I cried all night. Pagkauwi namin kanina nagaalalang mukha nila Mommy ang sumalubong samin. Hindi na ako nagtaka bakit gano'n ang ekspresyon nila. Sigurado akong nasabi nila Kuya 'yon bago nila ako sunduin.
Hindi naman nila ako inabala nung sinabi kong aakyat na agad ako sa kwarto. Before closing the door, I heard Dad asking Kuya if they saw Kurt. Malumanay lang ang pagkakatanong ni Daddy no'n pero alam kong galit siya.
How could he just show up and act like nothing happened? Like he didn't ruined someone's lives? Siya ang rason kung bakit ilang taon nawala ang kapatid ko sa buhay ko. Siya ang rason kung bakit nagalit ang ate ko sa'kin.
Nakatulog ako sa kakaiyak. Nagising lamang ako kinabukasan dahil sa katok mula sa pintuan ko. Hindi pa ako agad nakakilos dahil sa sakit ng ulo. Ang hirap din dumilat at pakiramdam ko dahil 'to sa kakaiyak ko kagabi. Feeling ko mugtong mugto na ang mata ko ngayon.
"Miss Kylie, may bisita po kayo."
I groaned. Imposibleng sila Kinah ang bumisita sa'kin dahil sa pagkakaalam ko kila Ate Love sila matutulog. Besides, anong oras pa lang. Kaya sino ang bibisita sa'kin ng ganitong oras?
"Saglit lang kamo, Ate Melody!"
Naghilamos lang ako bago bumaba. I stopped in the middle of our staircase when I saw who's in our sala.
Nakaupo sa single sofa si Blake habang kausap si Kuya at Daddy. Nang natanaw nila ako pare-pareho ay tumayo si Blake.
"Nagising ba kita?"
I don't know why... pero bumilis ang pintig ng puso ko.
Naalala ko kung paano niya ako nilayo kagabi roon. Naalala ko kung paano niya ako tignan. Para bang isa ako sa pinaka-iniingatan niya tapos bigla akong nabasag kagabi.
"Hindi naman," I cleared my throat. Baka halatang bagong gising pa talaga ako kahit sa boses ko. "Bakit ka nandito?" I didn't mean to sound offensive. Gusto ko lang talagang malaman kung bakit siya nandito ng ganito kaaga.
Nag-iwas siya ng tingin sa'kin. Ilang segundo ang lumipas bago siya magbalik ng tingin at nakita kong nahihiya siya. Pinigilan ko ang ngiti na gustong kumawala.
Cute.
"I just wanted to make sure you're okay,"
"Well, I am okay,"
Nakita kong nagulat sila sa sagot ko. Dad and Kuya looked at me like I said something wrong. Meanwhile, Blake looked shocked. Kaya naman hindi ko na napigilan ang tawa ko. Hindi ata talaga bagay sa'kin yung mag-maldita.
"Did you already had your breakfast?" tanong ko.
Naaamoy ko na kasi yung niluluto nila Manang na almusal kaya kumakalam na ang sikmura ko. Dala na rin siguro 'to ng kakaiyak kagabi.
Ayokong isipin kung bakit parang biglang gumaan ang pakiramdam ko ngayon. Alam ko na sa sarili ko ang sagot pero hindi ko pwedeng pagtuonan ng pansin 'yon. Magulo pa ako. Hindi pa ayos ang buhay ko. Inakala ko lang na maayos na pero hindi pala. Ang masaklap pa do'n ay kaibigan pa nila Blake ang sumira sa buhay ko at sa samahan namin ng kapatid ko.
"I had some coffee at home,"
"Then why don't you join us for breakfast?" si Dad na sinangayunan ko naman kaya tinaasan ako ng kilay ni Kuya.
I mouthed "What?" but he just rolled his eyes before going to the dining area.
"Tara," aya ko kay Blake nang pati si Dad ay pumunta na rin.
Ibibigay ko na sana ang pwesto ko kay Blake pero humatak na siya bigla ng upuan sa tabi ko. Napatingin siya sa'kin pati sa upuan na hawak ko para hatakin na rin sana.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^