Ruzzle Mariano"Okay guys, I'll give you 30 minutes for run and jogg, then pwede na kayo mag-start ng drills niyo sa training okay?" Sabi ko sakanila.
"Yes Captain!" Sabay sabay nilang sagot sakin. Tumango lang ako sakanila at tumingin sa gawi ni Patrick.
"And Patrick ikaw na ulit ang bahala magbantay sakanila, ha? Same routine pa 'rin ang ipagawa mo sakanila, okay?" Tumango lang siya sakin at tinignan ako nang mapang-asar na tingin. Hindi ko nalang masyado pinansin yun at nag-pito na. Nung una naglalakad lakad lang ako at tinitignan ko sila pero maya maya din umupo na ako sa bleachers at uminom ng tubig.
Time flies so fast. It's already been three weeks since Coach Miya agreed to let me train Elli for our team. So far, nung unang week niya pa lang sa team namin medyo hindi talaga naging maganda ang simula niya. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit sobrang hinhin niyang gumalaw eh. Wala eh. Sa katawan niya palang na slim at walang ka-muscle muscle nako.
Babaeng babae kasi ang katawan niya tsaka hindi naman kasi siya mataba kaya wala siya dapat ipag-exercise. Ang kaso lang ultimong pag-takbo niya ang hinhin din. Lalo na pag-hinahabol niya yung bola. Minsan nga napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ko siya eh. Halata kasing gustong gusto niya ang ginagawa niya ang kaso lang nahihiya siyang ipakita samin yun.
May times nga din na nahuhuli kong natatawa nalang si Coach Miya sakanya eh. Hindi dahil nakakatawa talaga siya panoorin pero dahil ang cute niya kasi maglaro lalo na pag napapasigaw siya bigla pag hindi niya nasasalo yung mga tira ko.
Nakakatuwa siya panoorin lalo na yung iba't ibang reaksyon niya. Pero halata namang disidido din siya matuto kaya ginagawa niya pa rin ang best niya kahit hindi nakikisama ng katawan niya sa gusto niya.
Nung minsan din nga nung hinahanap ko siya, well ang totoo kasi niyan tuwing break namin sinasabayan ko na siya kumain. Dahil nahihiya siya makisabay sa iba naming ka-teammates na girls. Friendly naman sakanya lahat nang nandito and most especially ang mga boys. Hays!
Kaya minsan naiirita din ako pag nawawala siya bigla sa paningin ko eh. Yun bang makikita ko nalang na may kumakausap na pala sakanya na ibang lalaki. Nakakainit ng ulo tignan. Simula kasi nung sumali siya sa team namin lagi nang may mga nakatambay na lalaki dito sa gym habang nag-t-training kami na dati naman wala masyado. At ayoko nang nakakaramdam ng ganito.
So, simula no'n nagdecide na ako na sasabayan ko na siya kumain every breaks namin. Nung una puro ako lang ang nagsasalita at nagkekwento saming dalawa habang siya tango lang nang tango sakin habang nakain which is very unusual behavior of me.
Napaka-snob at tahimik ko kayang tao lalo na sa mga hindi ko gaano ka-close pero pag siya na ang kausap ko, ewan ko ba. Hindi ko alam kung ba't bigla akong dumadaldal. To the point na halos lahat na ata naikekwento ko sakanya pati talambuhay ko naikwento ko na din including Evan and ang kalokohan naming dalawa. Lalo na pag naririnig ko ang tawa niya mas natutuwa ako mag-kwento nang mag-kwento sakanya.
Then lately after that nagsasalita na din siya, nagsisimula na din siyang magkwento kwento sakin tungkol sakanya. Hindi ko namamalayan na dumadaldal na din pala siya tulad ko. Hindi na din siya masyadong nauutal magsalita unlike dati. All in all, she's really getting better and better and of course she is really fun to be with. Wala akong awkwardness na naramdaman sakanya kahit nung una. Hiya siguro meron pero walang awkwardness.
BINABASA MO ANG
I'm Crazy In Love With My Best Friend
RomanceHave you ever accidentally fell in love with your best friend? If yes then, you'll understand me, completely. But if it's a no, then it's a no. Want to know who I am and my story? Then, try to read this story-our story rather. I am Rey Evan Cadwe...