A P R I L 1 9 2 0 1 8
again, reminder, this is
fiction okay? it doesn't
have to do with the real
kathniel. this is just my
imagination. naisip ko lang to.
wala reminders lang haha.
-------------------- 👪 ---------------------Isabel's Point of View
Paggising ko ay umaga na. Bigla akong napabangon nang maalala kong maaga pala dapat ako sa school dahil ngayon kami maglalagay ng decorations.
"Marami palang dapat matapos ngayon!" Dali-dali akong pumasok sa bathroom at mabilis na naligo. Kailangan ko pa icheck yung tarpaulline design dun sa computer laboratory na pinagawa ko tapos yung mga fillers na ipapamigay sa mga students and outsiders.
Damn, nasobrahan nanaman kasi ako sa iyak kagabi kaya sobra din ang tulog ko dahil sa pagod.
Pagbaba ko ng kwarto ay inabutan ko si Lola Min na hinahanda na ang almusal sa hapagkainan at si Ate Lhexine na nakikipaglaro sa mga aso.
"Isabeeeeeeel!" Excited na tumakbo si Ate Lhexine papalapit saakin tsaka ako niyakap ng mahigpit. Napahalakhak ako dahil parang kailan lang naman nung huli kaming nagkita.
"We just hang out like three days ago, Ate. Namiss mo ako kaagad?" Natatawang tanong ko sa kanya. Kumalas naman siya saakin tsaka kinunutan ako ng noo.
"Ahh yes? Duh, nag-iisang pinsan slash kapatid kaya kita!" Niyakap nanaman niya ako kaya lalo akong natawa sa kanya.
"Tigilan mo na ang kapatid mo, Lhexine, kumain muna kayo. Ikaw, Isabel, maaga ang pasok mo ngayon hindi ba? Kumain ka muna para may lakas ka buong araw." Kumalas na saakin si Ate Lhexine kaya nagtungo na kami sa dining area at naupo. "I heard, busy ka for your school's upcoming event month?" Tanong saakin ni Lola Min. Namangha naman ako dahil alam pala niya ang ganap sa buhay ko. Buti pa siya, sina Mommy kaya alam nila? I don't think so. Hindi na ako aasa.
"Yup. Well, being the SSG President, I have a lot of responsibilities." Hindi makapaniwalang sabi ko. Napapailing naman si Ate Lhexine habang tumatawa.
"Noong high school ako, never ako sumali sa mga ganyang responsibilidad chuchu na yan. Parati lang akong Muse na pinakikilaban sa mga pageants and beauty shenanigans." Sabi niya. Ako naman ang napailing. "Maarte ka kase." Sagot ko kaya inirapan lang niya ako. College student na kasi si Ate Lhexine and graduating na siya this year. She's just five years older than me.
"You should invite me in that event month, Sab." Nilingon ko si Ate Lhexine tsaka sinamaan ng tingin. Bumuntong hininga siya pagkatapos makipagtitigan saakin.
"Kaya talagang tutol ako dyan sa pagkakaroon mo ng secret identity eh. I can't even go out with you, I can't go to your school. What the heck, Lola, bakit hinahayaan mo si Tita Kath gawin to?" Napayuko na lang ako dahil sa tanong ni Ate Lhexine. Even I don't know why do I need to hide that I am Isabel Georgina Bernardo Ford, daughter of the famous King and Queen of showbiz.
"She already made that choice before I even knew, Lhexine. Wala na akong nagawa." Sagot ni Lola. Nilingon ko naman silang dalawa tsaka ngumiti.
"Ayos lang naman, Ate, Lola. Baka hindi pa talaga sila ready magkaroon ng anak. Biglaan kasi, diba? Baka hanggang ngayon ay hindi pa nila tanggap." Pangungumbinsi ko sa kanila. Pero maging sarili ko ay hindi ko makumbinsi na okay lang. Alam ko na hindi okay. Hindi okay na sinisikreto ako ng mga magulang ko. Never naging okay na itago ka ng mga taong mahal na mahal mo.
"Anyway, busog na ako, 'La. Kailangan ko na rin mauna dahil marami pa talaga akong gagawin sa school." Tumayo na ako tsaka humalik sa pisngi ni Lola at ni Ate Lhexine. Paglabas ko sa pintuan ay pinunasan ko ang nakatakas na luha mula sa mata ko.
BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
FanficI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18