CHAPTER 52 [Revised]

1 0 0
                                    

A/n: This chapter doesn't involve any of the Divisions, Dahil sa Chapter na ito ay ang Paghahanap ni Xiamella sa Ama ni Luther at Luisa.

This Chapter doesn't have a significant Theme.

****

Xianne's POV

Grabe! Shopping lang naman pala ang ipapakiusap ni Mom sa akin. Pero ayos na yun, nabili ko naman na lahat ng gusto niya kaya nagpaalam na ako na babalik sa club.

"Mag-ingat ka. Wag masyadong maghanap ng Away." Ngumisi si Mom at hinalikan ako sa Noo.

I smiled. "Yes, Mom."

Tinignan ko si Dad at ngumiti sa kanya saka hinalikan siya sa pisngi.

"Bye, Dad. Mag-ingat din kayo dito."

Tumango siya at sinamahan ako sa labas para mag-abang ng Taxi. Hindi ko naman kasi alam mag-drive ng Motor. May extra kasi dito na Motor na pagmamay-ari ni Dad.

Magpaturo kaya ako kay Xiamella? Ang galing niya mag-drive eh.

"Bye Dad..Mom.." I waved goodbye.

Sumakay na ako sa Taxi at nagpahatid sa Club. Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Xiamella.

After 3 rings, sinagot na din niya sa wakas.

["What? Tapos na ba ang pinapagawa ni Mom sayo?"]

Para siyang Stressed at pagod na pagod. Ano bang nangyari nung wala ako?

"Tapos na. Papunta na ako sa Club. What happened?"

["I'll explain later."] Binaba na niya ang tawag pagkatapos nun.

I sighed. Ito ang mahirap kapag may kapatid kang War Freak. But I don't care, she's my twin. Hindi ko siya iiwanan kahit talikuran na siya ng buong mundo.

*

Pagdating ko sa Club ay agad akong pumasok. Pagpasok ko ay nakita ko si Xiamella na naka-upo sa Sofa at naninigarilyo.

"Hi. Sis." Maikli kong bati at umupo sa tabi niya.

Nakarinig ako ng ingay sa Itaas. Training siguro nila Michs at ng iba pa. Masyado nang strict si Xiamella sa Gang niya. Its a good thing.

"Xianne. Kaya mo bang magpanggap na ako kahit ilang araw lang?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ako? Magpapanggap na siya? Oo, magkamukha kami. Pero hindi ako malakas kagaya niya.

"Bakit naman?" Kunot-noo kong tanong.

She sighed. Napahawak siya sa batok niya na para bang ang laki ng problema niya.

"I need to find Luther's Dad. I can't do that when my Gang is always by my side. Ayaw ko silang mapahamak."

Tumango ako at hinawakan ang kamay niya. I smiled at her.

"Gagawin ko ang lahat para sayo. Para saan pa na magkapatid tayo?"

Napangisi siya at niyakap ako. I hugged her back.

***

Xiamella's POV

Sumakay na ako sa Motor ko at tinignan si Xianne na nakabihis ng damit ko kanina. Nagpalit kami ng Damit.

"I'll call you." Pinaharurot ko na ang Motor ko matapos sabihin iyon.

Sorry, My Gang. Kailangan kong hanapin ang Dad ni Luther dahil nangako ako.

Tinigil ko ang Motor sa harap ng bahay ni Kuya Lee. I tried to copy Xianne's innocent look. Nang makita kong kaya ko na, bumaba ako sa Motor.

Naglakad ako palapit sa pinto at pinindot ang Doorbell. Kakabalik lang ni Kuya Lee mula sa France dahil nga may ipinagawa ako.

"ONCE IN A LIFETIME" (COMPLETED) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon