Chapter 58.1: Cry

3.8K 116 15
                                    

Chapter 58. 1: Cry

DAPHNIE'S POINT OF VIEW

Nung nagring ang bell at lunch break na itetext ko sana si Charlyn para tanungin kung pwedeng kami nalang muna magkasama kumain. Kaso nga lang, naunahan na niya pala ako.

From: Charlyn

Daphneng kisyaaa geez! Nahahawa na ako kay Chikito. Sasabay kami kumain ni Rona sa inyong Newton ha? See ya sa cafeteria!

Napabuntong-hininga na lang ako at tinago ang phone ko sa pocket ng skirt ko. Nakita kong nag-uunahang lumabas sina Chikito at iba pang Newton. Of course, diretso na sa cafeteria mga yan. Patay gutom madalas.

Biglang may mga umupo sa magkabilang side ko. Sina Michael at Anthony.

"Hey.." si Michael. Uneasiness is flashed all over his face. Sa kanilang lahat, siya siguro yung pinaka may pakielam sa akin kahit konti lang. Sobrang naappreciate ko ginawa niyang pagsuntok kay Luke kanina. Feel ko nagkaroon ako ng kuya na handang pumrotekta sa akin.

Tinanguan ko siya, "Hey too. Hindi kayo kakain?" tanong ko sa kanila na parang wala lang yung nangyari. Sobrang tahimik. Awkward, I so hate it.

"Daph.."

Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Joseph. Tumayo ako at inayos ang skirt ko bago lumingon sa kanila, "Kain lang ako. Hindi kayo kakain? Dyan lang kayo?"

"Sweetheart.."

Damn sweetheart.

"Anthony," I called, "May pangalan ako. Daphnie. Learn to use it from now on." Ngumiti ako nang bahagya bago maglakad palabas ng room at dumiretso sa cafeteria.

* * *

"Kaninang Values time, tinanong ni ma'am kung paano raw kapag nakabuntis ako. Anong gagawin ko? Una sa lahat, tanga ba ko para iputok sa loob! Psh" totoo yan, tinanong si Chikito. Sekswalidad ang topic namin sa Values.

"Kumakain tayo, pwede ba ayus-ayusin mo pananalita mo!" irap ni Rona sa kanya

"Hoy miss mataray, pwede ba huwag kang nagkakalat ng katarayan. Nawawalan ng lasa kinakain ko" sabat naman ni Kekem

Napairap si Rona, "Walang lasa dahil may diperensya yang dila mo kagaya ng utak mo!"

"Shet pre, pinagtatanggol mo ba ako? Labyu na papi kekem" nagflying kiss pa si Chikito kay Kekem kaya ayun gitnang daliri ang natanggap

"Daph, anong gusto mong kainin? Bibilhan kita," tanong ni Bentot kaya napatingin ako sa kanya, siya kasi ang nakaupo sa tabi ko ngayon.

"Kahit ano, okay lang" sagot ko

Tumango naman siya at umalis saglit para umorder. Sumunod sina Timothy at iba na wala pang food. Mukhang nakapagdecide na kung anong klaseng food ang ipapasak nila sa tyan nila.

"Sinong hinahanap mo?" tanong ko kay Charlyn dahil napansin kong kanina pa siya palingon-lingon. Napa'ah naman ako sa sarili ko nang marealize kung sino hinahanap niya, "Nasa room kasama sina Luke. They're full kaya hindi kakain."

"With Luke? Hindi ba't lagi ka naman sinasamahan dito ni Luke kahit hindi siya kumakain?" tanong ni Charlyn na mukhang narinig ng ibang Newton kaya natahimik sila.

I just shrugged.

Kinain ko lang kaagad yung lunch na binili ni Bentot para sa akin habang tahimik na nakikinig sa kwentuhan ng mga friends ko with Newton. Masaya ako na nagiging malapit sila sa isa't isa but I just hope na hindi sila gaanong maattach sa mga Newton kagaya ng nangyari sa akin.

Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon