"Don Sylverio, parang awa niyo na po. Wag niyo naman po kaming paalisin sa islang ito. "
"Tama! Dito kami namulat at dito din kami mamamatay! Hindi kami aalis sa lugar na ito!"
Itinapon ni Don Sylverio ang may ningas pa nitong sigarilyo sabay inapakan. Iniangat ang tingin sa mga nagngingingit na mamamayan ng Isla Fuego at bumuntong hininga.
"Alam ninyo maging ng mga ninuno ninyo na matagal na naming nabili ang islang ito. Kung tutuusin ay matagal na dapat namin kayong pinalayas." Sabay talikod at tinanaw ang malawak na karagatan.
"Hindi naman namin kayo pababayaan. Sisiguraduhin kong magiging normal parin ang buhay ninyo. Makakapangisda at makakapagsaka hindi lang yon, magkakaroon pa ng pagkakataong magaral ang mga anak ninyo sa karatig bayan na paglalagakan namin sa inyo"
"Ano bang meron sa islang ito!" Sigaw ng pinuno ng mga mamamayan na si Roberto. "Hindi pa ba sapat sa inyo ang ektaektaryang lupa at mga establisimyemtong pagmamayari ninyo!"
Napailing na lamang ang matanda. Oo, wala siyang mapapala sa pagpapalayas sa mga tao paalis sa islang ito. Ngunit para sa kanyang minamahal na apo ay gagawin niya ang lahat mapabuti lang ito.
Matapos ang mahabang palinawagan sa pagitan ni Don Sylverio at mga mamamayan ng Isla Fuego ay napilitan naring lumikas ang lahat sa takot na mapasama pa ang kanilang lagay.
Sinuyod ng mga tauhan ni Don Sylverio ang buong isla at siniguro na walang tao ang maiiwan sa lugar na iyon. Mahigpit na utos ng matanda na wala ng dapat matirang mamamayan doon bago lumubog ang araw.
"Kung ito ang makapagpapagaling sayo apo. Kahit pa ang galit ng mga tao ay handa kong tanggapin mapabuti ka lamang." Bulong ng matanda sa kanyang sarili sapo-sapo ang dibdib nito.
Habang abala ang lahat sa paglikas ay tinahak naman ni Don Sylverio ang tagong parte ng isla.
Sa bahaging ito ng lugar ay napapalamutian ng makukulay na bulakak. Tahimik at payapa. Tanging huni lamang ng mga ibon, ihip ng hangin at lagaslas ng tubig mula sa batis ang maririnig. Sa gitna nito ay ang isang marmol na nitso kung saan nakahimlay ang minamahal niyang si Dolores.
Si Dolores ang una at huli niyang pagibig. Hindi siya ang napangasawa ni Sylverio dahil bago pa man sila magpakasal ay namatay na ito sa sakit na lupus. Tanging siya at ang apo lang niyang si Hyde ang nakakaalam ng lugar na ito.
-----------------------------------------
"Lolo , minahal mo ba si Lola Lucia?" Tanong ng paslit pa lamang noong si Hyde ng unang beses niya isama ni Sylverio sa isla.
"Aba oo naman apo! Ano ba namang tanong yan" sagot nito habang nagbabalat ng mansanas para sa apo.
"Eh bakit po ang lagkit ng tingin ninyo sa nitso ni Aling Dolores kumpara sa tingin ninyo kay Lola nung nabubuhay pa siya?"
Natawa naman si Sylverio sa kainosentehan ng apo.
"Alam mo apo, mahal ko ang lola Lucia mo at ganoon din si Dolores. Iba lang ang pagmamahal na naramdaman ko para sa kanila pero magkaibang uri man ito ay pareho naman iyong wagas at totoo."
"Ganoon po ba lolo? Nauunawaan ko na po!"
Ng panatag na ang loob ni Sylverio na nasagot ang katanungan ng apo ay bigla nanaman itong nagsalita
"Kung ganoon po pala ay ayos lang na crush ko si Jenny at crush ko din si Andrea!" At muli, humagalpak nanaman sa tawa ang matandang Don
"Apo! Baka akala mo ok lang maging babaero ha! Bad yun!" Sabay halik nito sa lanyang pisngi. "Mauunawaan mo din pag laki mo. At sana pag dumating na sayo ang pagibig na naranasan ko ay hindi maging malupit ang tadhana sa inyo."
Nilingon ni Sylverio ang puntod ni Dolores at hinimas ito ng may pagtatangi.
------------------------------------------------
"Kumusta ka na Dolores" magiliw na wika ni Sylverio habang nililinisan ang nitso ng sinisinta.
"Pasesnsiya ka na kung ngayon lang ako nakadalaw. Hindi ko maiwan si Hyde na magisa. Gusto ko sana siyang isama"
Malungkot na wika ni Sylverio
"Dadalawin ka rin niya dito sa isang araw. Mas madalas ka niyang makakasama. Bantayan mo ang batang yun ha."
Binuksan nito ang dala niyang alak at nagsalin sa dalawang baso. Ang isa ay inilapag sa tapat ng nitso ni Dolores.
"Alam kong babantayan mo siya Mahal. Tama naman ako hindi ba?"
BINABASA MO ANG
Loving Sol
RomantikIs it possible to love the impossible? one thing is for sure... She's someone who'll always be with me.