BEGIN TO END
Habang hawak ko ang braso ni Yna, humarap sya sa akin wearing her beautiful smile. Bakit ganun? Just a simple smile makes my hearts skip a beat. Mula sa pagkakahawka ko sa braso nya, inalis nya ito at hinawakan ang kamay ko. "Saying sorry makes one person brave."
Brave? But I'm still scared. Aaminin ko sa kanya ngayon na ako si Axl and it scare the hell out of me. What will happen after telling her the truth?
But on the other hand, napaisip ako. What had happened to me after the accident- alam ko hindi pa iyon sapat para sa lahat ng nagawa ko. "Yna..." I swallowed hard. Kinakabahan ako pero kailangan ko itong gawin.
"I'm sorry sa lahat ng nagawa ko." kinakabahan ako. Lalo na at hawak ko parin ang kamay nya. "I'm sorry for---"
She cut me off "Zander, apology accepted." nakangiti nyang sagot. "Just don't push me away. Remember tayo nalang ang magkasama dito, and..." she paused. "...I only have three weeks more to stay."
Natigilan ako sa sinabi nya. Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni Yna. Three weeks, I only have three weeks to be with her.
I felt sadness. After three weeks mag isa nanaman ako. Magsisimula na ang parusa ko. "Halika na Zander, maghapon ka ng nagdrama. Kumain naman tayo. Let's make the most of our three weeks."
Nagpahila lang ako kay Yna. Nawala na sa isip ko ang mga aaminin ko. Tumatatak nalang sa isip ko ang tatlong linggo na meron kami. Binabalot nalang ako ng takot at lungkot.
Pinaupo ako ni Yna "Magluluto ako, maghintay ka lang dyan." hindi parin ako maka imik, pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos ni Yna. May mga sinasabi nya pero hindi ko na maintindihan ang mga ito.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Three weeks? Napakaikli lang yun, mabilis lang lumipas ang araw katulad sa bilis ng paglipas ng masasayang araw na meron kami ni Yna ng mga nakaraan.
"Hello?!! Zander, nakikinig ka ba?"
"Ha?"