Chapter 25: Glimpse of Truth

615 20 14
                                    

Chapter 25: Glimpse of Truth

Unknown's POV

Ugh, ang sakit parin ng ulo ko. Tapos ang ingay pa ng nag-uusap na 'to, hindi man lang ako inisip.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Am I not allowed here? Come on, it's been already years, I really miss her."

"Alam ba nila na nandito ka? Especially her."

"Of course, she's the one who sent me here."

Ano na naman ba kasi 'to? Pangalawang beses na 'tong nawawalan ako ng malay dahil sa letseng ulo na 'to, ano bang nangyayare? Pinilit kong in-adjust ang aking mga mata sa paligid kung saan napagtanto kong nandio parin ako sa silid ng sinasabi nila Creon na Headmaster. Habang nagmamasid sa paligid ay nahagip ng aking mga mata ang dalawang taong nag-uusap, mukha ng seryoso ang pinag-uusapan nito sapagkat malumanay na ang kanilang pananalita at hindi nila napansin ang presensiya ko. Ginamit ko ang pagkakataon na 'yon para making sa pag-uusap nila habang hindi ko pa naigagalaw ang aking katawan.

"Ano ng plano mo, Rioki?" Hindi ko Makita ang mukha nila sapagkat nakatalikod sila saakin at nakaharap naman sa bintana ng kwarto.

"Ano pa nga ba? Of course, I will take care of her, habang nandito pa ako. Hindi naman ako ganon magtatagal." Kahit hindi ko sila nakikita ay alam ko ang mapait na pagngiti nito. At nagulat ako sa pagkilos ng katawan nito at hindi ako naka-galaw agad kung kaya't nakita niya na ako.

Worried is written all over his face, at doon ko lang din napagmasdan ang maputlang mukha nito. Dalawang kulay, itim at puti o itim na puti, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. Meron siyang medyo curly black na buhok but with a touch of dark white, ganoon rin ang mga mata nito na punong-puno ng mga emosyon, buhay na buhay, ang sarap titigan dahil narin siguro sa mahahaba nitong pilikmata. Matangos na ilong at ang mapulang labi nito, maihahalintulad na siya sa isang Greek God sa taglay nitong itsura.

Agad siyang lumapit saakin kung kaya't napatigil rin ang Headmaster sa pagsasalita at tumingin sa direksyon ko. Hindi ko mapaliwanag pero magaan ang pakiramdam ko sa lalaking papalapit saakin na tinawag ni Headmaster na Rioki. Diretso lamang ang tingin niya saakin na puno ng pag-aalala at... pangungulila?

"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba? Tatawag ba ako ng healer?" Sunod-sunod na sabi nito at halata na hindi talaga siya mapakali.

"Ayos na ako, pero medyo kumikirot pa ang aking ulo. Sino ka? Hindi, sino ba ako?" Hindi ko na mapigilang itanong, at nakita ko ang pagbakas ng gulat sa mukha ng kaharap ko. Agad siyang umupo sa upuan na nasa harap ng higaan ko. Atsaka siya lumingon sa Headmaster, alam kong bakas sa mukha ko ang labis na pagtataka.

"Alam kong pamilyar ka saakin at sa lugar na 'to. I'm Anihno Amano, the Headmaster of Hereos Academy." Panimula niya, wala akong sinabi at naghintay na lamang sa mga susundo niyang sasabihin. Mukhang nakuha naman niya na wala akong balak magsalita kung kaya't naupo siya sa isang swivel chair at humarap saakin para magpatuloy.

"Ako mismo hindi sigurado sa nangyare sa'yo, saakin, sa lahat ng 'to. Pero isa lang ang nasisigurado ko, the Reset, I think this is the first and last in this era. Reset is used to properly align everything, and no one knows who possess it and what it's up to para gawin 'yon." Wala akong maintindihan kung kaya't mas lalo kong itinuon ang pakikinig sakanya. "Maaring masiyado kang naapektuhan nito para dumating sa punto na makagawa ng isang mundo kung saan alam kong namalagi ka ng ilang buwan at maapektuhan pati narin ang mga alaala mo. Kaya pamilyar ka sa lugar na 'to at saakin sapagkat napunta ka sa isang mundo na hindi pangkaraniwan, nakilala mo ako ron, at ang iba pa. Ang kaibahan lamang ay maliban saakin alam kong hindi na totoo ang iba mo pang nakilala roon. Hindi ko na masiyado pang pahahabain sapagkat magsasayang lamang tayo ng oras, eto na ang tunay na simula kung kaya't nararapat lamang na maging handa ka na." Kahit hindi ko masiyado maintindihan ay tumango na lamang ako sakanya.

