Ulan ng mga Luha

225 4 0
                                    


May mga luhang nagbabadyang bumagsak
Hinahawakang pilit ng ulap ang mga patak
Ngunit kumukulog ang damdaming di kayang pigilin; Umagos ang luhang kinikimkim

Ang mga butil ng damdaming tinatago
Bawat pagmamatigas ay may pagguho
Napupuno ang bawat sisidlan..
Matatapon ang di na kayang hawakan

Kaya hayaan kahit minsan
Wag nang pigilan ang iyong ulan
Ibuhos kahit panandalian 
Bigat ng iyong nararamdaman

Sa pag agos isabay ang ikinukubli
Nakayuko kang humihikbi
Isabay mo sa patak ng ulan
Ang tinuturing na kahinaan

Sa paghupa ng iyong bagyo
Gagaan ang iyong mundo
Haharapin ang bagong umaga
Sa paglitaw ng haring araw

Matatanto mo na minsan sa pagluha magmumula.. Ang lakas na di mo inaakala

Ngingiti ka ng muli.

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon