Ang tulang ito ay nabuo,
mula sa libo-libong damdaming nakatago.
Nakatago mula sa kaluob-luoban ng aking puso.
Pusong namimilipit at unti-unting nadudurog dahil sa sakit.
Sakit.. na dulot ng pagkakaibigang ilang taong iningatan, ngunit parang biglang napabayaan.Bakit kaya gano'n?
Ang kaluoban natin sa isa't-isa'y naglalaho na, na tila parang pira-pirasong papel na natapon, na tinatangay ng ihip ng hangin o kaya agos ng tubig sa ilog, tangay ang pag-asang mabubuo pa.
Maibabalik pa natin ang dati.
Kung maibabalik pa nating muli ang tiwala ng bawat-isa.Hindi ba't nakakapanghinayang?
Kung ang pagkakaibigan nating ilang taong dala-dala, ay masasayang lamang dahil sa mga pagbabagong hindi inakala.
Mga pagbabagong hindi napaghandaan, na para bang sakunang biglaan.
Ay teka, biglaan nga ba?O baka naman noon pa pala nagsimula, pero ngayon lang napansin kung kailan parang wala na tayong magagawa.
Wala na nga ba tayong magagawa?
O sadyang marami pang paraan upang ito'y maagapan, ngunit hindi mo magawang subukan.Kaibigan, ikaw ba'y nagsasawa na?
Nagsasawa ka na ba sa presensya kong nakakawalang gana?
Nagsasawa ka na ba sa bibig kong paulit-ulit, na parang sirang plaka?
Nagsasawa ka na ba sa aking pagsita sa iyo, sa tuwing ika'y sumusobra na?
O nagsasawa ka na, sa talim ng aking dila, dahil ito ay bumibigkas lamang ng mga pawang katotohanan na mga salita?Ano nga ba talaga ang gusto mo?
Sabihin mo! Ipaalam mo!
Huwag mo na sana akong gawing tanga, na nag-iisip kung meron ba! Ay mali, mali.
Huwag mo na sana akong gawing tanga, na nag-iisip kung ano ba talaga ang problema sa pagitan nating dalawa?
Bes kase.. sa totoo lang, nakakapagod na.Ako'y pagod na pagod na pagod na!
Simula sa mga ngiting walang laman, na ipinapakita ko sa iyong harapan.
Patagong paglaba para sa ating pagkakaibigan.
At lihim na pagluha at paghikbi sa mga lumipas na gabing, madilim na kalangitan lamang ang nakikidalamhati.Hanggang sa pagtanaw sa sayang ipinapakita mo sa tuwing nandiyan siya.
Hanggang sa pagtingin sa kakulitang inilalabas mo sa tuwing kayo'y magkasama.
Hanggang sa pagramdam na ika'y ganado na, kapag siya ang kakuwentuhan kahit walang kwenta ang pinag-uusapan.
Hanggang sa.. hanggang sa pagpilit ko sa aking sarili na ako'y lalaban pa ng mag-isa!Kahit ito (puso), ay bugbog sarado na ng pagod at pangungulila.
Pangungulila mula sa iyong matatamis na ngiti.
Pangungulila mula sa iyong malalaman na halakhak.
Pangungulila mula sa iyong maiinit na yakap.
At higit sa lahat, pangungulila.. mula sa iyong presensya, na kailanman ay hindi ko inakalang mawawala na.Kaya kaibigan, kubg sakaling dumating ang araw na malaman mo ang tungkol sa tulang ito.
At malaman mo ang tungkol sa lihim na nararamdaman ko.
At ang tungkol sa lihim na paglaban, upang maisalba ang pinagsamahan natin na parang lumulubog na barko.Sana.. sana sa oras na 'yun, ay may babalikan ka pa.
At may masabihan ng, "Bes, lalaban na tayong dalawa."
Dahil bes, sa mga oras na ginawa ko ang mahaba na tulang ito.
Naramdaman at nararamdaman ko pa na malapit na.Malapit na akong dumating sa katapusan ng aking nararamdaman..
At ng aking paglaban..
Para sa ating naglalahong pagkakaibigan.- W A K A S -
BINABASA MO ANG
Compilation of Poetries (Yours Truly)
PoetrySome of these are based on my own experiences, thoughts and feelings that are giving me a hard time to express directly to the people involved in it. But some are just created by my imaginations, just to ease my boredom.