Chapter 8 - a day with mr. arrogant

106 3 2
                                    

A/N: Ayan, dedicated yan sayo kasi gusto ko magthank you sa pagbabasa mo lagi sa story ko at sa laging pagvovote sa story ko. hihi. Thank you so much! Sobrang na-appreciate ko. Ayun lang

- - - - - - - -

REINA’s POV

Nasa mini park ako ngayon. And to be specific nasa likod ako ngayon ng mga halaman/damuhan sa may mini park na malapit sa isang table. You wanna know why? Andun kasi sa table si Raymond eh, mag-isa lang siya, parang nagmumuni-muni lang. Gustuhin ko mang lapitan siya pero hindi ko naman magawa eh, kasi hindi ko naman alam kung ano sasabihin ko sa kanya. *sigh* Lagi na lang ba akong ganto? Hanggang tinggin na lang ba talaga ako sa kanya? Darating kaya yung time na mapapansin niya rin ako? Sana naman mangyari yun. Sana malapit na.

Ayoko na... nag give up na ko kakatinggin sa kanya. Kaya ayun, naisipan ko na lang umalis. Masakit man, pero tinanggap ko na, na fail ako ngayon -____- pero... di ko pa rin siya susukuan. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob. Para kasing bigla akong na-torpe eh. tsk

Habang naglalakad ako, naramdaman ko na lang na may nabangga ako. Nakayuko kasi ako habang naglalakad eh.

“Ano ba?! Tanga ka ba!” Sabi nung babaeng nabangga ko. Pag katinggin ko sa kanya. Nakita ko na lang na kalahati na lang yung juice na hawak niya at basa na yung uniform niya.

“Sorry miss. Di ko naman sinasadya eh. Hindi naman kasi kita nakita” sabi ko habang sinusubukan kong punasan yung uniform niya

“Ano ba, wag mo nga akong hawakan!!” Sabi niya habang tinutulak ang kamay ko. “Bulag ka ba? Sa itsura kong to’ di mo ko nakita?” Aba siraulo to’ ah, pilosopo! HMP! Sabunutan kita dyan eh.

“Sorry na nga eh. Ano bang gusto mong gawin ko para makabawi ako?” sabi ko ng mahinahon. Ayoko kasi ng nakikipag-away eh.

“WALA!” sabi niya ng pasigaw habang itinulak ako ng malakas. Kaya naman napaupo na lang ako sa pagtulak niya sakin. Naramdaman ko na lang na tinapon na niya sa akin yung natirang juice na hawak niya. Wala na akong nagawa. Gusto ko na lang gawin ngayon ay umiyak. OO na. Weak na kung weak.

“Hoy ano ba?! Bat mo ginawa sa kanya ‘yun?” Narinig kong sabi ng lalaki na bigla na lang dumating. Di ko na nakita kung sino. Nakatalikod kasi sakin yung lalaki. Yung babae naman na nabangga ko parang hindi na rin makapagsalita, parang nagulat ata siya nung nakita niya yung lalaki.

“S-sorry.” Sabi nung babae na parang takot na takot.

“’wag ka sakin mag sorry, sa kanya ka magsorry.” Sabi nung lalaki habang tinuturo ako.

“HA?!” gulat na gulat na sabi nung babae, na parang ayaw pang sundin yung sinabi sa kanya.

“Oh, bakit? Aangal ka?” maangas na sabi nung lalaki.

*sigh* “Sorry na miss. Di ko naman sinasadya eh”

Ako naman di na makapag-react sa mga nangyayari, para kasing ang bilis nung mga nangyari. Parang di pa nag-pprocess sa utak ko.

“Oh ano napatawad mo na ba siya?” Humarap sakin yung lalaki. At nagulat na lang ako ng makita ko na si...

si Raymond pala yung lalaking nagtatangol sakin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, kung matutuwa ba ako dahil pinagtatanggol niya ko na hindi naman talaga niya kailangan gawin or maiinis ako kasi natapunan ako ng juice at may babaeng umaaway sakin?

Ang nagawa ko na lang ay ang tumango. Naka-nganga pa nga ata ako eh. Pero di naman yung sobrang nganga na tipong mapapasukan na ng bola, yung saktong nganga lang )

“sige, pwede ka na umalis” sabi ni Raymond dun sa babae. Yung babae naman dali dali ng umalis.

“Tsss” sabi ni Raymond habang nakatinggin dun sa direksyon nung babae

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon