Makalipas ang tatlong linggo...
Hays nakakapagod din ilang linggo na ang lumipas simula nung tumira na ako dito sa bahay ni bakla. Same routine pa din u know repeat repeat lang. Nakakapagod din mag-aral HAHA ayoko na mag aral joke lang hindi pwede yun lang yung natitirang paraan para may maipagmalaki at may maipamukha ako sa mama ko kung sakaling hanapin niya ako.
Bumaba na ako para magluto ng almusal namin ni Kyle infairness guys marunong na ako magprito hindi na siya sunog HAHAHA simula kasi nung umiyak ako dahil dun kinubukas nituruan ako ni kyle magprito kaya ayun nga nag-improve na HAHAHAHA charot. Pagkatapos kong magprito tinawag ko na si Kyle pero hindi pa rin siya bumababa. No choice na ako kundi tawagin nalang siya sa kwarto niya baka tulog pa siya.
"Kyleeeeee! gising naaaa bakla anong oras na hooooy malelate tayo niyan" tanginang bakla to tulog-mantika hindi talaga siya nagigising kaya kinuha ko yung isa niyang unan at inihampas sa ulo niya bigla naman siyang nagising HAHA bat kasi di siya nagising agad.
"Ano ba bakla! natutulog pa ako eh sarap sarap ng tulog ko iniisturbo mo ko" reklamo ni kyle sakin aba kasalanan ko pa ba yun eh ginagawa ko lang yung dapat kaasar! kinuha ko ulit yung unan at inihampas ulit sakanya bigla siyang bumangon at tumayo nagkakamot siya ng ulo. "Ano ba yan kim nakakainis ka" sabi niya bago siya makalabas ng kwarto niya.
Pagkatapos naming kumain ni kyle ay umakyat na ako sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform. Bumaba na ako at hinintay sa labas si kyle. "Kyleeee! matagal pa ba diyan?! malelate na tayo sa klase!" sigaw ko para marinig niya ako. "Oo bakla andiyan naaaa" at andiyan na nga siya.
----University----
At ito nga nalate nga kami nagsimula nang magdiscuss ang prof namin. "Bakla ikaw unang pumasok" sabi ko kay kyle. "Bakit ako?" malamang eh ikaw yung dahilan kung bakit nalate tayo eh sabi ng isip ko. "Oh dapat ba ako ang mauna?" pampipilosopo ko kay kyle ay dapat pala pampipilosopa kasi diba babae ako hehe joke lang.
"Oo na nakakaasar ka" reklamo nanaman ni kyle sakin. Naglakad na siya para pumasok sa classroom namin sumunod naman ako "Goodmorning Ms. Rodriguez" sabay naming bati sa prof namin. Tumigil naman siya sa pagdidiscuss at tinignan niya kami. "Bakit kayo late? at bakit kayo laging magkasama? magsyota ba kayong dalawa?" tanong samin ng prof namin bigla naman kaming nagkatinginan ni kyle nagkibit-balikan siya na parang nagtataka.
"Hmm, no ma'am we're just friends at isa pa po bakla siya halata naman po diba?" sagot ko at hindi na namin siya hinintay na sumagot pa umupo na kami sa pwesto namin bakit naman niya tatanungin yung mga bagay na yun? eh halata naman na magkaibigan lang kami at bakla naman si kyle hindi kami talo.
*****
Natapos na ang lahat ng subjects namin at lunch break na pero wala parin ako sa sarili ni wala nga akong naintindihan sa lahat ng tinuro ng mga prof namin. Kanina pa ako kinakausap ni kyle pero hindi ko siya pinapansin.
Hinila ako ni kyle para lumabas na nagpunta kaming cafeteria "Hey bakla bat ka ba tulala diyan? kanina ka pang umaga ah may problema ba?" tanong sakin ni kyle habang naglalakad at hila hila niya ako hawak niya ang bag ko. Tinignan ko siya "wala naman bakla naaasar lang ako kay Ms.Rodriguez bat ba kasi nagtatanong siya ng ganun kahit alam naman na niya yung sagot diba?" nakarating na kaming cafeteria at naupo na kami.
"Dito ka lang bakla mag oorder lang ako, mamaya natin yan pag-usapan okay? wag masyado mainit ang ulo" tumayo na siya at nag order hays nakakaasar lang kasi alam naman nilang hindi kami talo ni kyle kasi bakla siya. Pero sa totoo lang sana naging lalake nalang siya sana hindi nalang siya naging bakla kasi kung hindi lang siya bakla malamang crush na crush ko na si kyle HAHA tulala lang ako nakatingin sa labas ng cafeteria pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan yeah umuulan kanina pa kasing makulimlim and i think may bagyo.
Dumating na si kyle may dala dalang tray na may kape at cakes. umupo siya sa harapan ko tinignan ko siya napaka gwapo niya sa totoo lang napaka perfect ng shape ng mukha niya at yung mata niya brown eyes, yung kilay niya sobrang kapal, yung pilik mata niya na sobrang haba, at yung labi niya na sobrang pink at manipis na kapag ikaw yung katabi at kausap niya di mo maiiwasang tignan yung mga labi niya at pagnasahan yun.
"Hooooy Kim!" sigaw sakin ni kyle sakin kaya nagulat ako at napatigil sa pag nanasa sa labi niya tangina baka napansin niya na nakatingin ako sa labi niya "ah b-bakit?"utal na tanong ko kay kyle. "kanina pa kita kinakausap pero hindi ka umiimik kanina mo pa ako tinititigan may dumi ba mukha ko?" tanong niya habang hinahawak hawakan yung mukha niya.
"Ah wala naman ano ba yung sinasabi mo?" tanong ko sakanya habang kinakain yung cake. "yung tungkol kanina sabi ko" ulit niya "ah yun ba bakla naasar ako kay Ms.Rodriguez kasi alam naman niyang hindi tayo talo bat pa siya mag tatanong ng ganun" napatigil siya sa pagkain ng cake at tinignan niya ako "hayaan mo nalang siya bakla alam naman natin sa isa't isa na hindi tayo magsyota" sagot niya at itinuloy nalang yung pagkain ng cake at paginom ng kape.
Pagkatapos naming kumain sa cafeteria ay hinintay naming tumila ang ulan at nang hindi na talaga tumila ang ulan ay hinila ako ni kyle at tumakbo anu ba yan hobby na ba talaga ni kyle ang paghila at pagkaladkad sakin? pumunta kami sa parking lot at kinuha ni kyle yung kotse niya isinakay niya ako.
"Bakla wala ka namang gagawin mamaya diba?" tanong ko sakanya tumingin naman siya sakin saglit "Wala naman bakit?" tanong naman niya habang nagmamaneho ng sasakyan. "Gusto ko kasing mag-inom ngayon okay lang ba sayo? ayos lang sakin kahit di ka mag-inom samahan mo lang ako" paliwanag ko ewan ko ba gusto ko mag-inom ngayon gusto ko lang ilabas yung sama ng loob ko sa mama ko gusto ko magdrama.
"Ah sige bakla sasamahan kita ayos lang sakin" sagot niya bigla naman nabuhayan yung kalamnan ko sa sinabi niya. Nakarating na kami sa bahay ni kyle at hindi pa rin tumitila ang malakas na ulan.
...........
Kumuha si kyle ng alak at ako naman kumuha ako ng magiging pulutan namin sa ref. Pagkatapos ay sinimulan nanamin ang pag-inom ng alak. Marami na din kaming naikwento sa isa't isa at marami na din kaming nainom at lasing na kaming pareho.
A/N: heeeeey abangan niyo yung susunod na mangyayare just wait and continue sa pag babasa dahil marami pa kayong masasaksihan! HAHAHA then sana suportahan niyo to para naman ganahan akong mag update hihiz joke lang so yan lang muna guyseuuu lovelots! 💖 sorry ngayon lang ulit.
BINABASA MO ANG
ANG KAIBIGAN KONG BAKLA
Ficção AdolescenteKyle Montefalco ang pangalan ng baklang kaibigan ko na crush ko kahit bakla siya gustong gusto ko siya ang gago lang. Kim Avery Alvarez naman ang pangalan ko at kaibigan ko si baklang Kyle Montefalco nasasayangan ako sa baklang yun ang pogi pogi pa...