"Do you mind if I sit here?" Nilingon ko kung sino ang nagsalita at nakita ko si Homer hawak ang pagkain niya.
"No. Uhm-- sure." I faked a smile. Hindi ko ine-expect na hanggang dito ay sasamahan niya kami. Kanina pa ako naaasiwa talaga sa kanya and I didn't expect na darating siya. Naupo sa isang upuan at ngayon ay katapat ko siya.
"Kain na anak," sabi ko kay Jam na mukhang nagtataka din dahil sa biglaang paglitaw ni Homer. Nahuli kong tinitingnan ako ni Homer at ayaw niyang alisin ang tingin niya sa 'kin.
Sa tuwing susubo siya ng pagkain ay tititigan niya ako habang ngumunguya. Maging sa pag-inom ng tubig ay nakatingin pa rin siya sa 'kin at paminsa-minsan ay ngumingisi.
Nang hindi siya tumigil sa ginagawa niyang 'yon ay hindi na ako nakapagtimpi. Hindi ko na natiis na manahimik na lang.
"Bakit?" tanong ko sa kanya at napitlag siya pero napangiti rin kaagad. Creepy. "Kanina ka pa nakatingin sa 'kin sir, may muta ba 'ko?" tanong ko ulit bago kunin ang baso kong may lamang tubig para inumin.
"You're so beautiful," aniya at dahil sa labis na pagkabigla ay hindi ko nalunok ang tubig. Naibuga ko 'yon sa mukha niya.
"Whoa! Thanks," sabi niya habang ang mga mata ko ay nanlaki sa gulat. Kagago ko hayop! May mga butil pa ng kanin sa mukha niya. Basang-basa 'yong mukha niya. Hayop na 'yan.
"Sorry..." paulit-ulit kong sabi. "Naku sir, sorry po talaga. Nagulat lang ako sa sinabi mo," saad ko pero sa loob-loob ko ay tumatawa ako. Buti nga sa kanya. Napakamanyak kasi tumingin. Kita ko sa mukha niya na naiinis siya pero pinipigilan niya lang.
Si Jam na katabi ko ay hindi mapigilan ang pagtawa. Pinandilatan ko siya kaagad ng mata bago pa ako tuluyang mahawa sa tawa niya.
***
Nakahiga kami ni Jam ngayon sa kwarto niya. Kanina ko pa tinatawagan si Mule pero hindi niya sinasagot. Bakit kaya hindi man lang siya mag-text o tumawag? Hindi ako sanay nang ganito.
Nakatulog na si Jam kakatanong kung nasaan na ba ang daddy niya, kung kumusta na ba or kung nag-text na ba siya. Itatabi ko na sana ang cellphone ko nang bigla itong tumunog. May tumatawag at isa lang ang naisip ko kung sino 'yon, si Mule.
"Uy, girl!" ani Hera. Akala ko pa naman si Mule na. Nag-video call siya doon sa group chat namin.
"Bakit napatawag ka?" tanong ko habang inilalagay ang earphones sa tenga ko.
"Nabalitaan mo na ba 'yong balita?" tanong niya at parihabang screen ng cellphone ko ay nakita ko ang labis na pag-aalala sa mukha niya.
"Hindi. Hindi naman ako nanonood ng balita," sagot ko. Hindi naman ako mahilig manood ng balita talaga kasi nakaka-stress lang.
"Kaya nga tinawagan kita kasi alam kong hindi ka nanonood ng balita," ani Hera. Kilala niya talaga ako. Si Hera na rin talaga ang nagsilbing radio ko since then, puro siya ang nagkukwento ng mga bagay na hindi ko nalalaman.
"Binalita sa TV kanina, marami nang bata ang nawawala. May child kidnapping syndicate na gumagala ngayon, sa Manila napakarami nang kinuha, sa ibang probinsya may mga batang nawawala na rin." Seryoso niyang sinasabi 'yon at nang malaman ko ang tungkol doon ay parang nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko.
"A, ganun ba?" Iyan lang ang nasabi ko dahil hindi ko maiwasang hindi mag-isip lalo pa at may anak ako.
"Si Jam, yung inaanak ko? My gosh, mag-iingat kayo, siya agad ang pumasok sa isip ko nang mapanood ko 'yong news," nag-aalalang saad niya.
"'Wag kang mag-alala. Safe ang anak ko, 'yan o, mahimbing na natutulog." Ipinakita ko si Jam na natutulog at dahil do'n ay nakahinga ng maluwag si Hera.
"Thanks God," sabi pa niya. Bigla namang may nadagdag sa screen ng cellphone. Sumali si Joni sa video call.
"Ano ganap?" tanong niya. Nakahiga din siya sa kama kagaya namin.
"Girl, nabalitaan mo na ba 'yung about sa mga nangki-kidnap ng mga bata?" tanong ni Hera sa kanya.
"Oo, nakakatakot nga, e!" sagot niya. Edi sila na ang updated. "Pero wala pa naman akong anak kaya safe ako, magkakaroon pa lang!"
"OMG! What do you mean? Buntis ka?" ani Hera. Nagulat ako sa sinabi ni Joni at kagaya ni Hera 'yon din ang naisip ko.
"Yes!" masayang sabi niya. Napangiti ako nang malaman na magkaka-baby na siya.
"Hala, gago ang galing ni Carlos!" sabi ni Hera at nagtawanan kaming tatlo.
"Congrats, friend!" saad ko. Nakakatuwa lang kasi magkakaroon na ng anak ang kaibigan ko ibig sabihin magkakaroon na rin ako ng inaanak.
"Myz, ba't hindi ko yata nakikita si Mule?" tanong ni Hera. Sabi ko na nga ba at mapapansin niya.
"Ay, nando'n sa kwarto natutulog. Naglambing kasi si Jam sa 'kin kaya kami ang magkatabi matutulog ngayon," sagot ko. Iyon ang naisip kong palusot. Wala rin kasing nakakaalam ng trabaho ni Mule kahit mga kaibigan ko.
"Kumusta naman 'yong paggawa niyo ng triplet babies?" ani Hera at nagtawanan sila ni Joni. Seriously? Naisip niya pa talagang isingit ang topic na 'yon.
"Sira!" saad ko at natawa na rin ako. Tinapos na rin namin ang video call pagkatapos magkwento ni Hera ng about sa kanila ni Tahme. Sabi niya, nanliligaw pa rin daw. Tinanong naman namin siya ni Joni kung kailan niya balak sagutin, ang sagot niya ay hindi niya raw alam. Ang gulo talaga niyang kausap.
***
Dina-drive ko ang kotse at naisipan kong isindi ang radio. Tiningnan ko si Jam at binabasa niya 'yong reviewer niya. Naalala ko 'yong sinabi niya sa 'kin kagabi.
"Mommy, gagalingan ko at mananalo ako para pagbalik ni Daddy, ipapakita ko sa kanya ang medal ko! Promise ko 'yon sa kanya, e!"
Iyan ang mga salitang sinabi niya kagabi bago siya tuluyang makatulog. Habang nagmamaneho ako ay napalitan ng balita ang kantang tumutugtog.
Pinag-iingat ang lahat ngayon, ayon sa pulisya at ng National Department of Investigation, lalong dumami ang bilang ng mga batang nawawala ngayon--
Inilipat ko sa ibang station ang radio at nakinig na lang ng music. Ayoko nang marinig ang balita na 'yon, alam ko naman na ang tungkol do'n. Ang mahalaga ay ligtas ang anak ko, 'di ko siya hahayaang mawala o makuha ng mga sindikato na 'yon.
"Good morning, Mrs. Tiu."
Tiningnan ko kung sino ang bumati sa 'min at nakita ko pa lang siya ay parang sumama na kaagad ang pakiramdam ko. Hindi ko inaasahan na makita siya sa harap ng gate ng school ni Jam. Si Homer; at mukhang hinintay niya kami.
BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
Roman d'amourSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...