"Pero, sino po ba ako? At ano ako?" Tanong ko sakanya, napailing na lamang siya at tumayo sakanyang kinauupuan at lumapit saakin saka hinawakan ako saaking ulo habang deretsong nakatingin ang mga mata niya saakin.

"Hindi ko kayang ibalik ang mga alaala mo sapagkat hindi ko naman alam ang mga 'to. Pero maari kong ma-trigger ang kung ano man sa utak mo hanggang sa tuluyang maabot nito ang mga alaala na nasa'yo." Tumango nalang ulit sakanya at biglang napalunok ng umilaw ang kulay dilaw nitong mga mata at napa-pikit narin ako. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nararamdaman ko na naman ang paglamon saakin ng kadiliman.

3rd Person's POV

Nang mawala na ang pag-ilaw ng mata ng Headmaster ay ang siya namang pagka-wala ng malay ng babae. Naalalayan agad ito ni RIoki at dahan-dahan itong ibinalik sa pagkakahiga, inayos nito ang nagkalat na buhok sa muha nito at hinaplos ang mukha nito.

"Don't worry, Rioki, she'll be fine, rest your ass." Nang-aasar na wika ng Headmaster pero sinuklian lamang siya ng irap nito. Bumalik na siya sakanyang swivel chair at pinagmasdan ang dalawa, at biglang napangiti sa kawalan.

Mayamaya lamang ay naagaw ng pansin ni Rioki ang buhok ng babae dahil nag-iiba ito ng kulay, katulad ng sakanya, dalawang kulay, puti at itim. Ang kaibahan lamang ay ang angat na kulay puti sa dulo ng buhok nito. Agad na napangiti si Rioki sakanyang nakita at hindi maiwasang hawakan ang buhok ng babae. Sa kabilang banda hindi maitago ng Headmaster ang tuwa sakanyang nakikita dahil hindi maipagkakaila ang pagkakahawig ng dalawa, sa buhok na natatangi ang kulay, at ang mukha na kung hindi tititigang mabuti ay hindi mahahalata.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Rioki ang dahan-dahang pagbukas ng mga mata ng babae at ang paggalaw ng kamay nito na itinaas at ibinubukas-sara. Napatingin ang babae sa lalaki at sa Headmaster na nakangiti sakanya.

"Welcome back, Akira Saeire Gin Rissette Lozano, or should I say, Kira Gwain Lozano Azeranai-Urameshi." At isang matamis na ngiti ang ibinigay nito, napangunot naman ang noo ng babae at mayamaya lamang ay mukhang nalinawan na at napatawa ito sakanya.

Kira's POV

How come na I forgot my own name, darn it. Natatawa ako sa sarili ko, pero natigil ang kasiyahan ko sa sariling katangahan ng ma-alaala ang lalaki na mala-greek god ang kagwapuhan na nasa tabi ko. Napatingin ako sakanya na puno ng pagtataka ng maalala ko naman ang buhok ko na nasa natural nitong kulay at napatingin ulit ako kay HM, nagkibit-balikat lang ito at tinalikuran ako ng swivel chair.

"Uh-no, pasensiya na, hehe. May I know you? Although parang sobrang gaan ng pakiramdam ko sa'yo." Nahihiyang sabi ko habang napapakamot saaking ulo kahit wala naming Makati. Narinig ko naman ang mahinang pag-tawa ni HM, maiirita na sana ako ng mas malakas na tawa ang narinig mula sa katabi ko at nagulat ako ng yakapin ako ng mahigpit nito. Nagulat naman ako sa ginawa niya at napatingin kay HM na ngayon ay naka-tayo na at may ngiti sa labi na naka-tingin saamin.

"If you two will excuse me, Rioki, ikaw na munang bahala kay Kira, alam ko naming miss na miss mo na siya, pfft." May bahid ng pang-aasar na wika ni HM at bago pa man maka-sagot si Rioki ay naka-alis na si HM. Tinignan ko naman siya ng malalim.

"I didn't expect na ganito ka-awkward. I really missed you, Keira. I know hindi mo ako maalala, of course sobrang bata mo pa nang huli nating pagkikita, eh. So, allow me to introduce myself." Matamis na ngiti nito saakin, nadala naman ako kung kaya't tumango lang ako sakanya at binigyan din ng isang matamis na ngiti.

"I'm Rioki Caim Lozano Azeranai-Urameshi, it was really nice to see you again my princess." saka niya ako sinalubong ng napaka-init na yakap.

--------------

(A/N: dooon't forgeeet tooo VOTE and Comments guyysss, I will really appreciate it, lablotsss.  FOLLOW me for dedicationsss then comment.  So, I will know kung nagustuhan niyo ba or nah. God Bless u all!! Mwaah

~Elle

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heroes Academy: Not An Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon