Salamat sa pag-iiwan mo sakin, mahal.
Salamat sa pinagsamahan nating kay tagal.
Salamat kasi tinapos mo ang pag-ibig na wagas.
Nang puso ko na lumaban ng patas.Salamat Mahal, dahil sa mga huling sandali,
Aking sasariwain ang ating pagmamahalang nabali.
Nang di pagkakaunawaan,
At pagkakaintindihan.Mahal, tanda mo pa ba ang mga maliligayang araw natin?
Na kung saan ikaw at ako lang sa mundo natin.
Na ngayon ako nalang mag-isa.
Habang ang mata ay namamasa.Mahal, tanda mo pa ba kung paano mo ako pakiligin?
Sa bawat halakhak na hindi nabibitin.
Na ngayon ay kalungkutan at luha nalang ang hatid,
Na sa akin ay iyong ipinabatid.Mahal, tanda mo pa ba kung paano mo ako yakapin?
Mga yakap mong mahigpit, na halos ayaw nang bawiin.
Na ngayon ang unan na basa nalang ang nasa tabi.
Mag-isang umiiyak sa gitna ng gabi.Mahal, tanda mo pa ba ang bawat halik?
Sa mga labi ko habang nasasabik.
Na ngayon ay tanging alaala nalang,
Nang tamis ng kahapon na nasayang.Mahal, tanda mo pa ba ang bawat pagsambit mo nang "Mahal Kita"?
Sa akin habang ang saya ay di maipinta.
Na ngayon ay sa iba mo na dinidikta,
Ang mga salitang, ligaya ang nililikha.Mahal, tanda mo pa ba kung paano tayo sabay na lumaban?
At kung paano natin harapin ang bawat problema sa ating pagmamahalan. Na ngayon ako nalang ang mag-isang humaharap,
Sa bawat sakit na idinulot ng mga pangakong napako na pangarap.Mahal, tanda mo pa ba ang lahat nang ating pinagsamahan?
Na puno nang pagmamahalan.
Na ngayon ay unti-unting naglalaho,
Dahil ang pag-ibig mo sakin akin ay nagbago.Kasi ako mahal, sariwa pa sa aking isipan,
Kung paano mo ako iwanan.
Habang iyong hindi pinag-iisipan,
Ang bawat salitang sa bibig mo ay lumisan.Salamat Mahal at iyong winakasan,
Ang pag-ibig natin na akala ko'y walang takasan.
Salamat Mahal sa saya, tawa, ngiti, lungkot, luha at iyak.
Na ngayon ay nilisan mo na nang payak.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan