"Rahat!" Dahan-dahan naman. Ako ang papatayin mo sa ginagawa mong iyan, ah," singhal ni Athan habang nakatapat sa bibig ni Draven ang isang braso nito sa kanya. Nakabaon sa bisig nito ang kanyang mga pangil habang walang patumanggang sinisipsip niya ang dugo ng bampira.
Maya-maya inalis na niya ang pagkakabaon ng mga pangil niya sa balat ni Athan at nanghihinang iniunat ang katawan sa malambot na kama. Pinagmasdan niya ang unti-unting paghilom ng mga sugat niya sa braso at balikat.
Ang totoo ay may kakayahan silang mga bampira na paghilumin ang sariling sugat na nakukuha nila sa mga labanan pero hindi ang sugat na nilikha ng Ragnor at ng silver bullet sa kanya. Unti-unting naagnas ang kanyang balat kung kaya nagpasya si Athan na painumin siya ng sariling dugo nito upang maisalba ang kanyang buhay.
"You owe your life to me," may panunuyang sabi ni Athan habang binabalutan ng benda ang bahaging kinagat niya.
"I know," marahan niyang tugon.
"Ngayon ay alam mo na kung ano ang iingatan mo. Baka sa susunod ay matuluyan ka na lalo na kung fatal ang magiging tama mo mula sa Ragnor at sa silver bullet ng taong bumaril sa iyo."
"I could have been dead now kung itinuloy ng taong iyon ang pagbaril sa akin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit tila nagbago ang isip niya nang magtama ang aming mga mata."
"That person might know you, that's why he changed his mind," mabilis na sambot ni Athan. Nang bigla itong matigilan. His eyes widened as he gaped at him as if he remembered something.
"Oh, bakit ganyan ka kung makatingin sa akin? Ano ba'ng naisip mo bigla? At bakit naman ako makikilala ng taong iyon eh ngayon lang ako nakarating sa bansang ito?"
Binawi ni Athan ang tingin sa kanya na tila ba iniiwasan nito na mabasa niya ang kung ano mang nasa mga mata nito.
Biglang iniba ni Athan ang usapan. "Ano ngayon ang plano mo ngayong nalaman mo na kung nasaan ang Ragnor?"
"Kukunin ko si Arabella," walang gatol niyang tugon. "Siya ang magiging daan ko upang mapasakamay ko ang Ragnor."
"Kukunin mo siya dahil sa Ragnor o kukunin mo siya upang tiyaking ligtas mula kay Braedan Voldova?" may pagdududang tanong ni Athan.
He didn't answer. Athan was right. Kailangan niyang kunin si Arabella hindi dahil sa kung ano pa man. Alam niyang hindi na ito ligtas lalo na at malayang nakakapasok pala si Braedan sa mansyon ng mga ito. He needed to secure her safety first. Minsan na itong muntik nang napahamak dahil sa kanyang kapabayaan at ayaw na niyang maulit pa iyon.
Athan stood up. Hindi na nito kailangan ang sagot mula sa kanya. Mukhang nabasa na nito ang nasa isip niya.
Pagkatapos nang malalim na buntong-hininga ay matiim siya nitong tinitigan. "Draven, minsan ko lang ito sasabihin sa iyo at ayoko nang ulitin pa. Hindi ako ang lolo Silvero mo at lalong hindi ako si Propesor Duncan Dmitru. Alam kong balewala sa iyo anuman ang sabihin ko. I remember you as the most stubborn and most spoiled brat student of Professor Duncan. Hindi lang ikaw ang ayaw sa misyong ito, actually, dalawa tayo. But did we have a choice? Wala, di ba?"
Draven heaved a sigh. Nagsisimula na namang magsermon ang anim na daang taon na bampirang kasama niya. Sa sobrang laki ng agwat ng edad nilang dalawa, talaga yatang imposible na magkasundo sila. Hindi niya gusto ang madalas nitong pagsesermon sa kanya na para bang anak siya nito. Ni hindi nga siya nakatikim ng sermon sa totoong ama niya dahil lumaki nga siyang hindi nakikilala ang tunay na magulang tapos ang Athan Donovan na ito ay parang sirang plaka kung umasta sa pagkastigo sa kanya.
But wait. He should not forget that this Vampire saved his life. Kung hindi dahil sa dugo nito na ipnainom sa kanya kani-kani lang ay siguradong naaagnas na siya ngayon. Iyon man lang ay maging dahilan upang pakinggan niya ito ngayon.
"You were chosen by our Council to find the Ragnor and use it against our enemies. I know, that was not an easy task pero wala kang kakayahang tanggihan ito otherwise you will be ostracized by our coven including your mother. Ako man ay may sarili ding misyon at alam mo iyan. For centuries, our clan lived in fear and in misery, at tayo ang naatasan na tuldukan ang paghihirap ng ating mga kauri. Para sa kanila kaya tayo naririto at umaasa sila na hindi natin sila bibiguin. We need to focus. Marami at malalakas ang mga kalaban." Huminga nang malalim si Athan bago nagpatuloy. "Just a wrong move. Just one wrong move, Draven... and we're finished. Do you understand?"
He nodded. Alam na niya ang patutunguhan ng usapang ito pero wala siyang panahon upang makipagtalo kung kaya hinayaan na lang niya si Athan na ipagpatuloy ang pagsasalita.
"Therefore, you must understand also that a woman has no place in this mission. Ayokong umuwi sa ating bansa na bigo at talunan, Draven. I would rather take my own life kaysa saktan at biguin ang mga kalahing umaasa sa atin. Naiintindihan mo ba?"
He nodded again.
"Bun!" Pagkasabi noon ay walang paalam na lumabas na ng silid si Athan.
Draven closed his eyes. Athan was right. He could not also afford to disappoint his coven especially his mother, Astrid. Kung kaya kahit labag sa kalooban ay tinanggap niya ang misyong iniatang sa kanya. He could be stubborn, insensitive and impossible sometimes, but he knew the meaning of the word responsibility. Alam niya ang kanyang tungkulin para sa kanilang angkan. Maging ang tungkulin bilang mandirigma ng kanilang coven.
Ang buong akala niya ay doon lang umiinog ang kanyang sariling buhay.
But he was wrong.
There was something more important in his life now. And that was to secure the safety of Arabella.
Iniligtas ni Arabella ang buhay niya. Kung hindi siya nito tinabig kanina, malamang ay sa kanyang puso dumiretso ang silver bullet. Sa kabila ng pagtatangka niya sa buhay ng dalaga ay nagawa pa nitong iligtas siya sa tiyak na kamatayan.
What a selfless act. What a beautiful heart.
Lalo tuloy nagtumining ang plano niya na kunin ang dalaga mula sa mansyon ng mga Duarte at itago ito mula kay Braedan Voldova upang tiyakin ang kaligtasan nito.
He firmly closed his eyes as realization struck him. For a very long time, he only knew his responsibility to his coven as a warrior. Now, he knew his responsibility as a man. And that was because of one woman.
Arabella Duarte.
BINABASA MO ANG
DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in Paperback
Vampir"Because I dream more than anyone else and so I see more than I should. But when the night comes there is a refuge of a dream of ecstasy. Where I only see love, you and me."