No prologue. Mwehehehe
I'm The One
Chap 1Anastasia Perez' point of view
"Love, are you alright?"
"Huh? What are you saying again?"
Napa tingin ako sa asawa kong naka kunot ang noo at may pag aalala sa mga mata.
"I said, we're going to my mom's house"
At iyan ang rason kung bakit bigla bigla nalang akong nawala sa sarili ko at di na naka imik pa.
"O-oh... Ahm? Are you sure?"
Nag alangan ko pang sabi.
"Hay nako naman po misis Anastasia Perez. We need to. It's my mother's birthday"
"Hindi ba pwedeng hindi ako um attend?"
"Anastasia, love, hindi iyon pwede. Tiyak magagalit sa iyo si mama"
Yeah... Magagalit.
Actually, dati naman nang may galit sa akin ang ina mo mahal kong asawa.
Hindi mo ba nahahalata? Plastic ang nanay mo sa akin.
Napa iling iling nalang ako sa isip isip ko.
"Fine, fine. Kung di lang talaga...."
Tuwang tuwang niyakap ako ng mahal kong asawa.
Ano pa nga bang magagawa ko? Asawa ko. Mahal ko. Tiis tiis lang Anastasia.
"Mag bihis ka na love. Bibili pa tayo ng regalo natin kay mama."
Sabi nito. Kasalukuyan kasi kaming kumakain sa hapag, umaga na kasi eh.
"Ok ok. Just give me time. "
Sabi ko at nag punta na sa may kwarto.
Isang taon na kaming kasal ng asawa ko. Allan Perez is his name.
Wala namang problema sa amin ni Allan eh.
Pero ayoko.... kaya naman ganun na lamang ako maka tanggi tanggi sa sinasabi niyang pag punta namin sa bahay ng ina niya ay dahil hindi naman kami ok nun...
Bakit?
Dahil simula palang, hindi na boto sa relasyon namin ang ina niya. Ang ama niya naman ay sunod lang sa asawa kaya kung anong desisyon ng isa, sunod naman ang isa pa.
Naligo na ako at nag bihis.
Bumuntong hininga nalang ako.
I don't know if I can bare to see her. That witch.
Hindi alam ni Allan kung gano ko kinamumuhian ang ina nito.
Dahil nga close sila ng anak nito na siyang asawa ko at isa pa, plastic ang in niya. Kinamumuhian niya ako ng sobra. Pero nag mumukha lang na hindi pag naka harap na ang asawa niya.
Hindi na lamang ako nag re reklamo sa asawa ko dahil siyempre? Hindi naman yon maniniwala sa akin diba?
Sabi ko nga. Plastic.
Hindi ko talaga alam kung saan na mana ni Allan ang ugali niya dahil sigurado akong hindi sa ina niya iyon. Sobrang layo naman yata. At hindi rin sa ama dahil sunod lang naman ito sa asawa niya.
"Love. Mag i isang oras ka na sa banyo eh!"
Narinig kong sabi ng asawa ko sa labas ng banyo.
Sa pag lipad nanaman ng isip ko, hindi ko na namamalayan na tumatakbo nga pala ang oras.
Agad akong nag banlaw at saka ay nag bihis.
Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang inis sa akin ni madrasta! Kulang na lamang eh bakuran niya ang anak niya sakin at lagyan ng signage na "bawal lumapit ang isang Anastasia sakanya."
Lumabas na ako ng banyo. Umupo sa may mirror. Nag lagay ng light make up sa mukha at saka ay bumuntong hininga.
Asawa ko... Asawa ko.... Asawa ko...
May pakiramdam ka ba?
All smiles naman ang asawa ko dahil sa suot ko ang iniregalo niya sa akin noong birthday ko.
"Tara na?"
Tumango nalang ako.
I can't say I live a happy marriage life. Dahil una, nag sisimula palang kami.
Pangalawa, it's just.... Yung nanay niya nga ano pa nga ba?Laging kontra sa lahat. Laging may paraan para sa lahat...
Ayoko na sanang makipag away sa kanya hanggat ma aari pero.... Siya ang nauna. At laging nauuna.
Bigla nalang siyang lalapit sa akin at tatalak. Kahit na wala akong ginagawa. And pag dating ng mahal niyang anak, magiging anghel kunwari at pupurihin ako.
Pwe!
Hindi ako anti pero alam mo yun? Parang ganun na rin.
Ikaw Kaya magkaron ng mother in law na ganun? Ewan ko lang kung dika gumive up ah?
Buti nalang kinakaya ko yun dahil mahal ko ang anak niya. King hindi, malamang sa malamang, nilayasan ko na sila at sinampal ko ng reyalidad na hindi siya Reyna at anak niya any masusunod dahil sa may sarili namang buhay ang anak niya. Siya ang nag luwal at nag palaki pero Kaya na ng anak niyang maging independent.
"Ano kayang magugustuhan ni mama?"
Tanong niya habang nag mamaneho.
I just shrugged.
Wala akong interes sa gusto ng ina niya.
Ni hindi ko nga gustong makita eh. Malaman pa kaya ang interes niya? Hay buhay!
Natulog nalang ako habang nag b byahe kami. Inaantok pa kasi ako at isa pa, nakaka stress isipin yung ina niya. Nakaka sira ng ganda. Parang yung mukha niya? Sira sira.
Hindi naman sira talaga ang mukha ng nanay ng asawa ko. Sadyang sinasabi ko lang na sira dahil ang tapang nito dahil tinatapak tapakan niya ang pagkatao ko kung naka talikod at busy ang anak niya.
Buhay talaga oh.