lang talaga minumulat ang mga mata mo dahil masyado kang nabubulag sa iyong nakaraan

ngayon patuloy ka parin bang tatakas?kung ang bibig mo ay palaging siya na ang binibigkasat sa kanyang pagibig ay hindi ka na makalabas

oo,hindi man siya ang una pero alam mong siya na ang wakas

pero papaano kung angtaong mahal mo ay alam mong hindi mo pagmamayari

kasi alam mong sa umpisa palang ay mali pero pinagpatuloy mo hanggang huli

ngayon ,papaano mo makakalimutan ang kanyang buhok na palagi mong itinatali

ang kanyang labi na sa iyo ay palaging nakangiti at ang kanyang mata,ilong,bibig hanggang sa dulo ng kanyang mga daliri

akala ko noon kapagnagmahal ka sa araw araw na paggising mo ay masaya ka

nabawat pagngiti mo ay kasama siya wala namang nakapagsabi sa akin na masakit pala

masakit pala magmahal ng isang tao na alam mong may mahal ng iba

pero teka?bakit ba ako nagdadrama pa?eh diba ang sa bi mo saakin ay

                                    ' MAHAL KITA'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

love qoutesWhere stories live. Discover now