"SIRAULO ka talaga, Milo. Ano yung sinasabi ni Colt kanina?" tanong ni Twinkle sa kanya.
Naglalakad sila patungo sa clubhouse ng subdivision. Kahit gabi na ay maliwanag pa din ang daan dahil sa mga lamp post. Sigurado din siyang safe silang makakapaglakad doon dahil may sarili siyang bahay sa naturang subdivision. Subok niya ang seguridad, 'ika nga. Niyaya niya ito na pumunta doon dahil gusto niya itong masolo. Marami siyang nais sabihin sa dalaga pero hindi niya malaman kung paano magsisimula.
Nang biruin siya nito na may nakilala itong ibang lalaki ay bigla siyang nabahala. Unang beses itong nagpasimuno ng pagbibiro tungkol sa pagkakaroon ng interes sa isang lalaki. Hindi niya magawang makapag-concentrate sa pagkanta kahit anong kumbinsi niya na ayos lamang iyon at hindi siya dapat masaktan kung sakali man dahil magkaibigan lamang sila ni Twinkle. Bigla ang dating ng reyalisasyon sa kanya na hindi pala niya ito kayang ibigay sa ibang lalaki. Hindi niya inakalang ang insidenteng iyon ang makakapagpabilis ng desisyon niya. He finally took the first step upang makausap ng maayos ang kanyang ama.
Galit siya sa kanyang ama dahil wala ito sa tabi niya noong panahong lumalaki siya. Palagi siyang natutukso noon sa eskwelahan nila dahil wala siyang maipakilalang daddy sa mga classmates niya noong nasa elementarya pa lamang siya. Hindi alam ng kanyang ina ang dahilan ng pakikipag-away niya sa school. Ang pinsan niyang si Jessie ay wala ding alam tungkol doon dahil nasa special section ito at ilang beses pang na-accelerate dahil sa taglay na katalinuhan.
Habang ang kanyang ama ay nabubuhay ng masaya sa piling ng pamilya nito, ang kanyang ina naman ay hindi tumigil sa pagtatrabaho para lang may mapatunayan sa sariling pamilya na kahit naloko ito ay may magagawa ito sa ikauunlad ng kanilang negosyo. Mahal niya ang kanyang ina at labis siyang nagpapasalamat dito dahil alam niyang ginawa nito ang lahat upang protektahan siya sa iba pa nilang kamag-anak. Tanging ang kapatid nito na ina ni Jessie ang karamay nito noon. Itinago niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sa likod ng mapaglaro at mapagbirong Milo. Natutuhan lamang niyang magseryoso ng mamatay nga ang tiyahin niya. Inisip niyang kailangan siya ng kanyang ina at ni Jessie dahil wala na ang tanging tao na naging karamay ng mga ito noon.
He thought that he was already okay until his father decided to contact him. Naroroon pa din pala ang sakit at galit na nararamdaman niya para dito noon. Nadagdagan pa iyon ng malaman niyang hindi siya nito maaalala kung hindi pa namatay ang nag-iisang lehitimo nitong anak. Tandang-tanda pa niya ang nangyari noon, he was consumed by anger but at the same time felt drained. He was scrolling his phonebook when he saw Twinkle's name. It's been months since she last saw her but then, he chosed to call her. Kinamusta lamang niya ito hanggang sa nauwi na sa kung saan-saan ang usapan nila at tila nakalimutan niya bigla ang pagod at hinanakit na nararamdaman niya. Saka niya nasabing kailangan niya ang dalaga. Kailangan niya ito dahil tanging ito lamang ang may kakayahang magtanggal ng mga isipin niya sa buhay.She was her savior, her angel. Alam niyang busy din ito dahil nag-aaral pa ito noon ng Medisina. Ang resulta, palagi niya itong tinatawagan o kaya naman ay pinupuntahan kapag may libre siyang panahon. Kahit anong pagtataboy ang gawin nito ay hindi niya sineseryoso.
Ngayon ay nais niyang magtapat na dito, pero hindi niya malaman kung paano magsisimula. Baka tanggihan siya nito dahil bistado nito ang lahat ng pinaggagagawa niya noon. Tanggap niya kung pahihirapan siya ng dalaga, dahil sa mga pagpapahirap na idinulot niya dito noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Basta siguraduhin dapat nitong sasagutin siya nito. Paano niya masasabi iyong lahat kay Twinkle?
"Wala iyon, baka kung ano na namang na-i-imagine ni Colt." balewalang sabi niya.
"Siraulo ka, pinalabas mo pala na ako ang palaging tumatawag sayo?" inis na sabi nito at hinampas siya sa balikat. Hindi pa ito nasiyahan dahil piningot pa nito ang kaliwang tenga niya.
BINABASA MO ANG
Twinkle's Star
RomanceSa tagal ng pagiging magkakilala nina Milo at Twinkle, hindi kailanman lumampas sa pagiging magkaibigan ang estado ng kanilang relasyon. Para silang may silent agreement na kahit ano ang mangyari ay mananatili sila sa tabi ng isa't isa. Kaya nang ma...