Chapter 23: Stymphalian

935 28 6
                                    

Akira's POV 👑

Ilang araw na kaming naglalakbay, kasama ko parin ang pitong manlalakbay na ito. Matapos kong sabihin ang nais kong puntahan, hindi na sila umimik pa. Bigla tuloy akong nagtaka kung ano bang meron. 

"Tignan niyo 'yoon!" Biglang hiyaw ni Ganma na napag-patingin namin sa itinuturo niya.

"Is it a biird?!" Agad naman kaming napalingon kay Toryo dahil kalokohan na naman ang bukambibig niya.

"Lugar ata 'yan. Ngayon ko lang nakita 'yan. Baka may isa sainyo ang nakakaalam kung anong lugar 'yon?" Malumanay na pahayag ni Jhinda. Napa-iling naman kaming lahat.

"Wala tayong ibang choice kundi ang pumunta roon para malaman natin at masagot ang mga katanungan natin." Nagulat naman kami nang magsalita si Backen, ang mainitin ang ulo.

Agad na umandar ang karwaheng sinasakyan namin at unti-unti naming napapansin ang pagdilim ng paligid. Habang tumatagal ay unti-unti ring lumiliwanag na parang gabi na, at doon bumungad saamin ang kakaibang lugar. Mga bahay ito ngunit hindi iyon ang pumukaw ng atensiyon namin kundi ang mga naglalakihang mga kabute sa paligid na parang nagsilbing bubong nila.  Mapapansin naman na maaliwas ang paligid at parangg ang magical ng lugar.

Hindi parin kami matapos pag-masdan ang lugar ng biglang may mga taong lumitaw sa harap namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi parin kami matapos pag-masdan ang lugar ng biglang may mga taong lumitaw sa harap namin. Agad kaming naging alerto at hinatak ako ni Kai sa likod niya. Tinaas naman ng mga tatlong lalaki ang kamay nila biang indikasyon na wala silang balak na masama. Kumalma naman ang reaksiyon ng mga kasama ko at binaba narin ng mga lalaki ang mga kamay nila at inayos ang kanilang sarili. 

Sino ba naman ang hindi maa-alarma kung may biglang lilitaw na tatlong lalaki sa harap niyo at kakaiba ang mga itsura. Meron silang mga bagay na naka-dikit sa mukha nila at mga bagay din naka-kabit sa kanilang ulo. Mukhang ang nasa gitna ang pinaka-pinuno sa lugar na 'to, base narin sa itsura nito. Nakaka-intimidate ang aura nila at itsura nila, hindi ko 'yon pinagkakaila.

 Nakaka-intimidate ang aura nila at itsura nila, hindi ko 'yon pinagkakaila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Heroes Academy: Not An Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon