Hi ! Ako si Ace at kwe-kwento ko sa inyo ang aking Love Story.
Noong High School ay laging mag isa lang ako umuuwe may pag ka nerdy kase ako nun. Hindi naman ako yung tipong baduy manamit o hating-hati sa gitna ang buhok.
Siguro ay dahil sa may pag ka aanga anga ako. Nakatira nga pala ako sa isang liblib na lugar o Probinsya.
Tuwing nag lalakad ako pauwe galing iskwelahan ay na pa-pansin ko ang isang babae na nakasakay sa tricycle at lumilingon sa aking
hanggang sa ito ay makalagpas at makalayo.
isang hapon habang nag lalakad ako pauwe.
Dumaan ulit ang babae na nakasakay aa tricycle nakalingon sya sakin. Nang Medyo Nakalayo na ito ay bumaba ang babae sabay bayad sa driver.
Lumapit ito sakin
Hi !
Tinignan ko Lang sya na parang nag tatakaat dumiretso sa pag lalakad..
Hi!!!!!!!!
Nag sa salita kaba?
Tuloy pa parin ako sa pag lalakad.
Ako si Vickie! same school tayo.
Huy!!!
( Tooooooook!!! )
Ako: Araaaaay! Bat mo ko binatukan?
Vickie: Eh salita ako ng salita dito ayaw mo sumagot at wala kapang imik dyan!
Ako: eeeeh Di kase kita kilala eh.
baka mmaya masamang tao ka!
Vickie: Hello? nag pakilala ako sayo ako nga si Vickie diba? Tsaka etong magandang mukhang to? Masamang tao? Ok ka lang?
Kung sa bagay ay maganda sya at malakas ang dating.
habang nag lalakad ay daldal lang sya ng daldal hindi ko sya nun pinapasin kase nga di ko sya kilala at nag tataka pa ako nun kung bakit sya nag pakilala saken at nakikipag usap sa akin.