Chapter 11
The Basketball Game
9am na ng magising ako, walang pasok ang university ngayon kasi first game ng basketball varsity namin kaya inaanyayahan kaming manood ng basketball game.
From: Panget
Good morning panget. :) Wag mo sanang sirain yung umaga nila Miles at Sunny, dahil sa kapangitan mo. :p :)
Yung text niyang yung kanina pang 8:30. Siguro, kakagising niya lang nun.
To: Panget
Good morning panget na impakto. :p Ikaw kamo, for sure panalo na kayo kasi matatakot sa mukha mo yung mga kalaban. :p
Papatalo ba naman ako sa asaran? Shempre hindi. Maaga aga pa naman, kaya nakahiga lang ako. Phone phone lang.
@itsmejessica: Tamad na aq sa lyf.
@ediwow123: Ang gwapo sa lalaki ng basketball player. <3
Itong si ediwow123 namumuro na to sa akin ah. Lagi na lang ano yung mga tweets niya. Hmmp!
@donnypangilinan: First game later! Guide us Lord. :)
Daming reply sa tweet niya. Hindi niya lahat nireplyan, naiintindihan ko naman. Shempre, pag pinansin niya yung isa magdedemand lahat na pansinin niya. Hmm, try nga natin kung ako rereplyan niya.
@shar_sanpedro: @donnypangilinan good luck powz lodi. :p
HAHAHAHAH tawang tawa ako don. Akala mo talaga isa ako sa patay na patay sa kanya.
Shookt! Nagrep ang wala!
@donnypangilinan: @shar_sanpedro thanks idol. :)
Nagdm pa siya.
@donnypangilinan: check ur messages. Puro twitter, akala mo cute!
Di ako nagrep, chineck ko na lang yung messages ko. Di ko napansin may mga text na pala siya.
From: Panget
Sus! Matatalo sila kasi pogi ako. Walang palag.
From: Panget
Okay. Walang rep ang panget na nilalang.
From: Panget
Puro twitter! Hoy, impakta! Pansinin mo ako dito. :(
To: Panget
Hoy ka ding impakto ka! Panget ka kasi, kaya di kita nireps. :p
From: Panget
If I know, gusto mo lang ipublic yung pagkacrush mo sa akin. May pa tweet tweet pa. :p
From: Panget
Tinry ko lang kung papansinin mo ako sa twitter. Wag kang assuming dyan!
From: Panget
Sus. :p :) Sige na, mag aayos na ako. See you later panget. Update me na lang about you later ha? Please be safe.
To: Panget
Mabuti pa nga! Good luck later panget! Galingan mo ha!! I'll cheer for you later. All out!! :) Yesyes, ikaw din. No injuries, okay? :)
From: Panget
Yes panget. :)
Nagayos na din ako. Paglabas ko, nakaayos na din yung dalawa. "Besh! Excited na ako!!" Talon talon pang sigaw ni Miles. "Woy, kalma! Di naman ikaw maglalaro." Awat sa kanya ni Sunny. "Inggit!" Sagot ni Miles. Tumingin sila sa akin. Ngumisi si Miles. "Pinaghandaan?" Tanong niya sa akin.
YOU ARE READING
Right Timing
Teen FictionAng tadhana ay minsan mapaglaro, minsan kakampi minsan kalaban. Ang tanong, dapat mo bang pasalamatan o dapat mo bang kainisan?