Second day of school na. Feeling ni Andrea,maaga siyang nakapasok.
"Aga mo ah!", paasar na bati ng kaibigan niyang si Claire sa kanya.
Bukod kasi sa mga kaibigan niya, si Claire ang pinaka nakakatawa at pinakamaingay kaya't kung ganon nalang ito makabati kay Andrea.
"Nang aasar kaba? ayoko ng ma late no", sambit ni Andrea.
"hahaha! May orasan ba kayo sa bahay niyo? 7:30 na kaya, matagal lang nag bell kasi nag mi-meeting pa ang mga teachers. Asa kapang maaga ka ", patawang sabi ni Claire sa kanya.
Titingnan na sana niya ang kanyang phone para icheck ang oras ng .. KRIIIIING!, bell na pala. Napangiti nalang si Andrea sa nangyari.
Pagdating sa classroom, napansin kaagad ni Andrea si J.R. Natutulog ito sa kanyang arm chair.
Natutulog na kaagad? 7:40 pa n umaga, inaanok na? nagtatakang isip ni Andrea.
Mabilis na lumipas ang araw. 2 pm na , Filipino time.
"Okay class, ngayong araw nato, bibigyan ko kayo ng topics sa handbook para i arte sa harapan. Tungkol ito sa mga iba't ibang mga alituntunin sa paaralan natin. At ihahati ko nalang kayo by row. "
Inisa -isa ng kanilang guro ang mga topics na iaarte nila.
" At sa group 3, classroom rules", sigaw ng kanilang guro.
Dali-dali din naman silang nagpractice ng napansin ni Andrea si J.R.
Ka grupo ko pala siya, sana mag cooperate siya.
At nagsimula na nga sila Andrea sa group nila. Parang napapnsin ni Andrea na may sariling topic din si JR sa likod, pero binalewala niya lang ito.
May kina clarify lang siguro, makikinig din yan, isip ni Andrea
" Ganito nalang ang gawin natin, ako yung ......." ,
Naputol ang pagsasalita ni Andrea ng sumigaw si J.R. ng
" Dheil, ano?!"
"J.R.? may problema, kanina kapa diyan . Kung ayaw mong makinig, umalis ka nalang sa grupo." pasigaw na sambit ni Andrea.
"Napapaos na nga ako dito , di pa kayo nakikinig, nakakainis kaya ", dagdag pa nito.
"Pasensya", malumanay na sagot ni J.R.
Di na nakaimik si Andrea.
Bakit ba na kokonsensiya ako sa ginawa ko? Di naman talaga siya nakikinig at ang hirap kayang magsalita sa harap . paos na nga ako. sambit ni Andrea sa sarili.
=====================================================
:)))))) more chapters to come ♥

BINABASA MO ANG
asdfghjkl, LOVE ♥
Teen FictionPaano nalang pag nagmahal ka ng di ina asahan? Paano nalang pag dumating na ang oras na kailangan mo ng umalis para sundin ang desisyon na alam mong hinding hindi mo na mababago? Magmamahal ka pa rin ba kahit alam mong malabo nang magkita kayo ba...