Chapter 3

74 1 1
                                    


May mga bagay na mangyayari kasi iyon ang itinadhana.

Tracy Kiel's P.O.V.

Pababa pa lang ako sa taxi ay chineck ko muna kung dala ko ang papel na pinapaayos sa 'kin ni Ian. Hinawakan ko pa 'yon ng mabuti para di ko makalimutan. Baka mamaya mawala 'to at pagalitan ako ni Ian Jade.

Pag-alis ng taxi ay naabutan ko si Betty, aso ko na nakalabas sa kalsada at halatang sinalubong pa ako. Sweet naman ng baby ko.

"Ang sweet naman ng chow chow ko." medyo umupo ako para makalevel ko si Betty. Dinilaan naman n'ya ang pisngi ko. Ang cute!

Hinarot-harot ako ni Betty kaya naman hindi ko namalayan na nilipad na pala ang mga papel na hawak-hawak ko.

"Wait lang chow chow."

Nilapitan ko naman ang papel na hindi naman kalayuan. Isa-isa kong 'yong pinulot at sinundan naman ako ni Betty, ang sweet talaga ng aso ko.

Pupulutin ko na sana ang huling papel ng biglang balutin ng liwanag ang buong paligid.

"Aww! Aww!"

-----

Harry's P.O.V.

"Harry bilisan mo, nandito na kami sa trinoma, ikaw na lang ang hinihintay ng buong banda." sabi ni Gerald sa kabilang linya.

"I'm on my way." sagot ko at pinatay ko na ang tawag.

Kahit kailan talaga!

Nanatili lang akong nagmamaneho. Pinatugtog ko muna sandali ang isa sa mga latest song ng Dream5ive na isinulat ko pa mismo.

Nina is calling...

"Hello?"

[Hoy kanina pa kita tinatawagan! Busy phone mo ah, gan'yan ba talaga kapag sikat ka na?]

"Kausap ko kanina si Gerald, kabanda ko. How's your day Ms. Fuentes soon to be Mrs. Montenegro?"

[Hoy Harrison 'wag mo 'kong ganyanin! Baka maunahan mo pa akong mag-asaw---]

Napahinto sa pagsasalita si Nina. Nawala rin ang ngiti sa mga labi ko, mukhang hindi ko s'ya mauunahang mag-asawa dahil iniwan na ako ng taong mahal ko.

[Ay sorry! Hahaha. Sige kain ka na! Miss na kitang panget ka! Hahaha]

Hello, My Dream Guy (On Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon