Hindi pa nakakarating si Lia sa bahay niya ay bumuhos na ang mga luha niya, bumuhos rin ang ulan, nakikisabay ata sakanyang nararamdaman.
Basang basa si Lia ng makarating sa kaniyang bahay.
Nagpunas siya ng katawan at saka nagpunta ng kusina. Hindi pa pala siya nakakabili ng makakain niya. Napaupo siya at naipatong niya ang mukha niya sa mga palad niya.
"Hoy.. bat mo naman sinabi na mahal mo ako, nakakasakit ka ng tao ng hindi mo alam." sita ni Kylie kay Top.
"Sinadya ko yun." seryosong sabi naman ng lalaki.
"At ginamit mo pa talaga ako ha. Salamat ha. Gusto ko pa naman sanang maging kaibigan siya, she's so pretty, pangarap kong maging model pero hindi ako biniyayaan ng height."
"Actually.. gusto kong bigyan ng chance ang relasyon natin. I know hindi nagwork ang relasyon natin dati, pero bat hindi natin itry." sabi nito habang nakatitig kay Kylie.
"Pshh, no thanks. Masaya na ako at naging kaibigan ka, alam ko naman na napilitan ka lang sakin dati dahil kay daddy eh." ginagap ni Top ang kamay ni Kylie.
"That's not true Kai."
"Sus, eh pano naman si Herlia, bagay kayo, ang sarap niyong panoorin, parang kapag naging kayo hindi magiging boring ang mga araw niyo, para kayong mga aso't pusa kung magbangayan." tawa nito.
"Hindi ko kailangan ng babaeng umasta parang Nanay para sitahin lahat ng mga galaw ko. Lalong ayaw ko ng babaeng bunganga lagi ang pinaiiral." tumawa ng malakas si Kylie.
"Kung ganoon bakit tayo naghiwalay kng ganun?" biro nito.
Ni minsan kasi ay hindi nangealam si Kylie sa mga desisyon dati ni Top, hindi siya selosa, hindi siya yung taong matampuhin at mapaghanap ng away.
Nagring ang cellphone ni Kylie bumitaw siya sa pagkakahawak sakanya ni Top para sagutin ang tawag.
"Oy Bro napatawag ka?"
Hindi na ata makakayanan ni Herlia na hindi maghapunan, kahapon hindi siya kumain ng gabihan, ngayong araw hindi siya nag breakfast at lunch. Nagpasya siyang bumangon na at bumili ng makakain. Pinilit niya ang kanyang sarili para magpalit masama ang pakiramdam niya, buong araw siyang nakahiga at umiyak.
"Hija okay ka lang ba?" tanong sakanya ng matandang tindera.
"Okay lang ho, eto ho ang bibilhin ko." abot ni Lia sa isang papel na hawak niya, inabot naman ito ng matandang tindera at ibinigay sa kasama niyang nagtitinda.
"1,364 lahat hija. Hindi ka ba bibili ng gamot mo? halatang hindi ka okay, namumutla ka hija." pag aalala ng matanda. Pilit na ngumiti si Lia.
"Sige ho pabili ako ng pang lagnat at sakit sa ulo, pang sipon narin ho at ubo, para ready lang ho ako, nabasa po kasi ako ng ulan kaninang umaga."
"Naku mag ingat ka sa susunod hija." tumango lang siya.
Medyo mabigat ang bitbit ni Lia, tagaktak narin ang pawis niya.
Mabigat ang hakbang niya sa bawat lakad niya. Maya maya ay dumilim ang paningin niya at namalayan niya nalang na nabitawan na niya ang mga pinamili niya.
Nang magmulat si Lia ay napansin niyang nasa isang sasakyan siya. Namilog ang mga mata niya.
'Na kidnapped naba ako? Oh dear, nasa panganib ba ako?'
Masakit parin ang ulo niya at masama parin ang pakiramdam niya.
Dahan dahan siyang lumingon sa tabi niya nakatingin ang isang hindi pamilyar na lalaki sakanya. Nagtama ang mga paningin nila at wala sakanila ang pumutol sa titigan nila.
Maya maya
"Sino ka? ano kailangan mo? ano ginawa mo sakin? gusto mo ba ng pera? magkano?" sunod sunod na tanong ni Lia sa estranghero. Lumapad ang ngiti nito.
"Don't worry wala akong balak na masama sayo. I helped you actually. Nawalan ka ng malay, saktong nagddrive ako so nakita kita na humandusay sa kalsada, buti nalang at lupa at hindi semento ang daan kundi nabagok na sana ang ulo mo."
"Tha-thank you. Pero okay na ako, aalis na ako, san mo dinala yung mga pinamili ko? Kunin ko na. Salamat uli."
"No, hahatid na kita, para mas sure na safe kang makakauwi. Nasa likod lang yung mga pinamili mo. May lagnat ka kaya hindi kita iiwan, hatid na kita." napakurap kurap si Lia sa mga titig nito.
"Sige..kung okay lang sayo. Salamat." Ngumiti ulit ang binata.
"So.. san ang daan?"
Itinuro ni Lia ang daan papunta sa bahay niya, wala naman sigurong masama kung magpahatid siya sa taong hindi niya kakilala, at isa pa ay masama talaga ang pakiramdam niya, hindi imposibleng mawalan ulit siya ng malay kung magpupumilit pa siyang maglakad pa ng mag isa lalo na at may mga dala siya.
"Ang ganda ng bahay mo, malayo sa kapit bahay." komento ng lalaki kay Lia, binitbit nito papasok sa bahay ni Lia ang mga pinamili ng dalaga.
"Thank you."
"Tutal pagabi na gusto mo ipagluto na kita? I'm a chef at may sarili akong restaurant sa Manila. Promise masarap akong magluto." sabi nito sabay kindat kay Lia.
"No thank you. Gusto ko ng mapag isa." pagtataboy niya, oo nagpatulong siya rito pero ayaw niyang isipin nito na ganun siya kadali tumanggap ng tulong. At isa pa, ayaw niyang magtagal pa dito ang binata.
"Ouch." sabi ng lalaki sabay hawak sa dibdib niya. "O sige na nga, pero kaya mo na ha?" tumango lang si Lia.
Tumikhim ang lalaki.
"I am Kurt by the way, and you are Herlia, Am I right? The model?" nagtama muli ang paningin nila.
"Nice to meet you. Yup, I'm Herlia. Thank you ulit." nakipagkamayan siya kay Kurt.
"Pwede ba akong dumalaw ulit dito?" tanong nito. Tinitigan siya ni Lia at napansin niyang may dimples ito sa magkabilang pisngi.
Matangkad si Kurt at may katamtamang laki ng katawan, mas matangkad pa ito kay Top kaya kung hindi lang nito sinabi na isa siyang chef ay baka napagkamalan na niyang isang basketball player ang lalaki. Matangos ang ilong nito, medyo mahaba ang buhok na kulay itim, itim rin ang mga mata nito."Sure." matipid na sagot ni Lia.
Nang makaalis si Kurt ay agad siyang kumain ng tinapay na binili niya pagkatapos ay uminom siya ng gamot. Hindi niya kayang magluto kaya pansamantala ay nagtinapay muna siya. Pagkatapos niyang magligpit ng mga pinamili niya ay umakyat na siya at nagpahinga na.
BINABASA MO ANG
Her mysterious neighbor (COMPLETED)
RomanceIsang modelo sa US si Herlia Glass, kaso dahil sa mga maling nagawa niya ay agad siyang lumaos, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas at magpunta sa Baguio, kaso imbes na matahimik at makapag pahinga ay mas lalong nagulo ang isip niya nang makilala niy...