Chapter 8
MIA
Hindi ko alam na prepared talaga 'tong si Hermini---I mean, Ash sa page-entertain ng mga bisita. Hindi siya gaya ng iba na kapag namumuhay mag-isa ay wala ng laman ng fridge dahil punong-puno ito. Ngayong nakapasok ulit ako sa bahay niya ay malaya ko na ring maobserbahan ang bawat sulok nito. It's just a small home. Mas malaki nga lang ito kaysa sa mahiwagang bahay ni Jenny sa America noon. Marami ding gamit dito sa kusina at alam kong mahilig itong magluto.
"Madalas ka ba dito?" I asked him when I didn't saw any mess around his living area. Kahit remote kasi ay nakaayos sa lalagyan nito at isama mo pa ang mga throw pillows. Nagbalik ang tingin ko sa kanya na nakatalikod at nagluluto ng chicken curry.
"Yes. Kapag gabi lang kasi may trabaho ako." He answered, didn't bother to look back.
I nodded and roam my eyes again. Few steps away from here, may dalawang pintuan. 'Yung isa kwarto...'yung isa, hindi ko alam. Doon kasi ako lumabas noong nakitulog ako rito. And I know that's his room.
"Mag-isa ka lang talaga dito? Ba't dalawa 'yung pintuan?" Tanong ko ulit habang nakaturo pa sa daang papunta doon. Narinig ko ang pagtawa niya at hininaan muna ang stove bago ako tingnan.
"Actually, iisa lang talaga 'yan. Pinalagyan ko lang ng dalawang pintuan. But the other half's my...busy room." He explained and smiled. Tumaas lang ang kilay ko sa sagot nito.
May ganoon ba? Tumango na lang ako at hindi nagkomento. Sumandal naman siya sa may sink at humalukipkip.
"Now I want to ask something too." He said. I just mouthed okay. "Why are you always serious?" Kumunot ang noo ko sa tanong nito.
Hindi ito nagsalita at hinintay lang ang sagot ko. Napatawa ako ng mahina at napailing. "What kind of question is that?"
"Well, I don't see any serious problem you're dealing except from being the second to your boyfriend." He wiggles his eyebrows. "I saw how lively your home is. May mga kapatid si Ysa kaya hindi malungkot doon. Nakita ko kung gaano ka kaimportante sa ate mo. At nakita ko rin na mahal ka ng kaibigan mo kanina. You shouldn't be wasting your time hating someone because you're surrounded by the people who loves you." Seryoso at may konting haplos ng damdamamin niyang sabi sa'akin.
Napaisip lang ako ng isasagot pero wala akong makapa. I tried to open my mouth but I closed it again. Seryoso ba ako? Hindi naman masyado ah.
"Maybe because...we've met on those times that being cool just escaped from my vocabulary?" I answered then laughed awkwardly.
Pwede. Pwede rin. Napailing ito at tumawa ulit saka niya binalingan ang linuluto niya. I stood up and helped him prepare the table. Sakto namang pinatay niya ang stove at nagtulungan kaming ihanda ang lamesa. Kumalam ulit ang sikmura ko pagkatapos kong makita at maamoy ang linuto nito. I smiled from ear to ear as I sat in front of him. Maglalagay na sana ako ng kanin sa plato ko ng pumukit ito at nagdasal.
Shocks. Nahiya ako bigla.
Napalunok na lang ako at tahimik na binitawan ang serving spoon. Pumikit ako at nagpasalamat kay Lord sa pagkain nasa harapan namin ngayon lalo na sa umampon sa'akin sa oras na nagugutom ako.
Nang matapos kami ay siya na mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko at nilagyan pa ng tubig ang baso ko. Kahit ramdam ko sa buto ko ang kahihiyan---oo kahihiyan, nagpasalamat pa rin ako.
"Let's eat." Masayang yaya nito at nagsimula ng kumain. Masarap ang luto nito at hindi ko mapigilang hindi sunod-sunod ang pagsubo. Hindi pa kasi ako kumain kanina kaya siguro gutom ako.
"Sabi ko naman kasi kumain ka ng lunch." Tumatawang sabi ni Ash sa'akin habang pinapanood ako. He asked me if the food's good by showing his okay sign and I just raised my thumb as answer.
BINABASA MO ANG
Mesmerized with Desire(#7)
General FictionDesire Series #7 Jamia Arabelle William's and Ace Stefan Herminihildo Estrella's story. "Sa bawat tao na nagsabi na iiwan mo ako, iniisip ko na may tiwala akong ibinigay sa'yo. I don't wanna conclude things that's not came directly from your mouth."...