The biggest mistake I've made? Siguro yung di ko nasabing mahal ko ang aking ina. Palaging pinapahiya, Laging sinasaktan, Palaging minamaliit. 'Ni hindi nga kami nag-uusap. Nag-uusap lang kami tuwing pumupunta siya sa kwarto ko o kapag siya'y nagpapasimula ng usapan.
"Anak, mag-usap naman tayo. Palagi ka namang busy diyan sa inaatupag mo. Nawawalan ka na ng oras sa akin."
"Ma, bukas nalang. Tutal wala namang kwenta ang pag-uusapan natin."
"Osige nak. Bukas."
Palaging nirereject, Palaging binabalewala, Hindi binibigyang pansin. Ayan ang aking ipinapakita kapalit ang sakripisyong inilalahad ng aking ina. Namatay ang aking ama nung ako'y bata pa sa sakit na Lung Cancer. Nasa trabaho ang aking ama nung nangyari iyon. Hindi namin matanggap na nangyari iyon ngunit alam namin na nandiyan lamang siya sa tabi namin. Kinabukasan, may pagsusulit na inihanda ang aming guro. Hindi ako nakapag-aral sapagkat inatupag ko ang paglalaro ng video-games buong gabi.
"Huy! ano? nakapag-aral ka ba?"
"Saan?!"
"Timang! may Long Quiz ngayon sa Geography! nako strikta panaman si Ma'am."
"Hala. Paano na yan? Alam ko na. Pakopyahin mo ako."
"Ano?! Alam mo bang mahigpit na pinagbabawal yan dito sa paaralan natin? Huwag na huwag kang kokopya sakin sinasabi ko sayo!"
"Ok Fine! We're not related na!"
Luhaang di ako nakapasa sa pagsusulit na inihanda ni ma'am. Nakakuha nako ng zero, pinalabas pako ng room at hinintay na matapos ang subject. Urat na urat ako ng oras na yon. Tipong ayaw ko na may lumalapit at may kumakausap sakin. So naisipan kong mag-cutting at umuwi nalang. Pagdating ko sa bahay, laking gulat ni mommy na ang aga-aga ko maka-uwi.
"Oh anak, bakit sobrang aga mo naman ata?"
"Wala ma."
"Anong wala? Imposible namang half day kayo ngayon."
"Wala nga ma. Ang kulit mo! Kaya hindi na kita pinapansin kasi napakaclingy mo sakin! Napaka-immature mo! Nakakahiya kang ina!"
Patakbo akong pumunta sa aking kwarto at nararamdaman kong sinusundan ako ng aking ina. Pagkapasok na pagkapasok ko, isinarado ko ang pinto ng pagkalakas-lakas. Nakita ko ang anino ng kanyang paa sa ilalim ng pinto at mamaya-maya, nawala na ito.
After 5 hours na nakakulong sa aking kwarto, napagisip-isip ko na tawagan ang kaibigan ko at humingi ng tawad.
"Huy, Sorry kanina ha, hindi ko sinasadyang sabihin ko sayo yun, saka narealize ko na hindi tama ang gagawin ko, buti nalang meron akong kaibigan na katulad mo."
"Sorry rin ha, na hindi kita pinakopya kanina, natakot kasi ako na mahuli tayo ni ma'am eh. Sa susunod kasi mag-aral ka na para hindi ka magkaproblema ng ganto."
"Oo na hahaha sorry ulit ha."
"Okay lang yon. Kalimutan mo na. Teka, hinahanap kita kanina, hindi kita mahanap. Saan ka nagpunta?"
"Umuwi na ako eh. Hindi ko nakayanan."
"Haa?! ano sabi ng mommy mo? Hindi ka ba pinagalitan?"
"Pinagsabihan lang ako pero ako yung nagalit eh, nasabihan ko siya ng mga hindi magandang bagay. Nasabihan ko siyang makulit, nakakahiya, Totoo naman kasi. Pero nagsisisi na ako sa mga sinabi ko. Nahihiya na akong iapproach siya, tulungan mo ako."
"Alam mo, mas lalong maapreciate ng mommy mo ang apology mo, kung inapproach mo siya as soon as possible, then okay na kayo, wala nang problema, huwag kang matakot, nanay mo yan, mahal na mahal ka niyan."
"Sana nga mapatawad niya ako."
"Mapapatawad ka niya! Anak ka eh. Kung mahal na mahal ka ng isang tao tas nagkasala ka sa kanya, mapapatawad at mapapatawad ka niya. Tandaan mo yan."
"Tama ka. Osige na't babalitaan nalang kita mamaya. Bye!"
"Bye!"
Pagkalabas ko ng kwarto ko, napansin ko na wala ang nanay ko sa bahay, naisipan kong lumabas at magpahangin. Ngunit may narinig akong sigawan sa tabing daan dito sa amin. Mayroong isang babae na nabundol ng 10 wheeler na trak at duguan. Nung palapit ako ng palapit sa aksidenteng naganap, tumigil ang mundo ko. Ang babaeng nabundol ng trak ay ang aking ina.
Nawala ako sa sarili nung oras na iyon. Palapit ako ng palapit sa duguan niyang katawan at lumuhod ako at unti-unti ko siyang niyakap. Nilabas ko lahat ng iyak, pighati sa aking katawan. May nakapa akong papel sa kanyang bulsa at kinuha ito at binasa.
"Anak ko, pasensiya ka na ha? Ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan. Pasensiya na't ako'y makulit. Pasensiya na kasi napabayaan kita. Pasensiya na kasi nahihiya ako sayo. Sana mapatawad moko anak. Hayaan mo. Napatawad na naman kita. Huwag mo na isipin ang mga kasalanan na nagawa mo kasi napatawad na kita. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal na MAHAL kita anak. Simula noong nawala ang iyong ama, nawala na ako sa sarili ko. Gusto ko nang mamatay pero hindi pwede anak. Kailangan ko pa makitang nakapagtapos ka sa pag-aaral. Pero hindi ko na kinaya anak. Yung pananakit mo, yung pananalita mo. Hindi ko na kaya. Pero hayaan mo na. Masaya na naman ako sa gagawin ko. Sana mapatawad mo ako anak. Mahal kita.
Nagmamahal,
MommyUmiiyak, Naghihinagpis, Nagsisisi. Ayan ang nararamdaman ko ngayon. Ang mawalan ng isang ina ay katumbas ng katapusan ng mundo. Biruin mo, siya nagpalaki, nagpakain, nagpaligo, nagsakripisyo, lahat-lahat, para sayo. Matuwa ka lamang. Pero wala na eh. It's too late. Wala na si mama.
Kaya kayo, hangga't maaga pa, mahalin niyo na ng lubos ang iyong magulang sapagkat huwag niyong hintayin yung oras na mawala siya sainyo, gawin niyo na yung mga bagay na makakapagpasaya sa kanila ng lubos. Laging tandaan na ang pagsisisi ay nasa huli. Huwag niyo akong tularan.