Unang kabanata

1 1 0
                                    

Tinitingnan ko ang lahat ng kanyang photograph, minememorya ko ang bawat guhit sa kanyang mukha habang nakaupo sa sahig ng aking kwarto, wala akong maramdaman. kasalanan ko lahat. sana ay ako nalang ang namatay.

Kung pinuntahan ko lang siya ng mga oras na yun ede sana ay buhay pa siya, sana ay kasama ko pa siya hanggang ngayon. masaya sana kami ngayon. kung hindi lang sana.

Tumayo ako at naghanap ng lubid, gusto ko na siya makasama hindi ko na kayang mabuhay sa lungkot.
ipinatong ko ang lubid sa lalagyan ng damit na nakasabit sa kisame ko, sabitan iyon ng mga naka hanger na damit na di na kasya sa cabinet, kinuha ko ang upuan at tumayo roon binuhol ko ang lubid at gumawa ng bilog, hindi na ako makaiyak dahilan ay nung una ay di pa matigil and luha ko. ayoko na maging malakas, ayoko na maging peke, gusto ko na magpakatotoo, gusto ko na tumigil ang sakit. ipinasok ko ang ulo ko sa lubid at tatalon na ng matigilan ako dahl may kumatok

pag karaan ng tatlong katok at onting oras na katahimikan, bumukas ang pinto at may pumasok naririnig ko ang pag ingay ng mga plato at kutsara't tinidor.

"anak,asan ka? may dala akong pagkain oh...sorry kung pumasok nalang ako basta, nasakin pa kasi ang susi ni" tumigil ang ginang at mahinang tumawa ng malungkot at panghihinayang " tara na dito at kumain kana" hindi parin ako makasagot nang narinig ko na papalapit ang ginang ay tsaka lamang ako nakapagsalita " sandali lang po magliligpit lang" tinanggal ko ang lubid at binalik ko ang upuan sa aking desk. mukhang gusto pa akong paglaruan ng mundo hahah ganyan kasama ang mundo

lumabas ako at sinalubong ang ginang "hi po tita, kumusta na po kayo?" umupo kami sa may lamesa ng magkaharap
"eto bumabangon pa kahit isang taon na haha wala eh ganon talaga" tinitingnan ko lang ang ginang hindi sana mawawalan ng anak ang ginang kung di ako naging pabaya. nararamdaman kong gusto na niyang umiyak. tumayo ako at kinuha ang plastic na dala niya na may lamang pagkain na goto at isang coke kasalo. "syempre magisa nalang ako sa buhay, ikaw nalang ang natitira kong alaala niya" hindi na ako nagsalita pagkatapos non at pinabayaan nalang ang ginang.

naramdaman kong tumayo ito at pumunta sa kung saan
nang masalin ko nang ang goto at naghanda ng inuminan na baso ay humarap na ako sakanya
lumapit siya sa painting ko na kasama ang anak niya, hinawakan niya ito at hinimas.
"kay bilis ng pangyayari" tumawa siya ng kaunti at ibinaba ang painting.

humarap siya at ngumiti ng malungkot sakin, hindi ko alam ang isusukli ko sa ngiti niya na iyon.
isang taon na akong walang maramdaman, isang taon na akong nagkukunwari na okay lang ang lahat, isang taon kong pinipilit mag move on, isang taon na akong parang patay .

lumapit sakin ang ginang ng may ngiti sa labi at umiiyak ang kanyang mga mata, sobrang lungkot.
"ipinta mo ang anak ko" nagmamakaawa niyang tingin at pahayag. "sa huling sandali ipinta mo ang ,mukha ng anak ko, ,nagmamakaawa ako sayo, sa alaala mo nalang siya nabubuhay" lumuhod sa harapan ko ang ginang habang nakahawak sa aking kamay. "babayaran kita kahit na magkano...parang awa mo na" tuluyan nang naupo ang ginang samantalang akoy di ko alam ang gagawin ko. nang mamatay siya ay parang namatay narin ang aking puso. "anak...wala na akong pamilya, wala na ang aking asawa at ang munting alaala na iniwan sakin ng asawa ko ay ang aking anak"..... "alam kong tumigil kana sa pagpinta pero nagmamakaawa ako sa huling sandali gusto kong mabuhay ang anak ko. " kung hindi ako umalis non ay masaya sana kami,masaya sana ang ginang.kung hindi ko lang sinunod ang pangarap ko. sila ang kumupkop sakin nang akoy iabandona ng aking mga magulang, ano pa tong isang maliit na pabor

"gagawin ko ho" natigilan ang ina at umiyak ng umiyak na puro pasasalamat ang sinasambit " tumayo na ho kayo" tinulungan ko itong tumaya at inanyayahan na sa pagkain. "maraming Salamat gab, isang malaking pabor iyon pero tinanggap mo." ngumiti ako "okay lang yun tita para makalaya na tayo."

pagkalipas ng dalawang oras at maggagabi na ay napagpasiyahan ng umalis ng ginang, "sa susunod ulit pupunta ako, gawin mo ang painting hanggang kahit kelan mo gusto,aasahan ko iyon" kumaway siya at umuna na, mag isa nalang din ang ginang parang ako, ayoko namang sa Bahay niya tumira kahit ilang ulit na niya itong nabanggit, masyadong maraming alaala niya roon. di ko kakayanin.

naglakad na ako papasok at sinarado ang gate ng apartment na tinitirahan ko.
binuksan ko ang ilaw sa labas at nilock na rin ang pintuan. naglakad ako papunta sa cabinet na nasa salas. binuksan ko iyon at binuklat ang mga painting na di ko tinapos dahil sa sakit, nilabas ko ang mga brush...nag dry na ang pintura kaya bibili nalang siguro ako ng bago. nilabas ko lahat sa lalagyan para malinisan, yung mga pintura na dry na ay tinapon ko na, yung pwede naman ay nilagay ko sa kwarto ko, bukas na bukas ay bibili ako para mapadali. natingin ako sa nahulog ng ilabas ko ang lahat ng laman ng cabinet...eto yung binigay niya saaking paintbrush nung mga bata pa kami. ansaya saya niya ng iregalo niya sakin to nung naggraduate kami ng high school. ang saya saya niya nun, hindi niya alam na ang nagpapasaya sakanya ay ang papatay sakanya sa huli.

wala akong ginawa ngayong araw pero pagod na pagod ako, sabagay halos araw araw naman ay nadradrain ako bakit kase kelangan mo pang mawala humiga ako at natingin sa kisame

montik ko nang tapusin ang buhay ko kanina pano kaya kung hindi dumating si tita? siguro patay na ako at nilalanggam na, gustong gusto kong umiyak wala lang lumalabas sa mata ko

kung tinapos ko siguro buhay ko paano si tita? eh wala na siyang pamilyang iba kung hindi ako...pagkatapos ng painting sana ay Malaya na ako sa lahat wala sanang ganito kung di ko siya iniwan, kung binigay ko ang lahat para sakanya, andyan pa sana siya. napaka gago kong lalaki.

tumayo ako at pumunta na sa banyo para makapaghanda para sa gabi.
hinugasan ko ang toothbrush at nilagyan ng toothpaste nilagay ko na sa bibig ko

napatitig ako sa salamin, andaming nagbago, yung dating mata ko na may laman ay parang patay na, may mga eyebags din sa ilalim at halatang pagod na pagod na, diko maimagine na ganto magiging itsura ko pagkalipas ng isang taon...kung alam ko lang talaga

pinikit ko ng mariin ang aking mata at muling dinilat, hindi niya magugustuhan ang itsura ko kelangan ko bumangon

dinura ko ang toothpaste at nag mumog na. nag hilamos ako at pinunasan na ang mukha

bumalik na ako sa kwarto at nahiga sa kama...sana matapos ko agad ang painting para masasabi ko na nakawala na ako, masasabi ko na Malaya na ako,masasabi ko na okay na ako


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Painter's LoverWhere stories live. Discover now