Nang makalabas si Kylie ay agad na umupo si Lia sa tapat ng inuupuan ni Top."Sino siya?" tanong niya sa lalaki.
"What are you doing here?" ganting tanong ni Top.
"Sino siya sabi." bakas ang inis ni Lia na matiim na nakatingin sa kaharap.
"Kylie Santos."
"You know very well na hindi yan ang ibig kong sabihin. Sino siya sa buhay mo at bakit siya narito? bakit kayo magkasama?" tumayo si Top at pumunta sa kusina. Bakas sa mukha nito na iritado narin. Sumunod si Lia.
"What are you doing? Are you trying to interrogate me?" inis na sabi nito.
"Sino siya." pag uulit ni Lia.
Lumagok siya ng tubig.
"My girlfriend, nakuha mo na sagot ko. Now go." pagtataboy nito.Namumula si Lia dahil sa galit. Hindi niya ugaling makipag away dahil sa lalaki, and hell ni hindi pa siya dati nagkaganito. At isa pa wala rin naman siyang karapatang magalit dahil wala naman silang relasyon ni Top.
"Pano yung nangyari satin? bakit mo ako dinala sa kubo? bakit!" sigaw niya. Humarap sakanya si Top at matiim na tinitigan.
"Nangyari satin? Ikaw ang naunang humalik sakin. Wala akong planong makipagtalik sayo pero ikaw na mismo ang nagbigay ng motibo. Dinala kita sa kubo pero walang ibig sabihin yun. Gusto kong magkaroon tayo ng oras para makumbinsi kang ibenta sakin ang lupa mo." madiin ang bawat katagang binitawan nito. Saglit na natigilan si Lia pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa mga sinabi nito.
Tumalikod siya sa lalaki at dere deretsong umalis. Nadaanan niya si Kylie na nakaupo sa balcony ng bahay.
"You guys done talking?" tanong ni Kylie kahit obvious naman na tapos na silang mag usap.
Tinignan lang siya ni Lia ng masama at patuloy na umalis. Pumasok ng bahay si Kylie na ngiting ngiti.
"Ouch! hindi mo sinabi na pinagpalit mo na pala ako sa isang gorgeous model chic." sabi nito. Tinignan lang siya ng masama ni Top na ikinatawa ni Kylie.
"Tinignan rin ako ni Herlia ng masama kanina. Tsk ano ba ginawa ko sainyo para madamay ako sa away niyo." iiling iling na sabi nito.
"Stop it, walang kami okay?" galit na sabi nito.
"Really?" pang uuyam na tanong ni Kylie.
"Yeah, hindi ko siya type she's 20 years old at napaka immature." sabi nito at nilagpasan si Kylie na iiling iling.
Inis na ibinalibag ni Lia ang pagsara ng pinto sa kwarto niya.
Kinaumagahan..
8am.. "Gosh anong oras na." inis na sambit ni Lia na kakagising lang, sanay kasi itong magising ng 6am.
Nag inat siya at natigilan ng maala niya si Top at Kylie. Agad siyang bumaba ng kama at dumeretso ng banyo para maligo.
Floral dress ang suot niya, hinayaan niyang nakalugay ang buhok niya at nagsuot ng banig na sumbrero, mukha siyang sasabak sa isang photoshoot sa itsura niya. Naglagay siya ng lip gloss at powder.
Magkatulong sa paglilinis ng bahay si Kylie at Top, nagwawalis si Kylie at si Top naman ang nagpupunas ng sahig.
Natigilan sila ng may kumatok sa pinto.
Tumikhim si Top at pinagbuksan ang bisita. Tumambad sakanya si Lia na maarteng nakatayo sa labas ng pinto, nakataas ang noo nito na sinalubong ng tingin si Top.
"Bakit?" seryosong tanong nito. Hindi siya pinansin ni Lia at tumuloy sa loob.
"Andito ka pa pala." maarteng sabi niya ng makita si Kylie na nakahawak ng walis tambo.
Ngumiti si Kylie. "Yup, I'm actually planning to stay here—"
"Why? hindi pa naman kayo kasal para tumira ka dito." lumingon siya kay Top. "Am I right?" kumunot ang noo ng lalaki.
Kinuha ni Top ang basahang binitawan niya at pinagpatuloy ang pagpupunas ng sahig.
"Kylie walisan mo sa banda ron, you missed that spot.. right there." nagkibit balikat lang si Kylie at nagpatuloy sa pagwawalis.
Nakaramdam ng inis si Lia sa inakto ni Top. Lumapit siya kay Top at tumayo sa harap niya. Tumingala naman si Top sa pagkakaupo.
"Samahan mo ako sa kubo. Sabi mo isang buong araw tayo dun, tuparin mo yung sinabi mo. Hindi naman mapapano ang kasama mo kung maiwan siya ditong mag isa." bumuga ng hangin si Top.
"Ganyan ka na ba talaga kadesperada? kaya siguro ambilis mong naalis sa spotlight. Ngayon alam ko na ang reason kung bakit ka lumaos agad. You're a brat, napaka immature mo. Oo maganda ka pero yun lang ang maipagmamalaki mo. Ni hindi ka marunong umintindi at makiramdam sa nangyayari. Puro ka arte. Hindi magandang mambastos okay? Samahan ka sa kubo? kung may dadalhin ako sa kubo hindi ikaw yun kundi si Kylie. I love her kaya wag mo siyang babastusin. Lalo na sa harapan ko." hinagis nito ang basahang hawak niya at saka umalis ng bahay.
Si Kylie man ay nagulat sa sinabi ni Top. Nagulat siya dahil sinabi nito na mahal siya ng lalaki.
Nangingilid na ang mga luha sa mata ni Lia. Tinatagan niya ang loob niya at humarap kay Kylie.
"I'm sorry. Kala ko kasi nagpapanggap lang kayong may relasyon. Alis nako." sabi nito na halos pabulong na.
"Uhm—" sabi ni Kylie kaso umalis na ng tuluyan si Lia.
BINABASA MO ANG
Her mysterious neighbor (COMPLETED)
RomanceIsang modelo sa US si Herlia Glass, kaso dahil sa mga maling nagawa niya ay agad siyang lumaos, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas at magpunta sa Baguio, kaso imbes na matahimik at makapag pahinga ay mas lalong nagulo ang isip niya nang makilala niy...